Ang Babaeng Putik

1.2K 39 3
                                    

3 years ng magkasintahan sila Mariz at si Jerome at wala silang nagiging problema sa pagsasama nila hanggang sa natuklasan ni Mariz na may bagong kinahuhumalingan si Jerome na officemate nito.

Noong una nag deny pa si Jerome na wala syang ibang babae pero nahuli din ni Mariz sa akto si Jerome na nakikipag date sa ibang babae sa isang restaurant.

Nakita ni Jerome si Mariz kaya agad nya itong sinundan.

Noong makarating sa parking lot ay nag usap sila.

Jerome: Let me explain Babe.

Mariz: Explain mo yang mukha mo.

Jerome: Si Roxanne ay officemate ko lang.

Mariz: Officemate mo na magkadikit mga legs nyong dalawa at ka holding hands mo pa.

Jerome: Huwag ka ng mag selos wala lang yun. Pinakisamahan ko sya dahil wala syang kaibigan.

Mariz: Dyan ka na.

Noong pumasok si Mariz sa kotse nya ay sya ding pag pasok ni Jerome dito. Habang nag da-drive sya ay pumapatak ang luha nya. Todo suyo naman si Jerome sa kanya.

Nakarating sila sa dati nilang tagpuan. Nag usap silang dalawa pero ayaw ng makinig ni Mariz sa kanya. Iniwan nya si Jerome don kaya nag taxi na lang sya pauwi.

Noong sumunod na araw ay pumunta si Mariz para kunin nya ang mga gamit nya sa apartment ni Jerome at nakita nya ang babae ni Jerome na si Roxanne. Nag dilim ang paningin ni Mariz kaya pinag sasampal nya ito at pinag tatadyakan.

Masamang masama ang loob nya dahil yung relasyon na iniingatan nya ay nasira lang. Umalis sya ng apartment ni Jerome at dala ang mga gamit nya. Umiiyak naman si Roxanne.

Nakipag break na si Mariz kay Jerome dahil di nya kayang dalawa sila sa buhay nya. Nag sumbong naman si Roxanne kay Jerome sa mga ginawa ni Mariz sa kanya.

Hanggang isang araw pauwi na si Mariz nong tambangan sya ng mga lalaki sa parking lot. Wala sya nagawa kundi sumama sya sa mga ito. Dinakip sya ng mga ito at lumayo sila.

Hanggang sa napunta sila sa isang lugar na walang katao tao at mga bahay. Nakapiring si Mariz habang nakasakay sya sa kotse ng mga lalaki pero dala din nila ang kotse nya.

May dala silang gasolina at niliyaban nila ang kotse nya habang nasa loob sya at tinulak nila ito sa bangin. Hindi sya makasigaw dahil may takip ang bibig nito at nakagapos pa ang mga kamay nya.

Sumabog ang sasakyan. Mabilis nilamon ng apoy ang sasakyan ni Mariz. Mabilis naman nakaalis ang mga lalaking gumawa non sa kanya. Nalaman ni Jerome ang nangyari at labis syang nalungkot.

After a few months nag decide sila Roxanne at Jerome mag pakasal.

Nag pakasal sila sa Hong Kong at don na din sila nag Honeymoon na dalawa.

Noong umuwi sila ng Pilipinas ay nag stay sila sa Ayala Estate. Ang bahay na yun ay pinundar ni Mariz na dapat sana ay bahay nila ni Jerome. Ipinangalan din ni Mariz ang mga ari arian nya kay Jerome kaya biglang yaman sila ni Roxanne.

Kinaumagahan..

Maagang gumising si Roxanne para mag prepare ng breakfast nila ni Jerome. Na pansin nya ang daming bulaklak ng patay sa bakuran nila na may nakasulat sa ribbon nitong Home Sweet Home. Agad pumasok si Roxanne at ginising ang asawa at sabay silang bumaba at lumabas ng bahay. Pag labas nila ng bahay wala naman ang mga bulaklak ng patay.

Iniisip ni Roxanne na nag paparamdam si Mariz sa kanila dahil  pamamahay ni Mariz ang bahay na yun.

Ang kaluluwang pinaslang hindi matatahimik hanggat di nya nakakamit ang hustisya. Hindi na lang pinansin ni Roxanne. Iniisip na lang nyang guni-guni nya lang  yun.

Ang Babaeng PutikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon