Sa Kuko ng Pag-asa

44 0 0
                                    

Ang kwentong ito’y tungkol sa tipikal na buhay ng pamilya na nagsisikap na itaguyod sa kabila ng kahirapan. Sinasalamin nito ang patuloy na paglaban ng bawat isa sa mga dagok ng buhay. Ito ay tungkol sa pagmamahalan ng pamilya at ang katotohanang nagaganap sa ating lipunan.

Mga Tauhan:

Aling Goring: Ina

Mang Efren: Ama

Bert:Panganayna anak

Jaime:Pangalawang anak

Nene: Bunso

Jose: kaibigan ni Mang Efren

UNANG TAGPO

Umuwi sa bahay si Mang Efren at mukhang pagod na pagod mula sa trabaho.

Toktoktok!

Aling Goring: (pagbukas ng pinto) Oh! Nandito ka na pala. Kamusta naman? Mukhang pagod na pagod ka na. (Habang pinupunas ang pawis ni Mang Efren)

Mang Efren: Hay! Ayos naman kahit medyo pagod. Para sa atin naman ito. Nasaan ang mga bata? Nakakain na ba sila?

Aling Goring: Nakakain na sila. Pinagkasya nalang namin ang ulam na mayroon. Si Nene nandoon sa kwarto’t binabantayan muna ang kanyang Kuya Jaime habang si Bert ay pinapunta ko muna kay Aling Maring at baka makakakuha ng konting pera na pambili ng gamotnibunso.

Mang Efren: (malungkot, nag-aalala) Hindi pa rin ba bumababa ang lagnat ni Jaime?

Aling Goring:(iling) Efren, mukhang kailangan na siyang matingnan ng doktor.

Mang Efren: (nag-aalala) Sige. Yaan mo’t gagawa ako ng paraan para sa pambayad natin.

(Biglang dumating Bert)

Bert: Tay,nandito na pala kayo. Mano po.

Aling Goring:(lalapit kay Bert)

Bert: (nalulumbay) Inay, wala daw pong sapat na pera si Aling Maring at sinisingil na po tayo ni Aling Ida sa mga utang natin sa tindahan niya.

Aling Goring:  (malungkot) Ganon ba?

(Tumahimik ang lahat)

Bert: Ahm….Nay, paano na po si Jaime?!

Mang Efren:(titingin ng makahulugan kay Aling Goring. Titingin din sa anak na si Bert)

(Lalabas si Nene, ang bunsong anak)

Nene:Tay! Mano po.

Mang Efren:Halika nga rito. (ngingiti sa anak)  Kamusta ang eskwela?  May kwento ka ba kay tatay?  (Kakalong si Nene sa hita ni Mang Efren)

Nene:Aba opo!  Na-very good po ulit ako ni Mam!  Ang galing ko na daw pong bumasa ng Ingles.

Mang Efren:  Aba napagaling nga naman talaga ng bunso ko.

Bert:   Syempre po! Ako yata ang nagtuturo kay Nene. Diba Nene?  (kikindat sa kapatid)

Nene:(Ngingiti sa kanyang kuya) Opo. Pero di mo pa naman naituturo yung binasa ko kanina eh. (tatawa)

Bert:  Hahaha!  Wag mo naman akong ibuking kay Tatay.

(Ngingiti si Mang Efren kay Nene at Bert, habang nakangiti rin si Aling Goring kay Mang Efren)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Kuko ng Pag-asaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon