Chapter 13

28 1 0
                                    

Chapter 13

Rence's Pov

"Wala lang. Madami lang issue because of the issue last night, thanks pala sa pinost mo."

Nabigla ako nung ngumiti siya. Hindi naman sa ngayon ko lang siya nakitang ngumiti, iba lang yung ngayon saka alam kong para sa akin talaga ang mga yun. Hinarap ko ito at seryosong tiningnan habang nakangiti, ibang klase talaga ang saya nito.

"It's not for you, I just clear my name dahil hindi naman totoo yun eh saka ayoko ng my madamay pa" Prangka kong sagot dito.

Parang nagsisi naman ako sa sinagot ko dito dahil bigla napalitan ng matabang na ngiti ang tinugon nito sa akin, napairap nalang ako para hindi ko na makita pa kung ano man ang reaction niya. Iba pala sa pakiramdam yung nakasira ka ng magandang mood ng tao eh.

"Sino ba yun tinutukoy niya? Are you really dating someone?" Napangiti ako sa tanong na ito, hindi dahil iniisip ko na inuusisa ako kasi nagseselos siya kundi dahil hindi ko nanaman alam kung saan niya naiwan ang kokote niya.

Alam sa buong campus na kami, sino naman sira ulong papayag pormahan ko. "Are you really that stupid? Sinong makikipagdate sa akin after mo sabihin sa lahat na we're on a relationship?"

"Tss I think nagkamali talaga ako ng napiling hingian ng tulong. Kala ko mali ang tingin ko sayo, pero hindi pala. Tama talaga ako, napaka arrogante mo." Umirap ito at nagbadya ng mag walk out.

"Don't do that, sabi mo nga don't be rude. Madaming nanunuod." Bulong ko dito kaya bumaling ito agad paharap sa akin.

"I can't believe you Mister." Bulyaw nito at umirap ulit. Napabuntong hininga pa ito.

Bigla ko naalala si Henry, oo nga pala my kailangan din ako dito sa babaeng ito. Inayos ko ang sarili ko saka ko siya kinalabit para humarap sa akin.

"Lets get even Aileen. Sige, magpapanggap ako na boyfriend mo. Pero you also have to pretend that you're mine too." Hindi na ito nakakibo at parang biglang bigla sa nangyayari.

"I will be meeting a friend and you have to join me there. Just a month for us to do these things."  Pabor naman un parehas sa amin eh. Parehas kami nangangailangan ng tulong ng isa't isa.

"Can we talk about it? Ung mas malinaw" Yun lang nasabi niya nung medyo natauhan siya.

"Ok, free ka mamayang 5pm?" tumanggo naman ito.

"Sige, meet me at the parking lot alam mo naman ung sasakyan ko. Pauwiin mo na din driver mo, ako na mag hahatid sayo" After that, hinila ko na siya palabas ng cafeteria. napansin ko kasing madami pa din nakatingin sa amin

"What Rence? Bakit mo ba ako kinakaladkad?" binawi niya ang kamay niya at tiningnan ako ng masama.

"I can't leave you there, madaming nakatingin" simple kong sagot at iniwan na siya dun sa parteng wala ng masyadong tao.

"5pm ha sa parking lot" sigaw niya nung palayo na ako. Tumango nalang ako at nagpatuloy lumakad.

Buti konti lang subject ko ngayon, hindi din ako makapagfocus sa mga tinuturo sa dami ng mga nangyayari eh.

"Ui Rence, sama ka? The Lounge kami mamaya" bar nanaman parang nung saturday bagsak ako sa kalasingan ah.

"Hindi na, my lakad pala ako" its almost 5 na din pala kaya nag madali na akong pumunta sa parking lot.

Dealing with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon