》The First Time I Met You《"Hay nako Mr. Samuel Garcia, lagi ka nalang nag-aantay at umaasa na may bus na magsasakay sayo" pabiro 'kong sabi sa isip ko.
"Kuya sasakay ka ba?" gumulat sa pagkatulala ko sa highway habang nag-aabang ng sasakyan papasok sa school.
"Ay, oho" sagot ko na natatawang nagulat.
Pagkasakay ko palang napansin ko na agad na hindi punuan yung upuan kaya 'mas pinili 'kong umupo sa tabi ng bintana.
Sa pag-andar ng bus kung anu-anong nakikita at pumapasok sa isipan ko.
"Balang araw katabi ko na sa sarili 'kong sasakyan yung taong mamahalin ako habang buhay" sabay ngiti habang iniisip yon.
Bumaba na ko at dumaretso na sa entrance ng school para pumila ngunit iniinspection yung bag. Habang nag-aantay ako dahil mahaba pa ang pila....
((Messenger))
Me: Cobbb!!
Jacob: oh bakit Sam? (Short for Samuel)
Me: ano.. hintayin mo ko sa canteen sabay na tayo pumasok sa class ni Sir Cruz😦
Jacob: Sige sige. Pero nakapagdala ka ng Graphing Paper for our Math class?
Me: fckxingshxit! Oo nga, daan na lang tayo sa bookstore
Jacob: sige preSo ayon after 999 Years, nakapasok na ako ng school at wala ng paligoy-ligoy pa at punta agad ako ng canteen para puntahan si Jacob.
"Taraa na" 'Di pa man ako nakakalapit sa kanya nagyaya na agad pumasok sa 1st class namin kahit 'di pa kami nakadaan ng Bookstore.
8:46 AM
Chinat ko agad si Erica (classmate namin) para itanong kung andon na ba si Mr. Cruz sa room pero wala pa 'daw.
"Oh pre wala pa naman pala si Sir eh may tatanong lang ako"
" ano ba yun?" sagot niya.
" Naranasan mo na bang magmahal?masaktan? At iwan?"
"Seryoso ka ba? Haha" natatawa niyang pagkasabi.
"Oo seryoso ako, kasi parang bigla ko nang gusto magkaroon ng kasama yung papasayahin ako at mamahalin ng totoo eh" sagot ko.
Halos isang minuto siyang hindi kumibo habang naglalakad kami papunta sa Building 2.
"Basta 'pag nagmahal ka ng tao. Dapat magtitira ka rin sa sarili mo. "
" Kaya ko siya ........."
Nag-usap lang kami sa daan at di namin tinitingnan yung dinadaanan namin at ng marating na namin yung room . Binuksan ko yung pinto pero patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap kay Jacob nang biglang..
"Very Good Mr. Garcia at Mr. Evans , wala ba kayong relo at late kayo sa subject ko?"
Tiningnan ko yung relo ko and WTFFFFFFFFFFFFF
9:12 AM
"Dakilang mga late, You may now sit down."
Wow. W-o-w . Kailangan talaga ipahiya kami? Sana naman unawain na lang nila yung ganong bagay. Studyante din kami, marunong masaktan. Hays
Nagturo siya pero di ako nakikinig kasi medyo sumama yung loob ko dahil 'dun sa pagpapahiya niya samin.
Lumipas lang yung buong maghapon ko na badmood ako. Pano ba naman kasi 1st subject tapos badmood ka kaagad.
3:57 PM
Lumabas agad ako ng room kahit di pa nagbe-bell. Bumili muna ako ng Pepsi Blue sa canteen kasi na-stress ako masyado. Pampakalma kumbaga at sabay chat kay Jacob
YOU ARE READING
The Dark Past
Teen FictionHanda ka bang mag-hintay para sa taong minamahal mo? Susuko ka na ba kasi parang nag-iba ang takbo ng relasyon niyong dalawa? Ito'y tungkol sa 'Pagmamahalan' na nagpapatunay na hindi lahat ng nakaraan ay malulungkot na ala-ala lamang. ...