✨Chapter One✨

18 2 4
                                    

Caspian's PoV

I was squealing as I continue to jump in my bed, still can't get over the fact that finally, makakapasok na ko sa dream school ko!

Seriously, no words can describe what I feel right now.

"Ang saya natin ngayon ate ah? Abot langit ang tuwa?" Nanlake yung mata ko ng may biglang tumawa, nadulas pa tuloy ko.

"Anak ng---Max naman! Hilig mo talagang gulatin ako!" Napareklamo na lang ako habang nakaupo sa sahig ng tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

"Mukhang ready na ready ka na ha?"

"Syempre!" Ngumiti sya sakin ng pagkalaki laki. "Mas excited pa ko sayo no!"

Nginitian ko din sya at tumayo na.

"Tara na nga!"

"Ay teka, magbibihis muna ako!"

"Ano ba yan ate, tatalon talon ka dyan hindi ka papala---" Hindi ko na sya pinatapos at tinulak na palabas.

Sumunod din naman ako sa kanya at dumiretso sa kusina.

"Mom, papasok na po kami." Paalam ko.

"Kumain na ba kayo?"

"Opo." Usal ni Max.

Kakabihis ko nga lang po eh.

Mom laughed, beckoning us to come near her.
"Nako, ang dalawa kong baby. Pakiss nga ako,"

Nagkatinginan kami at nagkibit balikat na lang ako kay Max at lumapit.

Hinalikan kami sa noo at nagreklamo na rin si Max.

"Mom, I'm not a baby anymore. I've grown already," Sumimangot si Max at tinawanan lang sya ni Mom.

"Anong meron dito?" Biglang sumulpot si Tito Xander.

Walang nagsalita samin ni Max.

He's our mom's boyfriend. Siya na ang tumayong pangalawang ama namin after nawala si Dad. Hindi sa hindi namin sya tanggap, sadyang hindi lang malalit loob namin sa kanya.

Siguro ang hindi pa namin matanggap ay ang pagkamatay ni dad. Na sya ang kasama namin dito at hindi ang totoo namin ama.

'Car Accident'

Hindi parin malinaw samin kung bakit siya nadisgrasya. Kung lasing ba, kahit hindi naman umiinom si dad, kung pagod o may problema.

"Nagpapaalam lang po. Sige po, alis na po kami." Nginitian ko si Tito Xander at umalis na kami ni Max.

It only took us 20 minutes bago makadating dito, sa Westfield Morris School.

"Nandito na ba tayo, ate?" Nilingon ko si Max na tinaas na yung ulo nya.

"Yup. Iwasan mo na yang kakalaro mo. Mauna ka na, alam mo naman na kung san classroom mo diba? Hahanap lang ako ng mapaparadahan."

"Okay." Isang hug at kiss bago sya bumaba sa sasakyan.

Nakakita din naman ako, yung malapit sa entrance. Magpapark na sana ko kaso napataas yung kilay ko nung may nanguna sakin.

Bumaba ako sa kotse ko kasabay nung driver ng kulay pula na Audi.

Isang mukhang hindi kanais nais pero may kanais nais na mukha ang lalakeng lumabas sa Audi na 'yon.

Gwapo na sana pero sana may pagkagentleman man lang ng onti.

"Hoy!" Sigaw ko at lumapit.

Napataas yung kilay nya at lumingon sa paligid, sabay turo sa sarili nya kung sya ba.

Once Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon