Chapter 45: Unaware

124 1 2
                                    

Xandria's P. O. V

Tahimik kaming kumakain ni Axel sa restaurant kung saan Daddy niya ang nagmamay ari.

As I looked at him, nothing has changed... He's still the man I knew and loved.

"Do you have any plan this coming weekend? " Axel broke the silence.

Umiling ako tsaka nagsalita."Nothing yet. Why?"

"So you can come with me on our basketball practice. "

He's aking me to come with him? Sa basketball game?

Handa na ba ko? Kaya ko na ba siyang harapin ulit at ang mga kaibigan niya?

Parang hindi ko pa yata kaya.

"BabE?" He said while holding my hand.

"Ahmmm. Axel, pwede bang sa ibang araw na lang? You know... "

Ngumiti siya kasabay ng pagpisil sa kamay ko.

"I understand if you still can't. I know that's not that easy. If you don't want to come it's ok. "

Ngumiti ako sa kanya tanda ng pasasalamat.

"But Promise me you'll be there during the game. "

HInawakan ko yung kamay niya saka ngumiti.

"I promise. " Kahit yun man lang maibigay ko sa kanya.

"I hope Kiann would soon realized that you're mine.... " Sabi niyang muli bago bumalik ulit sa Pagkain.

No one owns me. Yun sana gusto kong sabihin ng mga oras na iyon.

Kaso alam kong masasaktan siya. Pero kung si Kiann sigurado akong yun din ang sasabihin niya. Na walang nagmamay ari sa akin.

NataPos ang date namin ng wala gaanong nangyari. Ewan ko ba? Dati kahit anong gawin namin ni Axel masaya na ko, kahit pa tumambay lang kami sa fountain sa may club house ng subdivisioN okay na ko. Pero ngayon I don't feel anything special.

Para naman hindi ako tuluyang mabagot inaya ko si Axel na maglakad lakad.

He saw a souvenir shop kaya naman bumIli siya ng dalawang key chain at pinalagyan niya ito ng name namin.

Habang naghihintay kAmi sa pinauukitan naming key chain, nakakita ako ng fishball vendor. Dali dali akong pumunta don at bumili.

Namiss ko kumain ng kwek kwek!

Isusubo ko na sana yung tinuhog kong kwek kwek ng biglang may humawak ng kamay ko at pumigil para isubo ko ang pagkain ko.

Pagtingin ko si Axel pala iyon na halos di maipinta ang mukha.

"What are you doing?" He asked in his frowned face.

"Eating... "

" Eating? Babe... Kung gutom ka pa sana sinabi mo sakiN. Anyway we can still go back there and buy you some food. "

"Pagkain din nAman to ah? " Nagtataka kong sagot. Ano ba satingin niya yung hawak ko?

"Food? Is that what you called foOd? Babe... Street food yan! Meaning madumi. Baka mamaya magkasakit ka pa dyan. "

"But Axel----

Hindi na niya ko Pinatapos sa pagsasalita. Kumuha siya ng P20.00 peso bill at ibinigay iyon sa vendor na nakikinig pala samin.

Tinanggap naman ng vendor yung bayad pero may sinabi siya sa amin.

"Sandali lang iho. Gusto ko lang sabihing hindi porket street foods itong ibinebenta ko ay madumi na. May nakikita ka bang dumi sa stall ko iho? Kaming mga street vendor ay nagbebenta nito para sa katulad naming mahihirap na ang gusto lang ay kumain ng mga simpleng pampatawid gutom na hindi kayang kumain sa mga mamamahaling restaurant na naglipana sa lugar. Tulad ng mga mamamahaling restaurant sa Paligid inaalagaan din namin ang mga customers at reputasyon namin. PinanAnatili namin ang kalinisan ng mga pambenta namin para balikan kami ng mga mamimimili. Kaya iho hndi ko matatanggap ang mga sinasabi mo tungkol sa aming mga hamak na street vendors. " Mahabang litanya ng matanda na nooy pinakikinggan na rin ng mga ilang bumibili sakanya.

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now