Uy! Sadako!

39 4 1
                                    

"UY! SADAKO!"
By: mariaanzelica


Eros Peralez messaged you.

Eros Peralez: Uy! Sadako!

Yan ang bumungad sa'kin pagka log-in ko palang sa fb.

"Bwisit! Sya na naman?" iritadong sambit ko.

Sino ba namang hindi maiirita? Tawagin ba naman akong sadako?
Bwisit! Anong akala nya sa'kin? Multong nanggaling sa balon? Porke't mahaba ang buhok ko, ganun? Tsk.
Mas lamang naman ako nang 1233455 na paligo kay sadako no? Grabe sya sa'kin ah.
Crush ko pa naman sya. Pero ngayon di na! Heh!
Makapag log-out na nga lang! Masira pa araw ko eh, che!


Eros Peralez messaged you.

Heto na nman po sya. Opo.
Kitang nang sstalk ako kay Shawn Mendes e! Istorbo.
Siguraduhin lang talaga nya'ng may saysay 'tong sinend nya, kundi nako!

Iniclick ko ang message nya at..

Eros Peralez: Uy! Sadako!

Putchaaaa!!! Pigilan nyo ko! Makakapatay talaga ako nang unggoy, tamo!

Seen 8:32 pm

Buset! Bahala ka sa bohai mong buset ka! Ano bang problema nang Peralez na 'to? Eh sa school hindi naman sya nang aano. Gusto nya talagang sa facebook mambulabog.
Pero, kesa naman sa personal. Babatukan ko talaga sya, pramis!
Gusto ko nanga syang i-unfriend or di kaya i-block eh! Pero di pa naman ako ganun ka babaw.


Eros Peralez messaged you.

Bleh bahala ka sa buhay mo Eros! Manigas ka! Ii-inbox zone kita! mwohahahaha!


Nagdaan ang mga araw at malapit na ulit magpasukan. At sa nagdaang mga araw na 'yon, iniirita pa rin ako nang Eros na 'yon!
Konti nalang talaga, ibablock ko na sya! Makikita nya.

*Ding*

Eros Peralez messaged you.

Heh! Bahala ka!

*logged out*


Pasukan na ulit! Excited ako pumasok. Excited na excited!
Yae na, last year ko naman na to eh.

Naghanda na ako para pumasok at gumora na.
Pagdating ko sa school ay wala pang mashadong estudyante.
Napaaga yata ako hehehe. Hahanapin ko pa pala kung saang section ako.

Nasa hallway na ako nang magvibrate ang phone ko. Hindi sya text message. FB notification.

Eros Peralez messaged you.

Aish bwisit! Kelan ka ba titigil?? Nanggigigil kong pinatay ang phone ko at inilagay sa loob nang bag ko.
Tsk ka beastmode talaga yang Peralez na yan.

Lalakad na sana ako nang may kumalabit sa akin sa likuran.

"UY! SADAKO!"

Ay! anak ni teteng! Hanggang dito ba naman?

Di ko nalang pinansin si Peralez at nagpatuloy sa paglalakad. Kinalabit nya ulit ako sabay sabing, "UY! SADAKO!"

Napa buntong hininga nalang ako dahil sa inis.

"Huminahon ka lang Lily." Bulong ko sa sarili ko at naglakad ulit. Pero may kumalabit ulit sa kin na unggoy.

"UY! SADAKOOO!" sa pagkakataong 'to, isinigaw na nya.
Pasalamat sya't may iilan nang mga estudyante dito, kundi nako! Mapapatay ko talaga 'to ngayon din, dito mismo sa hallway!

 Uy! Sadako! (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon