PROLOGUE

86 3 0
                                    

"Pagod na ako. Nasasakal na ako."

Hindi ko alam pero bigla na lang akong namanhid. Tama ba ang mga narinig ko? Naramdaman ko na lang, namalisbis ang mga luha sa pisngi ko. Bigla akong yumuko at binuksan ang bag ko. Naghanap ng pwedeng ipamunas sa mga luha ko.

Siguro dahil alam ko, nasa punto na ako ng buhay ko na kailangan kong harapin at gawin ang lahat ng nag-iisa.

Ilang sandali ng katahimikan muna ang lumipas. I composed myself, mga Ate-gurls. Baka pumiyok ang ate ninyo kapag bigla biglang nagsalita dumiretso pa sa paghagulhol.

I swallowed hard and wiped my tears. I looked up and locked his eyes into mine. I smiled—a smile that forever will not reach my eyes.

"O—kay." That's all what I was able to say. Hindi ko kaya. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang magsalita baka kasi magmakaawa na naman ako na huwag niya akong iwan.

Eh hindi pa nga ako nakakapag-move on sa sinabi niyang kailangan niya ng space to sort out his feelings. Kasi hindi na raw niya ako mahal, mga Ate-gurls. Baka naaawa na nga lang daw siya sa akin.

I looked at my fingers... two rings. Will I be able to live without them? Nakakuha naman ako ng sagot dahil kumislap ang brilyante nang tamaan ng liwanag ng ilaw mula sa kisame.

With a heavy heart, I touched the rings and slowly removed them from my finger. Nagulat siya nang bigla kong hawakan ang isang kamay niya. The heat immediately travelled from his hand into mine. The same hand that made me feel secured is now letting go of mine.

Ibinuka ko ang mga palad niya at ipinaloob doon ang mga singsing. Ngumiti ako nang mapait at muling sinalubong ang mga mata niya.

"Thank you." I uttered and then I let go of his hand.

I stood up and turned my back. Natakot ako—natakot ako na hindi niya ako pigilang umalis—kaya mabilis akong naglakad palayo.

Naglakad ng walang tamang direksyon na pupuntahan. Naglakad na walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari bukas.

Naglalakad na isang tanong lang ang nasa isip, where do broken hearts go?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SURVIVAL'S GUIDE FOR: SEVEN-YEAR-ITCHWhere stories live. Discover now