11 - mainstory [B.Wolves meets Luhan]

57 1 0
                                    

[Luhan]

Bakit kaya biglaang nawala si YeonJi? Lunch time na, ang sabi niya illibre ko siya. Nag- tour na lang ako sa loob ng campus.

Mayroon palang malapit na bilihan ng bubble tea dito. Pumasok ako at sa loob ay tanaw ang court ng school. Siguro ay kailangan mo lang maglakad ng 10 mins.

Mayroong lalaki ang nagmamadaling pumasok at palingon-lingon. Para bang may hinahanap.

"Haisst.... wala naman siya dito " ang sabi niya sabay kamot ng ulo niya dahilan para magulo ang buhok niya na maala-rainbow ang kulay. Dumiretso na siya sa counter.

"No. 7! No. 12!" sigaw ng isa sa tauhan ng shop. 7? Number ko pala yun.

Pumunta na ako sa claiming area at nandun si Rainbow. Sabay binigay ang order namin.

"Yehet! Thank you po!" tuwang tuwa niyang sabi na parang bata at nagmamadali nang lumabas. Lumabas nadin ako ng shop. Iinumin ko na dapat yung binili ko kaso ay nakitang kong nakasulat ay Chocolate. Taro Milk Tea ang order ko, baka nagkapalit kami ni Rainbow.

Nakita ko siyang papasok ng court kaya sinundan ko na.....

Nakita kong may 10 na tao ang nakatambay sa loob. Papasok pa ba ako? Bigla kong namataan si YeonJi at Jong In. Dito rin pala nag-aaral si Jong In.

"Anong ginagawa mo dito?" narinig ko na sabi ng lalaki sabay hawak niya sa balikat ko. Pinulupot ko ang kamay niya at napaluhod siya.

"AAH!! MASAKIT!! AAH!!!" sigaw niya. Binitiwan ko na siya dahil baka marinig pa siya ng mga tao sa loob.

"⊙_⊙ Ikaw na naman?!?" gulat niyang sabi. Siya yung nagwawala kanina sa restroom. Bakit ba palagi kaming nagkikita.?

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase? Bago ka lang ba? Bawal dito ang mga estudyante. Ang PE class ay sa field na." daldal at tanong niya.

"Ah, ganun ba? Oo, bago lang ako dito. May ibibigay lang sana ako doon sa parang rainbow ang buhok."

"Ganun ba? Halika pasok ka....." aya niya.

"AAAHH..... BAKIT TARO FLAVOR TO?!?" biglaang sigaw ni Rainbow.

"Anong problema dun? Bubble Tea pa rin naman yan!!" sabi ng lalaking naka-eyeliner.

"Sehun may naghahanap sa iyo!" sigaw ng kasama kong pumasok. Sehun pala ang pangalan niya. Lahat sila ay tumingin sa direksyon namin.

"Sino siya Sehun?" tanong ng malaki ang tainga.

"Ngayon ko lang siya nakita..." sagot ni Sehun.

"WOAH! LUHAN! IKAW BA YAN? IBA ITSURA MO AH..." tuwang tuwa at hindi makapaniwalang sabi ni Jong In. Lumapit siya sa akin.

"Kai, kilala mo ba siya?" Tanong ng isa na parang pagod at inaantok.

"Kai? " tanong ko kay Jong In.

"Kai kasi ang tawag ng iba sa akin ngayon. Nagsimula iyon nung sumali ako sa gang nila, na nagngangalang B.Wolves." paliwanag niya. Gang pala ang B.Wolves. Tinignan ko sila at hindi naman sila mukhang gang.

"Ito nga pala si Luhan, siya yung kinukwento ko sa inyo na isa pa naming kasama ni YeonJi sa 3D" sabi ni Jong In, I mean KAI.

Isa-isa silang nagpakilala sa akin.

"Welcome to B.Wolves!" sabi ni Suho.

"Huh?! Teka hindi naman ako sumasali sa inyo ha." sabi ko.

"Kaibigan ka ni Kai at Yeonji, ibig sabihin ay kaibigan ka na rin namin" sabi ni Chanyeol.

"Dahil diyan, magcelebrate tayo! Kain tayo mamaya sa bahay ko punta kayo ha." sabi ni Xiumin.

"Oo nga pala DO, san ka nanggaling?" tanong ni Sehun.

"Ah.... sumakit uli yung tiyan ko e, kailangan ko ulit pumunta sa restroom." paliwanag ni DO. Tumingin siya sa akin at para bang sinasabi na huwag kong sasabihin ang nangyari kanina sa restroom.

"Ikaw Luhan, bakit mo pala hinahanap si Sehun?" tanong ni Baekhyun.

"Ay muntik ko nang makalimutan! Sehun nagkapalit ata tayo ng bubble tea. " Sabay abot ko sa kanya ng Chocolate flavor.

"Yehet! " Nagpalit na kami ng bubble tea at tumabi siya sa akin. "Simula ngayon magbestfriend na tayo ha! At bukas sabay tayo sa pag- uwi pero bili muna tayo ng bubble tea." sabi niya.

"Luhan anong class ka kabilang?" tanong ni Chen.

"Kaklase natin siya. Oo nga pala Jong In, siya na katabi ko simula ngayon..." sabi ni Yeonji.

" Same class ka rin? Kung ganoon, Tara na! Sabay sabay na tayong pumunta sa PE class natin." aya ni Suho.

First day ko sa school at kaklase ko muli ang dalawa kong kaibigan. Hindi lang iyon, naglaho man ang 3D, nadagdagan naman ang mga kaibigan namin.

Back Away from Her! (엑소)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon