"You Are Mine"

7.9K 308 31
                                    

"You Are Mine."

"Tol, asan ka?" Text ko kay Renz.

"Dito sa haus, why?" Reply niya.

"Punta ako dyan, okay lang?" Tanong ko.

"Sure." Reply ni Renz. "Text ka kapag nasa labas kana ng gate, labasin kita." Reply ulit niya with okay sign.

Nagpaalam ako kaagad kay mama na pupunta lang ako kina Renz. Wala naman akong ibang alam na pupuntahan bukod sa kanya. Ayaw kong tumambay sa bahay, baka mapraning lang ako.

Bakit nga ba?

"Good morning yam ko, punta kami ngayon sa airport. Sunduin namin si Meagan. Pagbigyan ko lang si daddy para di ako mapagalitan. Pagkasundo namin puntahan kita kaagad dyan, huwag na huwag kang aalis, hintayin mo ko, we will go somewhere. Gusto kitang makasama. " Binasa ko ang text ni Arix.

Pagising ko kanina iyan kaagad ang sumalubong sa umaga ko.

One hundred times ko na bang paulit ulit na binasa ito? Or maybe more than 100 times pa nga ata?

Ang totoo? I'm hurting. Kahit anong pilit kong dapat hindi ako masaktan ay nasasaktan pa rin ako.

Magkikita sila ni Meagan ngayon. Actually kasama ang mga pamilya nila, sigurado akong para pag usapan ang future plan nila para kina Arix at Meagan.

Sa isang sikat na exclusive subdivision sa bandang Ortigas nakatira sina Meagan. Nagbakasyon lang siya sa Australia at ngayon nga ang balik niya dito sa bansa kaya susunduin nina Arix. If my knowledge serves me right, ito ang unang pagkakataon na magkikita sila ni Arix mula nang malaman ko na gusto sila ng kani-kanilang pamilya para sa isat-isa.

Hindi ko nireplyan si Arix. Okay nang nareceived ko ang message niya. Hindi na rin naman siya nangulit sa akin kung bakit wala akong reply, first time ever na dedma lang siya. Dati huwag lang ako magreply ay halos pumatay na siya sa galit. Siguro'y busy na siya para kay Meagan. Stop it, Cj! Ang OA mo para magselos.

This is it, Cj. Kailangan mo nang buoin ang buhay mo nang walang Arix. Unti- unti inaayos na ng family ni Arix ang future niya at hindi ka magiging part ng planong iyon. Never!

"Hindi naman ibigsabihin eh papayag ako sa gusto nila. Bakit ko naman papakasalan si Meagan? I don't love her." Sagot ni Arix sa akin, pagkatapos niyang tumango nang tinanong ko siya kung totoong gusto ng mga pamilya nila na magpakasal sila pagdating ng araw. Ewan kung nahalata ba niya ang sakit na aking nararamdaman?

"Walang dahilan para hindi mo sundin ang gusto nila. Para sa future mo din naman ang ginagawa nila, eh. Hindi reason na hindi mo mahal ang gusto nila for you para sumuway ka. Love can be learned. Napaka obedient minsan ng puso. Minsan kapag sanay ka nang kasama mo ang isang tao sa life mo, napapamahal ka na dito." Sabi ko. Gusto kong umiyak, ayaw kong ipigtabuyan si Arix palayo sa akin, pero hindi ko rin siya pwedeng pigilang manatili sa buhay ko.

"Tsssk...sinong nagsabi sayong walang dahilan? Bakit, hindi ka ba sapat na dahilan para tanggihan ko silang lahat?" Nahuli kong nakatitig sa akin si Arix. Napaawang ang mga labi ko. Sapat ba akong dahilan para suwayin niya ang parents niya?

"Anong kalokohan yang mga sinasabi mo..." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Paanong nadamay ako sa gusto mong gawin sa buhay mo?" Pinilit kong lunukin ang pagkain ko, baka kasi masamid ako.

"Mas gugustuhin kong makasama ka habang buhay kesa sa kung kanino man sa kanila. Hindi naman kita dinadamay, ah.  Bakit? Sino ang gusto mong makasama? Si Ford? Si Renz? I will kill them first bago ka nila makuha sa akin." May diin ang boses ni Arix. Seryoso siya.

"Killer be like...tsssk...anong kinalaman nila sa atin? Baka hindi mo kayang gawin yang mga sinabi mo?" Hindi ko alam kung bakit ko ito nasabi?

"Then try..."Paasik na sabi sabi sa akin ni Arix. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. Ibigsabihin galit siya. Nakakuyom ang palad niya na nakahawak sa tinidor. Namumula din iyon dahil sa higpit ng kawak niya dito kaya hindi dumadaloy ang dugo. "Hindi ako nagbibiro Cejs...you will always be mine...now and forever...only mine." Hindi humihiwalay ang titig ni Arix sa mata ko.

"Ano!?" Huminga muna ako nang malalim. "Kailangan talaga lagi silang kasali sa usapan? Kailangang damay sila?"

"Hindi sila madadamay hanggang hindi sila makikialam sayo." Bulong ni Arix. Nagpatuloy lang ulit ito sa pagkain niya.

"Bat ganyan ang ugali mo?" Tanong ko. Nahinto ang pagsubo niya. Sinalubong ang mga tingin ko.

"Ugali ko? What about my attitude, Cejs?" Takang tanong niya sa akin.

"You're always threatening me na papatayin mo sila. Kahit wala namam silang kinalaman sa akin." Tinusok ko ang isang pirasong hakaw. Sinawsaw ko sa toyomansi, pagkatapos ay sinubo ko ito. Hayssst...ang sarap talaga. Well, napansin ko lang na nagiging seryoso na ang usapan namin ni Arix. Ako ang siyang kinakabahan.

"Ede good, much better na wag na silang lumapit sayo habang buhay." Si Arix.

Hindi na lang ako nagsalita. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko.

"You are mine, Cejs....now and forever." Bulong ni Arix.

Hindi ko siya pinansin. Wala namang kaso sa akin kung sa kanya ako habang buhay. Ang tanong, sa akin ba siya habang buhay? Ano ba ang reason niya para angkinin niyang sa kanya ako? Dahil ba pag aari niya ako? Dahil binabayaran niya ako? Sapat ba iyon?

Hindi ba niya pwedeng ibigay na dahilan ang dahil mahal niya ako? Hindi ba niya sasabihin sa akin iyon? Paano pala kung ang tingin nga lang niya sa akin ay bagay na pag-aari niya? Anytime ay pwede niyang pagsawaan at ipamigay sa iba? Magagawa ba ni Arix iyon sa akin? Kahit gaya ng lagi niyang sinasabing papatay siya kapag nakuha ako ng iba?

"Bat mukhang biernes santo yang mukha mo? Anong problema?" Tanong ni Renz sa akin. Sinundo niya ako sa labas ng gate nila.

"Wala...bored lang ako sa bahay." Dahilan ko.

"Asan si Arix...himala hindi ata nakasiksik ngayon yon sayo?" Si Renz.

"Tsssk...hindi naman ako yaya nun eh." Tsssk...bat ba ang daming tanong nitong si Renz?

Nagmeryenda kami ng nilagang kamote na may kinayod na sariwang buko na may asukal at powder milk.

"Sarap naman nito..." komento ko.

"Kuya Cj, sino po ang syota ni Kuya Renz?" Biglang tanong ni Mel sa akin, kapatid siya ni Renz.

"Wala eh, o baka hindi ko lang alam. Focus siya sa studies niya, tas priority niyang matulungan kayo." Sagot ko. Tiningnan ko si Renz. Abala ito sa paghahanda sa lulutuin para sa tanghalian.

"Siguro kung naging girl ka Kuya Cj, malamang shu-shutain ka niyang si Kuya." Sabat naman ni Rendel, kapatid din ni Renz. Napahagikhik si Mel sa sinabi ni Rendel. Ako naman napatanga lang, pinagsasabi niya? "Lagi ka po kasing kinukwento ni Kuya Renz dito sa bahay eh." Dagdag pa ni Rendel.

"Hoy kayong dalawang vietnamese, baka kinukulit niyo si Kuya Cejs nyo ha." Sita ni Renz. "Mamayang hapon punta tayo sa court dyan sa kabilang kanto, may bagong peryahan dyan."

Halos magtatatlong oras na pala ako kina Renz pero kahit isang text ay wala akong narereceive mula kay Arix.

Okay, busy siya. Baka nag-eenjoy sa kwentuhan nila ni Meagan?

"Huwag mong isipin iyon. Mahal ka nun." Biglang sabi ni Renz. Pasimple kong ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko.

"Pinagsasabi mo?" Maang maangan kong sagot sa kanya.

"Kaya pala kanina kapa tingin nang tingin diyan sa cellphone mo." Nang-aasar na sabi pa ni Renz sa akin.

"Hindi ah.." Kaila ko.

"Lumang kwento na yan. Nainlove si bestfriend kay bestfriend." Si Renz. "Panahon pa nina Jolina at Marvin gamit na gamit na yan. Kumita na. Oh yes!, kaibigan mo lang ako! and I'm so stupid to make the biggest mistake of falling inlove with my bestfriend." Drama pa ni Renz. Ginaya si Jolina sa movie na hindi ko naman napapanuod pa.

"Basta rule number one. Huwag mong kakalimutan para di ka mapahamak." Si Renz. "Huwag kang umasa para di ka masaktan."

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Arix.

Mabilis ko itong inaccept.

"Andito ako sa labas ng gate ng Renz na yan. Lalabas ka dyan o ako papasok dyan para balian ko ng leeg ang gagong yan." Nakasigaw na sabi ni Arix. Hindi man lang hinintay na makapag "hello" ako.

Unedited :

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed) UNDER MAJOR REVISONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon