Simula o Wala

11 0 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan kasi tayong dalawa'y wala namang simula. Ikaw at ako'y natapos sa wala.
Buhay ko'y sinimulan ng ika'y nakilala, pero gumuho ang mundo ko ng ika'y nawala.
Ay oo nga pala!
Ikaw at ako'y tapos na pala at tayo'y talaga ay walang simula.
Besh may kailan kang malaman lihim kitang minamahal, sana ganun din ang iyong nararamdaman.
Pilit kung gustong aminin sayo pero di ko magawa kasi baka ako'y iyong layuan.
Besh sana'y ako iyong patawarin. Kung aminin ko man sayo, ganun din ba ang iyong intensyon?
Di ka ba lalayo? O mananatili pa din yung salitang 'ikaw at ako'y wala talagang simula'
Lagi kong iniisip sa sarili ko!
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ko ililihim sayo ito?
Hanggang kailan ako magiging tangga sayo?
Mananatili pa din ba akong nasa tabi mo?
O tuluyan na ba kitang lalayuan?
At ipagpatuloy ang nasimulan
Ewan! Sabi nga nila bahala na si Batman!
Hanggang sa humiling ako sa kalangitan
" hindi sa tala sa langit kundi sa buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng tanggang umiibig "
Amg bigat ng nararamdaman ko at akala ko lilipas din lahat ng ito.
Araw linggo at buwan kitang nakakasama, nakakausap at nakakatext.
Mga ngit at tawa mo'y kabisado ko na.
Sabay tayong nagtatawanan ng walang dahilan.
Asaran nating dalwa'y walang pikunan.
Pag ika'y kasama pakiramdam ko ako'y iyong prinsesa at ikaw ang aking prinisipe.
Sabay tayong maglalakd patungo sa palasyong ginuhit ng aking imahinasyon.
Masaya akong lagi kang kasama.
Di maitanggi sa aking ngiti kapag nakikita kang masaya.
Pero alam mong malungkot ako kapag ika'y magpapaalam na.
Lagi kong tinatanong sa sarili
Na hanggang kailan ko itatago sayo?
Hanggang kailan ko ililihim sayo ang aking nararamdaman.
Na hanggang kaibigan lang ba ang tingin ko sayo o iba na ang turing ko sayo.
Sabi sa kanta ni Vice Ganda
"Hanggang kailan ako aasa, hanggang kailan ako magdudurusa"
Ililihim ko pa rin ba sayo ito o aaminin ko na sayo.
"Na besh! ako'y may lihim ng pagtingin sayo"
Patawad ako'y naglihim sayo.
Takot lang akong malaman mo baka kasi sa huli ako'y layuan at tuluyan ng kalimutan.
Pero nagpapasalamat ako kasi kahit hanggang kaibigan mo lang ako, ni hindi mo ako nilayuan.
Mas pinaramdam mo pa na 'kaibigan' mo ako hanggang dulo.
Kahit masakit para sa akin na ako'y 'kaibigan' mo lang, patuloy pa din akong nandito sa tabi mo magpakailanman.
Asahan mong di ako magbabago.
At patuloy kitang mamahalin ng hindi mo nalalaman.

While you reading this, play the song of Mark Carpio - Hiling

*solid makasenti :( ramdam mo yung sakit at pait na dulot ng nakaraan mo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang KasiguraduhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon