Sharinna <3 James
Ang saya ko talaga kapag lagi ko sinusulat ang pangalan naming dalawa. Sa papel, sa likod ng notebook ko, sa lupa, kahit nga minsan sa may upuan sa park. Oops, mga bata wag nyo ako tutularan ah. Kasi Vandalism tawag dun, bad yun. Di naman kasi tamang sulatan ang upuan. At ngayon, sa buhangin naman ako nagsusulat. Kinuha ko ang DSLR na nakasabit sa leeg ko at pinicturan ko yung sinulat ko sa buhangin.
Napatingin ako sa dagat, ang lakas ng alon ng tubig na kitang kita at dinig na dinig ko pa. Palubog na ang araw. Kinunan ko ng litrato ang pag-alon ng dagat at ang paglubog ng araw. Nang tanggalin ko na ang DSLR na nakaharang sa mukha ko, sa sunset parin ako nakatitig. Unti unting naniningkit ang mata ko. Sumikip bigla ang dibdib ko. Nahirapan na akong huminga. Nararamdaman ko nanaman yung sakit. Bumabalik nanaman yung sakit...
Flashback
"Hahaha. Ayoko na. Hahaha. Tama na kasi." tawang tawa kong sabi. Nahahabulan kami ng kababata ko. na boyfriend ko. Grade 5 mga month of September nung naging kami, at 2years na namin ngayon. Andito kami sa dalampasigan. Pumunta kami dito sa resort ng family nila para magcelebrate, kilala na kasi sya ng parents ko at kilala na din ako ng family niya. Kahit 2ndyr highschool palang ako at 3rdyr highschool sya ngayon, okay lang daw sakanila.
"Got you!" nahuli nya ako tapos kiniliti nya ako kaya napahiga kami sa buhangin.
"Kakapagod. Ayoko na nga makipaghabulan sayo James! Nakakaasar ka. Pinapagod mo na nga ako, tapos kikilitiin mo pa ako" pagtatampo ko sakanya.
"Sorry na mahal ko." he kissed me on my cheecks.
"Ang ganda nung sunset oh" tinuro ko yung araw. Tapos tumingin sya dun. Nakahiga parin kami sa buhangin.
"Oo nga no. Ang ganda. Pero alam mo Sharinna, mas maganda ka. Magandang maganda." tumingin sya sakin at ngumiti. Ngitian ko din sya at lumingon sya ulit sa araw na palubog na.
"Sharinna." nakatitig parin sya sa sunset at ako din.
"Hmm?"
"Forever na kaya tayo?"
"Di ko alam. Pero James, as long as we love each other. Walang iwanan ok?"
"Who told you na iiwan kita?"
"Wala naman." ngumiti ako sakanya pero still nakatitig parin sya sunset na nakangiti din.
"Wala naman pala e. Sharinna, walang sinuman ang pwedeng sumira sa relasyon natin. Sa pagmamahalan natin. Dahil mahal na mahal kita." sumeryoso ang mukha nya na nakatitig sa sunset. Kinuha nya ang kanang kamay ko at nag-intertwined ang mga daliri namin.
"Promise me that, James"
"Ang araw, umaalis kapag parating na ang buwan. At si buwan, nang-iiwan pagdating ng araw." sabi niya.
"Ha? Ano yun?" tanong ko.
"Sharinna, hinding hindi ako tulad ng buwan na iiwan ang araw. You're my sun, Sharinna. Pero hindi kita iiwan. Tandaan mo yan." then he kiss the tip of my nose.
End of flashback.
"Hinding hindi mo ako iiwan? Nakakainis ka naman James eh!"
at tuluyan ng tumulo ang mga tubig sa mata ko na kanina pa gustong gustong makawala. Gusto ko lang ngayon ay sumigaw! Dahil ang sakit sakit parin!
"James! James!" hagulgol lang ako ng hagulgol. Hanggang sa nanghihina na ako. Napa-knee ako sa buhangin. Hinawakan ko ang dibdib ko, parang inaatake ako sa puso. Pero wala naman akong sakit na ganun. Naging black ang paningin ko...
BINABASA MO ANG
I met a rare guy, named Red.
HumorI wont forget. The day I met a rare guy named Red.