C2"Something Wrong"
Ms.Santiago'sPOV. Napag isip isip ko na hindi ko pala kayang ihandle ang section faith ang titigas ng mga ulo nila sobra.. at masasabi kong masyado silang matatapang di ko rin maintindihan kung bakit sakin ibinigay ni Mr.Wilzard ang section na to. feeling ko tuloy pumasok ako sa napakalaking gulo na kahit kelan di na ko makakalabas... bigla kong naalala kung ano yung gagawin ko kakausapin ko nga pala yun transferee napansin kong lumagpas na ko sa room na dapat kong puntahan nagmamadali akong bumalik sa room 309 para tawagin sya pero bago ko pa mapihit yung door knob ay may narinig akong naguusap usap na alam kong nasa tapat ng pinto kaya napag isipan ko munang makinig na muna "Kilala nyo na ba yung bago?" tanong nung isa "Hindi pa? bakit?" sagot naman nung isa ko pang studyante "Nihindi nga natin nakitang ngumiti yan eh" singit naman nung isa nagsalita ulit yung unang nagsalita kanina" Ano ba girls ano pa bang aasahan natin di ba bago lang sya? kaya siguro ganun di pa sya sanay sa atin bigyan muna natin sya ng time baka magbago pa sya." biglang nagsalita yung isa na nakapag pakabog ng dibdib ko na hindi ko alam kung bakit. "Gwapo sya diba ? ang ganda ng mga mata nya atsaka alam nyo ba yung sabi sabi tungkol kay Jann?" biglang humina yung usapan nila at nagtataka talaga ako kung bakit biglang humina nagsalita yung isang babae " Sabi anak daw sya ng isang Abogado...Anak sya pero tinatago sya ng tatay nya!" napasinghap ako dahil sa narinig ko san naman kaya nila nakuha yung kwento na yun? "Bakit naman sya itatago? gwapo naman,mukhang mabait at mukhang matalino! i cant wait to know him na!" halos patili na sabi nung isa at narinig kong naghagikgikan sila. Nang may narinig akong nagsalita na lalaki at diko alam kung bakit parang iba yung boses nya? may kung anong lamig na dinulot sakin ng boses na yun hindi ko alam kung saan ko narinig ang boses nya na yun pero sigurado akong narinig ko na ang napaka lamig na tono ng boses nya "Kung alam nyo lang ang katauhan ng taong yan.... Paniguradong hihilingin nyo na sana di nyo nalang sya nakita o di nyo na sana siya naging kaklase..." narinig kong tuloy tuloy nyang sabi biglang nagsalita na mejo pagalit yung isang babae " Ano bang pingsasasabi mo..." di ko napigilan ang sarili kong buksan ang pinto at tignan kung sino ang batang nagsalita pero nabigo akong malaman dahil biglang nagsi alisan yung mga kaninang nag uusap sa may pinto malamang siguro dahil naramdaman nila yung pag bubukas ko nito... hinanap ng mata ko yung pwedeng nagmamay ari ng boses pero nabigo ako dahil lahat ng lalaking studyante ko sa class room ay may kanya kanyang ginagawa.. lalong nagulo ang mga iniisip ko lalong lumalala ang mga sitwasyon ano bang meron sa batang iyon at marami syang nalalaman ? sino ba talaga sya gusto kong malaman kung sino sya soon as possible para alam ko kung sino ang dapat protektahan at sino ang dapat iwasan...
Someone'sPOV.. muntikan na yun ah alam kong narinig nya ang mga sianbi ko mabuti yun para mejo exciting yung mga mangyayari gusto ko malaman kung may magagawa ba sya sa mga pwedeng mangyari... sawang sawa na kong maapi,ipagtabuyan at isapag tabi lagi akong huli , lagi akong walang lugar , at lagi nila ako trinatraydor... nag tiwala ako ng maraming beses pero lahat ng pinagkatiwalaan ko ay trinaydor ako at hinayaan nalang para sa sariling kapakanan nila! mga wala silang kwenta! napaka wala nilang kwenta! hindi nila alam mag pahalaga sa taong labis na nag papahalaga,nagmamahal at nagtitiwala lahat sila! kahit sarili kong nanay ay tinapon ako na para bang isang kuting akala ko sya ang nag iisang kakampi ko,akala ko sasamahan nya ko sa mga pagdurusang pinag dadaanan ko pero hindi pala. pinag palit nya rin ako sa bago niyang pamilya at paniguradong may bago na syang mga anak.. akala ko magiging masaya ang buhay ko kahit papaano dahil nasa tabi ko si mommy pero di pala katulad sya ni daddy! iaabundana lang rin nya pala ako... wala akong naging kakampi kundi si lola lang si lola na nakaratay sa ospital na halos hindi na makapag salita at tanging haplos at pilit na pag ngiti nya ang nag bibigay lakas sakin.. gagawin ko ang lahat para lang sumaya ako,gagawin ko ang lahat para lang hindi mawala ang lola ko sa akin gagawin ko ang lahat ang mga taong dapat mag bayad sa mga ginawa nila sakin di ako papayag na hindi sila mag babayad sa mga pagkakasalang di ko naman ginustong gawin nila sakin... mag hihiganti ako para sa sarili ko at sa lola ko na natitirang lakas ko... hindi na ako yung tao na pwedeng apak apakan ng lahat mararamdaman nyo yung sakit at pighating naramdaman ko at nararamdaman ko gusto kong ipalasap sa kanilang lahat ang poot at pagkamuhi ko sa kanilang lahat iisa-isahin ko ang lahat ng dapat mag bayad kung kailangan pumatay ng mga inosente gagawin ko ang mga gagawin ko ay magiging sikreto na lamang sikretong hindi na mahahalukay na dapat ko nang dalin sa hukay kailangan ko tong gawin para sa ikaliligaya ko... tao lang ako nasaktan, nagtiwala at natraydor pati na ang minamahal ko kinuha nila! sya lang at ang lola ko ang natira sakin pero kinuha rin sya sakin ng mga taong makasalanan... mga HAYUP sila pati syang walang kalaban laban ay pinahirapan at sinaktan sinama nila sya sa kanila at ngayon ay kauri na nila sya ngayon gusto ko syang bawiin akin lang sya sakin lang sya! hanggang kamatayan! pinapangako ko yan! dapat na silang maghanda para sa pag babalik ko gusto kong maging kapanabik-panabik ang larong inumpisan nila na tatapusin ko lang naman..
--AUTHOR'SNOTE: Ang someone's POV po ay di nyo dapat palipasin dahil pwedeng sya yung utak ng lahat o sya'y kasama lang? yan po ay CLUE lamang :) thanks
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerIt is something about secrets that secrets might be very very dangerous that can kill someone