Sana pwedeng ibalik ang KAHAPON (Short Story)

112 2 3
                                    

"Parang kahapon lang nung magkasama tayo, masaya. Pero--"

Tok tok

"Teka anong oras na ba?"

Tumingin siya sa orasan. 7: 05 am.

"Maaga pa naman ah"

Binuksan nya yung pinto para malaman kung anung kailangan nung makulit na kumakatok

"Anong problema mo?" Tanong niya rito.

"Bakit 'di ka pa bihis? Mahuhuli na tayo!"

Nangako kasi siyang sasamahan niya ito sa isang fan meeting ng iniidolo nitong manganganta.

"Ang aga aga pa kaya" sabi ni Ethan sa babae.

Siya si Ethan James Alonzo, 23 taong gulang at sa batang edad ay may dinadalang kalungkutan.

"Ano ka ba? kung pupunta tayo dun ng saktong 8 o' clock baka sa likod tayo makapwesto" pagpapaliwanag ng babae.

Siya naman si Andie Fortalejo, 21 taong gulang. Kaano-ano siya ni Ethan? Matalik na Kaibigan lang daw siya para sa binata.

"Tsk... Sige maghintay ka na muna dun sa baba at maliligo lang ako" sabi ni Ethan na halatang may konting inis dahil wala na siyang pagpipilian kundi magmadali, wala siyang magagawa dahil nangako siya.

"Dalian mo ha! Yung super bilis" Pangungulit ni Andie

"Oo na"

"Ayan nandito tuloy tayo sa likod... tsk.." -Andie

"Kung nandito lang sana si Cristine, malamang tuwang tuwa yun" nasambit na lamang ni Ethan.

Naaalala na naman niya si Cristine, idolo rin kasi nito ang mangangantang nasa unahan.

Si Cristine Fortez, ang pinakamamahal na babae ni Ethan sunod sa kaniyang ina.

"Haaay si Cristine na naman" sabi ni Andie sa kanyang isip

Nasan ba si Cristine? Kung san mang lugar siya naroroon ay isang lugar na malabong mapuntahan sa ngayon ni Ethan, sa langit.

Dalawang taon na ang nakakalipas nang mamatay si Cristine. Namatay siya sa sakit na Leukemia. Huli na nang nalaman ni Ethan na may dinadala palang sakit si Cristine.

Simula nang nawala si Cristine, doon na nagsimulang masira ang buhay ni Ethan. Nagkaroon siya ng maraming bisyo, laging nakakulong sa kwarto, at hindi na humanap pa ng trabaho. Mabuti na lamang at nang makalipas ang isang taon ay unti-unting bumuti ang kalagayan ni Ethan, hindi dahil nakalimutan na niya si Cristine, kundi dahil unti unti na niyang natatanggap ang pagkawala nito.

Sa ngayon, nakahanap na siya ng trabaho na naaayon naman sa kursong kanyang natapos, kumawala na siya sa mga bisyong maaaring sumira nang tuluyan sa buhay niya. Siguro ay naisip niyang hindi magiging masaya si Cristine kung makikita siyang ganun, sinisira ang buhay niya.

Sa trabaho niya nakilala si Andie na dahil sa kakulitan ay naging kaibigan niya.

Bumuti na nga ang kalagayan ni Ethan pero lagi pa rin itong tahimik at loner. Walang araw na hindi kinukulit ni Andie si Ethan, maaaring dahil gusto niya ito o maaaring dahil makulit lang talaga ito.

Kung maaari bang magustuhan ni Ethan si Andie dahil sa tagal ng panahon ng pagkakaibigan nila, ay imposibleng mangyari. Para kay Ethan, si Cristine lang ang una at huling babae para sa kanya kaya hindi siya tumitingin sa iba pang babae.

" Ethan, uuwi na agad tayo? Kain na muna tayo please " pangungulit ni Andie.

"Busog ako, saka pagod na. Ikaw na lang mauuna na ko" walang emosyong sagot ni Ethan

Sana pwedeng ibalik ang KAHAPON (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon