ITO ANG AMING NAGING FINAL EXAM SA ASIGNATURANG MAIKLING KWENTO.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Serena Sa Estero Ng Kalye Monggo
Ni: Nuevas, Jonathan A.
Doy ! Doy ! ang malakas na tawag sa aki ng aking mudra (mama) mula sa labas, agad akong napabalikwas sa aking higaan sapagkat sa kinaganda kong ito ay tinawag niya akong "Doy", napagsabihan ko na si mudra dati na huwag na akong tawaging "Doy" sapagkat ang kanilang panganay na binata sana ay isa ng ganap na dalaga. Maraming nagbago sa aking katawan mula sa aking postura hanggang sa kaloob-looban ng aking puso isa na akong babae, angkan ni Eva, girl at kung anu-ano pa mang tawag sa mga babae. Hinarap ko si mudra na kasalukuyang nagluluto ng agahan at nagreklamo ako sa kaniya na huwag na sana niya akong tawaging "Doy" sapagkat dalaga na ako ngunit isang mainit na sermon ang bumati sa akin.
"Bwisit ka talagang bakla ka! Anong oras na at tulog mantika ka pa rin! At anong pinagsasasabi mong dalaga kana ? Hoy bakla para sabihin ko sa iyo hinayaan kita dati na maging bakla ka dahil yan ang gusto mo, pero ngayon, hindi ko mahahayaan pa ang kalandian mong hayop ka! Nag lagay ka pa ng Silicon diyan sa suso mo? At yang wig, hikaw, kwintas, make-up at kung ano-anu pa mang kolorete diyan sa mukha mo, kung pinangkain na lang dapat natin ang pinambili mo diyan, sana nadagdagan na ang timbang ng kapatid mo! Hindi mo ba alam na below Normal siya ? hah? "
"Grabe ka naman mudra, iyan na ba ang agahan ko sa araw na ito ? yang maanghang mong sermon ?" Tanong ko sa kaniya sabay alis na muna ng bahay sapagkat tiyak na mas hahaba pa ang sermon ni mudra kung nandoon pa ako. Naglakad-lakad muna ako sa aming kalye para magmuni-muni sa mga bagay-bagay. Hindi ko rin naman kasi masisisi si mudra kung bakit ganun na lang niya ako tratuhin ngayon eh, sabi niya ako daw ang dahilan ng pagkamatay ni itay. Kung hindi daw sa akin ay sana hindi nagkanda-letse-letse ang buhay namin at sana maganda, masaya at payapang namumuhay ngayon ang aming pamilya. Kung hindi daw sana sa akin buhay pa ang itay. Kung alam ko lang naman sana.
Sanay na rin naman ako sa mudra ko, minsan pa nga eh kung maka sermon iyan ay daig pa ang mga nag Fi-Flip Top. Pero mabait talaga ang mama ko, siya lang ang tumanggap sa pagkatao ko sa simulat sapul, siya palagi ang karamay ko sa aking mga problema, pag pinapalo ako ni itay ng makapal na kahoy siya palagi ang nandiyan para protektahan ako. Minsan nga nung pinalo ako ni itay ay sinalo iyon ni mudra at nagkaroon siya ng malaking pasa. At ito namang si itay hindi talaga tanggap na ang kaniyang panganay na anak na lalaki ay isa palang babae kaya ayon, lumayo ang loob niya sa akin. Noong bata pa ako, super close ko kay itay, isinasama niya ako palagi sa mga lugar na pinupuntahan niya at kung hindi man niya ako naisama ay tiyak na mayroon akong pasalubong pag-uwi, pero ngayon nga-nga nalang at isang good luck kung manyari ulit iyon.
Naniniwala si mudra na suwerte ako. Palagi nga niya akong sinasama dati tuwing may laro sila ng aming kapitbahay sa binggo. Tuwing magagawi rin kami sa palengke hindi maaaring hindi kami magagawi sa Lotto Outlet para tumaya at siyempre ako ang papatayain ni mudra. Nawala lang siguro iyon na paniniwala ni mudra sa akin noong sunod-sunod na trahedya ang nangyari sa aming pamilya. Una, dumating ang mapinsalang bagyo na bumayo sa aming tahanan, pangalawa, namatay si itay at pangatlo nasunog ang aming tahanan. Hindi ko nga alam na pati ang delubyo na hatid ng kalikasan ay sinisisi rin sa akin ng aking mudra. Hindi ko naman kasalanan na bumagyo hindi ko naman kasi hawak ang kalikasan, mabuti sana kung ako ang inang kalikasan maaari pang isisi sa akin iyon, pero hindi pa rin eh dahil ang mga tao talaga ang dahilan ng lahat ng delubyo, hindi si Amihan o inang kalikasan. Ang pagkasunog ng aming tahanan, hindi ko rin matanggap dahil wala naman ako sa aming tahanan ng mga oras na mangyari ang sakunang iyon eh.
Ang pagkamatay ni itay, sabi nila ako daw ang dahilan, dahil ang sabi nila, pinagtanggol daw ako ni itay sa mga taong mapang alipusta. Gabi kasi noon nang umuwi ako sa aming tahanan buhat sa aking trabaho. Nang malapit na ako sa aming kalye ay may tatlong lalaki ang sunod ng sunod sa akin. Ako naman dahil napansin ko na sunod sila ng sunod ay binilisan ko ang aking paglalakad ngunit naabutan pa rin nila ako. Ang buong akala ko gagahasain nila ako kaya medyo hindi muna ako sumigaw para humingi ng tulong. Hinayaan ko muna silang makalapit para Makita ko ang mga mukha nila kung may mga itsura ba sila o wala. Hindi ko maaninag ang kanilang mukha kaya nagdadalawang isip na ako kung sisigaw ba ako o hindi. Nang malapit na talaga silang tatlo sa akin, doon na nagsimula ang eksena.
"Holdap to! Ibigay mo ang lahat ng pera mo" sambit ng mga holdaper
"Eto po mga kuya isang libo na lang ang natira eh" nangangatog na ang aking tuhod sa mga oras na iyon. Akala ko pa man din gahasa yun pala holdap.
"Isang libo lang?" tanong ng isang holdaper.
"Wow huh. Buti nga ako meron eh. Nagrereklamo ka pa. Kunin niyo na nakakahiya naman sa inyo baka isipin niyo ang super cheap ko, akin nap ala ang number niyo at padadag-dagan ko iyan pagdating ko sa bahay naming, baka naman wala kayong cellphone ? My God!" naloka ako sa mga nasabi ko sa mga holdaper ng mga oras na iyon.
"Niloloko mo ba kami? Hubari mo na rin lahat ng suot mo !" utos ulit ng mga holdaper.
"Oh my God ! akala ko ba holdap to? Bat parang ngayon ay gahasa na? lakas naman ninyo maka 2 in 1 Coffee."
"Gahasa? Sinong nagsabing gagahasain ka naming? Hoy bakla, hindi pa kami ganun ka gipit no para pumatol sa katulad mo."
"hindi pa ba kayo gipit niyan sa mga pinaggagagawa niyo? Mukha ngang kailangang kailangan niyo ng pera eh. Nakakahiya naman sa mga taong tulad ko na naghihirap para kumit..." Bigla na lang may sumuntok sa sikmura ko, tapos isa sa tagiliran, bigla akong napatumba sa sakit tapos pinagtatadyakan nila ako.
"Masyado kang mayabang buti nga sa iyo? Ano pare tuluyan na natin ito?" itinutok sa kaniya ang baril.
"Maawa po kayo sa akin" pagmamaka-awa ko tapos bigla na lang akong nahimatay at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare. Ang alam ko lang ay pag-gising ko nakahandusay na ang mga bangkay ng dalawang holdaper at ang isa pang bangkay ay ang bangkay na kaniyang itay. Ang sabi ng mga kaniyang ina. Ipinagtanggol daw niya ako at napatay daw niya ang dalawang holdaper pero nabaril din siya ng isa pang holdaper na nakatakas na naging dahilan ng pagkamatay niya.
Matatapos na ako sa aking pagmumuni-muni ng biglang may tumalsik na bola sa aking harapan at tumama iyon sa aking magandang mukha na naging dahilan upang ma-out of balance ako sa aking kinatatayuang estero at tuluyang nahulog sa tubig. Lumapit sa akin ang mga bata at kinutya akong baklang serena ng paulit-ulit.