"Uy Tim! nandyan na siya!" sabay hampas ko sa napakalaking braso ni Tim, Fatima Monteclar tunay niyang name, kaklase ko siya (bestfriend), babae siya pero mukhang lalaki.
"Aray! puny*** naman oh?" idadamay mo pa ako sa kalandian mo! hindi mo alam na nakakasakit kana dahil sa kalandian mo!"
Hindi ko na lang siya pinansin dahil nandyan na nga si Jarm na crush ko at may hangin effect pa, pero ang masaklap pagkatapos niyang dumaan ay biglang sumingit itong si ma'am papasok na ng room.
"Okay, ngayon magpapahinga muna tayo sa Trigonometry kasi mukhang nahihirapan kayo kahit naka-calculator na, aalis na din ako kasi may tatapusin pa ako"
So umalis na nga si ma'am at wala kaming magawa ni Tim kaya nakaisip ako ng gagawin namin.
"Tim, laro tayo, kung sinong unang pangalan na maririnig natin ay mukhang likod ng tuhod na pawis!"
"Sige, hahaha" bigla namang sumingit yung kaklase ko, "Butch, yung gunting ko!"
Tawanan kami ni Tim kasi si Butch ay mukha talagang likod ng tuhod lalo na kapag pawis siya.
At ang mas malupit na pangyayari ay yung sinabi ko kay Tim na ang susunod na tatawaging pangalan ay mukhang kuyukot na maitim na pawis.
Tapos bigla na namang sumingit yung kaklase ko...
"Red, hihingi ka pa daw ng glue?"
Juice-colored! tawa ng tawa si Tim habang ako naman ay hindi alam kung anong magiging reaksyon kung mahihiya o tatawa nalang din.
-----
Pagkatapos mag-ring ng bell, ay lumabas kami ni Tim para bumili sa canteen, nang biglang nakita ko si Pete (kaklase ni Jarm) na pilit sumisingit sa tabi ni Jarm habang nakapila sa canteen.
"H*yop tong si Pete! Gusto pa atang mauna sa akin!" Kaya ang ginawa ko, sumingit ako sa gitna nilang dalawa (pero yung hindi halata) kaya magkatabi na tuloy kami ni Jarm. Nakikita ko yung mukha ni Pete na mukhang nalugi.
"Ang galing galing mo naman maningit Red" sabi ni Tim sa akin habang pabalik ng room.
"Ay pu*a!"
"Bakit Red?" natatawang sinabi sa akin ni Tim dahil nabuhos sa damit ko yung binili kong juice dahil sumingit yung batang uhugin na anak ng teacher. So dahil wala akong magawa dun sa bata, hindi ko na siya inano, kasi nga wala na akong magawa sa bata, so nagbihis na lang ako.
-----
"Lunchtime na! kain tayo sa Jollibee Tim"
"Sigeee!"
Pagpasok namin...
"Ano sa'yo?" yan naman yung laging tanong kapag papasok ang magkaibigan sa mga foodchains ehh.
Habang nakapila para umorder ay biglang sumingit sa paningin ko ang kaklase kong si Daniel kasama ni Jarm sa Jollibee.
"Uy Tim, si Daniel oh, kasama niya si Jarm!"
"Wala ako pake! diba friends sila kasi pareho silang memeber ng choir?"
Hindi ko alam kung pag-iisipan ko ba sila ng masama o hahayaan na lang sila habang nagtatawan.
-----
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa school para mag-practice para sa field demonstration namin. Nang biglang sumingit ang guard...
"Bawal kang pumasok kuya, kasi naka-sibilyan ka lang"(Kasi nga nagpalit ako dahil sa sumingit na bata sa daanan ko)
"Ay anak ng kantutay! Tim paki kuha daw yung polo ko sa room kahit marumi, Pleaseeee, Pretty Pleaseee!"
"Ano pa nga bang magagawa ko?"
Sa taba ni Tim, inabot siya ng 10 minutes para lang kumuha ng polo ko, at sa wakas nakapasok na din ako, habang papunta na sa pila, ay sumingit naman si ma'am Mezo...
"Kuyang marumi ang damit, at ateng chubby, paki bilis-bilisan naman, para maka-simula na tayo"
WTF? nakatingin silang lahat sa amin, at parang matutunaw kami sa hiya, I mean ako lang kasi ang dumi ng uniform ko, pero nakapag-practice din kami nang maayos.
-----
Isang subject lang kami that day kasi Friday, freeday kasi namin sa Science so agad akong nagbihis ng panlaro kasi didiretso ako ng volleyball court para mas matagal yung laro ko.
Wala pang gaanong players yung nandoon pero sumingit na agad si Justine (player/a friend of mine) para mag-warm-up, nag-jogging kami sa oval and as I expected may sisingit na naman! Si Jake, friend ko din siya pero medyo geisha at may pagtingin siya kay Daniel.
"Red!"
"Oh? Bakit?"
"Alam mo yung tungkol kina Daniel at Jarm?"
"Hindi, ano yun"
"MU man sila"
"So? Wala akong pakialam, ikaw dapat yung masaktan kasi ikaw yung patay na patay kay Daniel"
Mukhang lubha siyang nasaktan, kaya natalisod siya ng isang bato at nadapa.
Shemss, tinginan lahat ng tao sa kanya sabay tawa pa nila, eto namang si Jake ay dedma lang na parang walang nangyari sabay kausap niya sa akin, at yun bati na kami agad.
Pagkatapos naming umikot ng 3 times sa oval ay sumingit naman ang coach namin.
"Players, wala muna tayong training ngayon, kasi mukhang uulan, baka magkasakit kayo"
Hayop na buhay ito! pagkatapos naming magpaikot-ikot sa oval ay pauuwiin lang din kami ng ganon kabilis! kaya nagbihis na lang ako ng polo kong marumi kasi mukha akong lamok na pagod kung magsi-sports attire ako.
Gayunpaman, pumunta nalang kami ni Jake sa bahay ng kaklase namin para gumawa ng project sa Math, and WTF? sinama ni Daniel si Jarm sa bahay ni kaklase, so dahil alam naman ng lahat ng mga kaklase ko na crush ko si Jarm, kaya naman nagsisigawan at nagtitilian ang mga hinayup*k. Pero nandito namn si kaklase na may-ari ng house na inabutan ako ng kape na gustong gusto ko.
"Oy Red! Kape oh!" sabay singit ng pusa nila, at ano pa nga ba? nabuhusan ako ng kape!
"Ay powta! ano na tong damit ko? place mat? nabuhusan na nga ng juice, nabuhusan pa ng kape?"
Nagtawanan silang lahat maliban kay Daniel, bitter amp*ta! porket tumawa lang si Jarm, hindi na siya tatawa!
So hayun, ginabi kami sa bahay nila, hindi ako nakapagpaalam kila mama, kaya pag-uwi ko ay sumingit si mama.
"Bakit ginabi ka na naman? Nakipag-barkada ka na naman, at ang dumi-dumi ng damit mo! ano ka gusgusin, hi..."
Pagkatapos tumalak ni mama, ipinaliwanag ko naman ang mga naganap, at huminahon naman siya at umakyat na ako sa kuwarto, at paghubad ko ng damit ko ay may naramdaman akong makati sa singit ko kaya tiningnan ko (pasintabi po sa mga kumakain) ay aba! may nakasingit na papel at habang itinatapon ko ang papel ay naaawa ako dito kasi nagkulay-brown na siya.
_________
Kung hindi ka natawa, shut up nalang para sweet, hemweh hemweh!