Note: WARNING! HUWAG SERYOSOHING MABUTI ANG MGA MABABASA.
~~
Ako si Niece. Sabi ng iba, nagmama lee-niece daw ako. Eh wala naman akong ginagawang masama simula nung araw na yun sa pagkaka alam ko ah.. ayy. gabi pala! May Boyfriend ako.. Ay hindi pala ulit! Nanliligaw lang siya sa 'kin. MAGANDA daw kasi talaga ako. Ang totoo, nagparetoke lang ako. Uy! Secret lang natin 'to. Matinding operasyon ang pinagdaanan ko para maging maganda lang ako ngayon. Ang hirap pa ng walang pera. Nakaka-stress! Kaya imbis na mapadali ang pagpapaganda ko, napatagal pa.
Dalawampu't dalawang taon na ako ngayon. Ang trabaho ko ay ang pagiging modelo. Syempre nagmodel ako matapos kong magpaganda ay este magparetoke ng bonggang-bongga! para naman mabawi ko ang lahat ng ginastos ko sa pagpapaganda. Oh diba? Ang talino ko talaga.
Pauwi na ako ngayon. Galing ako sa isang bar. Gumumick ganern!
*Sa telepono, may tumatawag. Sa telepo--* (wonder pets singing voice)
"Hello, Babe." Pagsagot ko sa cellphone kong nagriring.
"Yes Babe, Pauwi na nga ako. Salamat sa pagtawag. AYLABYU!"
Tama kayo ng pagkakabasa. Babe nga at nag i-love-you pa pero Hindi ko yun boyfriend, e paki niyo ba? Maganda ako e. Gusto ko nga, pumuputok yung blush on ko para naman mapansin ang kagandahan ng blush on ko no! Atleast, kahit saan ako magpunta ng maghapon ..Hindi ko na kaylangang mag-retouch! oh diba? Nakatipid pa ako sa oras, maganda pa ako all the time!
Si Rick nga pala yung tumawag kanina. Friend ko. Hindi kayo naniniwalang friend ko lang yun e nag ilove you nga ako? Nagkakamali kayo. E bakla yun e! Imposibleng maging kami no. Eeww!
Nagpark ako sa sa isang CONDOMINIUM na tinitirhan ko. Sa Ford lang naman. Oh diba? Ang yaman ko lang tignan?! Pero nagkakamali kayo. Mahirap lang kami no, I mean .. hindi naman sobrang mahirap. Basta nakaka-angat lang ng kaunti sa karamihan. Nakuha ko ang Condong tinitirhan ko ngayon sa isang foreigner na naka chat ko. Binola-bola ko, ayun ..Binibigyan ako ng pera. Ang dali naman niyang mauto e. Sinasabihan ko lang ng "I love You" binibigyan na ako ng pera.. pinapadalhan ako sa Bank Account ko. Oh diba, Ang susyal! Haha
Binati ako ng guard pagkapasok ko sa lobby. "Good evening Maam."
Nginitian ko naman siya. Oh diba? Ang bait ko talaga! Pati Commoner, pinapakisamahan ko. I love myself na talaga! <3
Sumakay na ako sa Elevator. Nag intay sa 13th floor kung saan ang unit ko. Dumaan ang dalawang babae sa harap ko, parehas silang nakaputi at nakatungo. Hindi ko na lang sila pinansin at hinanap ang susi ng unit ko sa Chanel kong bag. Galing naman 'to sa isang malapit na kaibigan. Ipinadala niya sa 'kin galing ibang bansa. Ang kapalit lang naman nitong bag na ito ay isa ko lang na picture. Isa kasi siyang photographer At nangongolekta siya ng mga pictures na tanging dyosa lamang na katulad ko ang makapagbibigay sa kanya.
Nabuksan ko na ang unit ko at binuksan ko na din ang mga ilaw. Mahirap talagang tumira ng mag-isa. Kaylangan mong maging independent at umasa sa mga kaibigan mong mayayaman. Kaylangan lang kasing maging praktikal at maging matalino sa lahat ng bagay para umasenso. Ganyan ang panuntunan ko sa buhay! Kita niyo naman ngayon? Umasenso ako! Ang IMPORTANTE PA SA LAHAT, GUMANDA AKO.
Tumingin ako sa kalendaryo. Enero na pala ngayon.. Kaya pala ang lamig sa labas, hindi nga ako nagbubukas ng aircon nitong mga nakaraang araw, nagtitipid kasi ako.. yung isang kaibigan ko kasi na inaasahan kong magpadala ng pera para makabayad ako ng bill ng kuryente eh, hindi ko makontak! Leshe siya! -_- Kaya maghahanap ako ng bago kong kaibigan para naman, hindi na ako magtipid pa!
Binuksan ko ang Aking mamahaling vaio laptop Na kulay PENK. Binili ko to no. Pinag-ipunan ko :P
Nagtype ako ng link at nag babrowse na ng may nag private message sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Tara sa CONDO (One Shot)
HumorHindi lang SiYA ang may CONDO. Ako rin. -Niece Cornetto A One Shot Story. BABALA: Huwag pumunta ng mag-isa.