High School Life.

30 0 0
                                    

Hay! this is it na talaga, new school, new home, lahat new. kumbaga new life na eto for me.

Ay sya nga pala I’m Kaye Santiago 15, 3rd yr. high school. Andito  ako ngayon sa front gate ng new school ko at nagmamaktol sa loob ng sasakyan  kasi ba naman nasa probinsya kasi tong new school na papasukan ko kakaiba sa naging past school ko nasa isang city tapos university pa yun ,private rin naman tong new school ko kaso hindi na ako makakapaglakwatsa  nito tsaka yung mga kabarkada ko miss ko na sila sana rin naman na-miss din nila akoL. at ang mas nakalala pa nito eh wala ng cozy restaurants, coffee shops na pwedeng tambayan, bar at tsaka mall! gosh, pano ba naman puro bundok ang nakapaligid dito. puro cheap na boutique lang ang pwedeng pagbilhan dito. wala ng mga branded na gamit o damit pupwede pagbilhan buti nalang at nakabili ako ng sandamakmak na beauty products at mga damit sa mall bago napadito. haaaaaay buhay!   -__-

Paliwanag ko muna kong bat ako andito ngayon kung hindi ko naman talaga gusto dito. explain ko muna family background ko ha;  business ng parents ko ay sugarcane kaya dito sila sa Bukidnon nakatira actually mama ko lang papa ko seaman. dba alam naman niyo o natin yung motto ng isang magulang  yun ay “Magandang Kinabukasan ng Anak” eh san ba mapupunta paghihirap nila magkapera eh di sa anak dba. may ibang magulang namang iba yung motto sa buhay pero iyan motto ng parents ko para sa amin magkakapatid. 4 kaming magkakapatid, 2 college student at yung isang kuya ko ay manager sa banko eh di niya type business ng parents ko kasi daw nakakapagod magbilad sa araw at aanuhin ba naman daw yung natapos at diploma niya kung di i-aapply at ako naman yung bunso, syempre spoiled pero di man masyado hahahaha…naks!

Para sa magandang kinabukasan ay sa isang exclusibong unibersidad kami pinagaral sa siyudad, may sariling bahay kami doon at nasa village pa. kaming  4 na magkakapatid lang ang nakatira dun since busy parents namin pero may 3 maid at isang driver/hardero kami. since elementary ako ay mga kuya ko na ang tumayong mama at papa ko sila na rin yung umaatted ng mga pta meetings at mga programs sa school. Busy parents ko sa pagpapayaman pero kahit ganoon ay hindi naman sila nagkulang financially sa amin. ako lang talaga yung nakukulangan syempre since 7 yrs. old kahit may magulang ako eh di ko naman nararamdaman talaga yung essence ng isang magulang though kahit sabihin pang everyday silang tumatawag at nagungumusta basta iba yung may magulang ka sa tabi mo. Kaya ayon medyo ng rebelde si neneng at medyo napabayaan na ang pagaaral at naging lakwatchero na. may time na hindi na talaga ako umuuwi sa amin at dun nalang mkikitulog sa kabarkada medyo busy na rin kasi mga kuya ko sa life nila at di  na nila ako masyadong bibigyan pansin. so ayun dahil sa karebeldehan  ko ay nagpasya silang ilipat ako sa guidance ng mama ko kaya ako ngayon andito sa harap ng gate ng bagong skwelahan ko.

“Kaye anak. cge labas kana at pumasok sa loob at ng hihintay na yung magaassist sayo sa loob” sabi ng mama ko.

bumuntong hininga muna ako bago sumagot , “Ma, please ibalik muna ako sa dating school ko at kanila kuya.. pramis ko na po di na nako maglalakwatcha. cge na ma please po mag-aaral na ako ng mabuti.” mangiyak-iyak na sabi ko. I can’t think na mabubuhay ako dito na kulang sa modern civilization.

“Kaye, dba ng pagusapan na natin yan?” kinuha ng mama kamay ko.” anak kailangan mo ng guidance ng isang ina lalo’t na nagdadalaga ka na. ano ba naman alam ng mga kuya mo tungkol dun? mga lalaki sila at babae ka sana nga lang eh yung una ko pa to ginawa ng magpunta dito dapat dinala kita kasama ko.” may bahid na kalungkutan sa mga mata ni mama.

Upang maiwasan ang drama ay nagpasya nalang akong lumabas ng sasakyan. hinatid na din ako ni mama sa gate ng school.

“Oh Kaye, cellphone mo dala mo ba anak?” tumango ako. “Yung wallet at bag mo wag mong basta iiwan, baka mawala.” tumango ulit ako. kakahiya naman nito oh para namang akong kindergarten nito na first time sa school. “Anak yung sanitizer m…” bago paman matapos si mama ay hinalikan ko na siya sa pisngi “Sige ma see you later!” at pumasok nako skwelahan. “Ingat, susunduin ita mamaya ha!” pahabol ni mama sa akin, sinagot ko lang siya ng kaway at nagpatuloy sa pagpasok.

Medyo na aasiwa ako kasi hindi ako nka suot ng uniform kasi nga transferee ng papatahi pa ako and  kakaenroll ko lang this day, buti nga kakilala ni mama yung principal at tinanggap pa ako kahit cut-off na yung enrollment kasi nga simula na ng klase. medyo weird nga yung mga estudyante dito kasi kung makatingin sa akin ay para akong alien..susmaryusep naman oo!na ko-consious tuloy ako. hindi pa naman ako attention seeker. hinatid na ako ng principal assistance sa magiging room after. grand entrance agad yung peg ko kasi pagpasok ko palang eh napa-ha napa-ho na agad yung magiging kaklase ko, hmmmm ngayon lang ata nakakita ng dyosa ang mga ito. oo tama!dyosa nga ako. maganda rin din naman kaya ako. assests ko ang aking flawless skin na which is namana ko sa mama ko na may lahing Spanish at tsaka yung natural chocolate curly-wave  long hair na hanggang bewang ang haba. All eyes on me agad sila, pinapunta ako sa harap at nagpakilala tapos pumwesto ako sa likod since yun lang available na upuan. grabe talaga sila kung makatingin sa akin. hehehe medyo pa flip here and there naman yung hair peg ko. tsar! naaasiwa talaga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon