"CHEER for me."
Damn. Bakit nga ba nandito na ako sa sitwasyong ito?
Sinundan ko lang siya ng tingin ng tumakbo na siya patungo sa gitna ng court. Magkasalubong ang mga kilay ko habang nakatitig sa pigura niya.
Nadala niya talaga ako dito pagkatapos ng nangyari sa SC Office kanina. Damn, ang galing talaga ng lalaking ito.
He just blackmailed me! Ano namang laban ko sa blackmail?
Mas sumama ang pakiramdam ko ng maramdaman ko ang matiim na titig ni Yoon Jeonghan na nasa tabi lang niya. Tiningnan ko ang singkit na lalaki, at halos kilabutan ako ng kagat-labing tiningnan niya ako pababa at pataas. Nang magtama ang mga mata namin ay nginisihan niya ako at kinindatan. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at napatingin ulit kay Choi Seungcheol na nakatingin din pala sa akin with matching nakataas na kilay. Then, he gave Jeonghan a glare before he dragged him away towards the center. Napabuntong-hininga na lang ako.
Di pa rin ako makaget over sa sinabi niya kanina. Akin ka na...
How could he say that? NaBJ niya lang ako tapos kanya na ako? At saka di pwede yun! Pagmamay-ari na ako ng iba, at di ako papayag na ariin ako ng iba maliban sa taong iyon.Pero si Seungcheol ang umaangkin sa akin ngayon, hindi basta ibang tao lang. Si Seungcheol. Si Seungcheol ko.
Napatitig ako sa kanila ng marinig ko ang malakas na pito ng referee. Nagsigawan ang mga babaeng nanonood sa paligid ng makuha agad ng grupo ni Seungcheol ang bola.
It was just a practice game, though. At ang kalaban lang naman ng basketball team ay ang team sa school diyan sa tapat lang ng PU. Pero ang dami ng tao dito sa loob at nanonood. Palibhasa kasi ay puro gwapo ang maglalaro. Tsk.
Napailing ako sa naisip.
Gwapo? Sa grupo lang nila Seungcheol ang may gwapo. Siyempre, gwapo si Seungcheol ko kahit gummy siya. Gwapo slash maganda din si Yoon Jeonghan na kanina pa chinicheer ng mga lalaki at babae sa side ng kalaban. Si Jeon Wonwoo din, gwapo at matalino, at ang cool tingnan dahil nakasalamin pang naglalaro. Meron din si Jun na sobra sobrang pinagnanasahan ng bespren ko daw na si Xu Minghao. At meron pa ang cutiepie Master of Dance na si HoshiTamTam slash Kwon The Hamster Soonyoung. Diba? Super gwapo ng teammates.
Eh sa kabila? Yung captain nila ay di ko na madescribe, basta Marlou ang pangalan. Di ko na inalam ang iba pa. At wala akong pake. Basta gwapo si Seungcheol. Period.
Pumalakpak ang mga kamay ko at napangiti ako bigla ng maishoot ni Seungcheol ang bola at three points yun agad. Tumingin siya sa gawi ko at saka kumindat. Ang daming napatingin sa akin dahil doon. Namula tuloy ako at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Hala, syet. Makakaipon pa yata ako ng mga haters.
"Sino naman yan? Bakit siya kinindatan ni Seungcheol?"
"Aba, babae ba yan o lalaki?"
"Babae yata. Hindi pumapatol si Seungcheol oppa sa mga lalaki. Like, duh."
Yeah, like duh! Nakipagmake out nga sa akin kanina, eh!
At nagpatuloy pa sila sa mga puno ng inggit nilang usapan.
"Maikli naman ang buhok."
"Babae yan! Ang cute at ang bata ng mukha, oh! Baka gerlpren niya."
"Oy! Hindi pwede! Hindi pwede!"
"Sa akin lang si Seungcheol—wahhhh!!"
Nakathree points kasi si Yoon Jeonghan. At ng tingnan ko siya ay nakatingin na din pala siya sa akin. Ngumiti siya ng maluwang at nagOK sign sa akin with matching kindat. Napatingin na naman ang lahat sa gawi ko. Mas nag-init tuloy ang pisngi ko at napaiwas na naman ng tingin. Ang kaso ay kay Seungcheol na naman ang atensyon ko. Bigla na lang kumabog ng todo todo ang dibdib ko ng mapansin ko ang talim sa mga tingin niya.
Gahd. Ano bang meron? Bakit ganun siya tumingin?
"Guyseu! Nakita niyo yun?! Nakita niyo yun?!"
"Huhuhuhu iyak na ako, besh!"
"Typeu din siya ni Jeonghan!!"
"Di siya jiep ni Seungcheol. Baka typeu niya lang!!!"
"Nginitian siya ni Hannie!!"
And so on and so on.
Napahawak ako ng mahigpit sa bleacher na inuupuan ko. Napakagat labi ako at pinilit blangkuhin ang mukha.
Di ako natutuwa sa mga naririnig ko. Pati na rin sa mga natatanggap kong tingin. Sinasabi ko na nga ba, mali ang di ko pagtakas kanina.
Nagpatuloy ang laro at halos hindi na nakakascore ang kalaban. At ang malala, puro si Seungcheol at Jeonghan na lang yata ang nagshushoot at naglalaro. Naglalamangan sila at nagkakainitan na rin yata. Halos lahat na lang din ay sa aming tatlo na lang napapatingin. Ang sama na tuloy ng tingin sa akin ng lahat, pati coaches at referees ay sa akin na napapatingin.
Gusto ko ng umiling sa hiya. Gusto ko ng umalis pero para akong napapako sa inuupuan ko tuwing naaalala ko ang banta ni Choi Seungcheol kanina.
Kailangan ko ng maglalabas sa akin dito. Si Minghao kaya?
Lumibot ang paningin ko sa mga bleachers, nakita ko naman siya pero napakalayo naman niya at titig na titig kay Wen Junhui kahit na nakapameywang na lang ito sa gilid at pinapanood ang pakikipaglaro ng JeongCheol sa mga kalaban na hindi yata nakakaramdam.
Gosh, ano na? Ano na?!
Napaigtad pa ako ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sinong tumatawag. Napatingin ako kina Seungcheol, pero mukhang wala na sa akin ang atensyon niya. Kaya naman mabilsi kong inayos ang gamit ko at tumakbo palabas. Dumiretso ako sa CR sa karabing building ng gym at chineck ang phone.
You missed a call from Kim Mingyu.
At halos mapaigtad ulit ako ng magring iyon. Mabilis kong sinagot at itinapat iyon sa tenga ko.
"What the hell, Jihoon? You scared me! Bakit di mo sinagot agad? Are you okay? Did something happen? Speak, please!," bungad niya.
Pagkarinig palang ng boses niya ay para na akong mauupos na kandila. Unti unti na akong kinakain ng guilt ko.
"O-Okay lang ako, b-beh..."
-
Ran(͡° ͜ʖ ͡°) beh
BINABASA MO ANG
diary? • jicheol [on hold]
Short StoryDiary? "In which Seungcheol found a diary which is full of erotic imaginations of the owner with him as the main character."