05:Genesis
Kean.
Masyado talagang mabilis ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw at hindi ko inakala na mapupunta ko sa kalagayan koand ngayon dahil Lang sa isang piraso ng hinaharap na nakita ng bestfriend ko.Flashback
"Yan ang pitong amulet ng Raven world,at ipagkakaloob ko yan sainyo. Lalapit Sa inyo ang amulet na nararapat sainyo just wait and you'll see" edi ayun naghintay kami. Makalipas ang ilang minuto ay kusang sumuot samin ang mga amulet. Kulay puti ang lahat ng amulet at Kung titingnan mo itong mabuti ay may bagay na nagrerepresent sa ability mo. Ang sa akin ay bato na ibig sabihin ay earth. Ang Kay Avhrie ay raindrops para sa water. Ang Kay Red ay parang thunder shape na para Sa electricity. Ang Kay Basti ay orasan na para sa time arc. Ang Sa kapatid ko ay ipo-ipo para Sa wind. Ang Kay Ian ay torch para Sa apoy. At Syempre Ang Kay Suga ay isang angel wings."Papano po ito napunta sainyo kung dati kayong parte ng Darken wings!?" Tanong ni Ian. "Kayo nga ang mga tamang Tao para Sa mga amulet na yan matagal ko kayong hinintay."
Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yon ay bigla na lamang nagliwanag ang kanyang katawan at matapos nito ay lumabas na Ang isang magandang babae na para bang nasa 30's Lang. Namangha kaming lahat at walang makapagsalita. "Isa akong shifter at Ito Ang normal form ko. Totoong kasali ako Sa darken wings noon upang mag matyag lamang at dahil nga isa akong shifter, Hindi Nila ako nakikilala. Kinakailangan kong magsinungaling Sainyo noong una dahil hindi pa ako sigurado kung kayo nga ang hinahanap ko. I'm Athena Nightingale. Pamilyar naman siguro kayo Sa pangalang yon hindi ba?" Tanong nito. Walang hindi nakakakilala sa apliyedong "Nightingale" dahil kilalang kilala sila dahil sa katapangang ipinakita nila noon. "I can't believe this. Nightingale group, pitong magkakapatid na nagligtas sa Raven world Sa pagkasira. Ang mga taong pumigil na mapunta sa masasamang kamay ang arken stone." Sambit ni Ian "yan ang alam ng ninyo dahil ito ang nakasulat sa History ng Raven world." Sambit niya. Syempre naguguluhan kami ng mga Oras na iyon.
"Ang Arken stone ay nabubuo ng labing apat na bahagi, at kaming magkakapatid ang nakahanap nito, at nakatago ang katotohanang nawawala ang natitirang pitong bahagi. Ang alam ng mga tao ay mayroon lamang itong pitong bahagi dahil ito lamang ang naibalik namin. Ang nakaka alam lang nito ay ang mga miyembro ng Darken Wings kaya kailangan natin silang unahan. Dahil alam ninyo ang mangyayari kung mauuna sila" buong Puso niyang paliwanag.
"Ano pong gusto ninyong gawin namin?" Tanong ni Suga, at doon na humantong kung ano ang nangyari sa amin.
"Ganito ang mangyayari"End of Flashback.
"I just can't believe this" paulit-ulit kong sinasambit. "Just believe it Kean, bilisan mo na dyan." Paulit-ulit ding saway sakin ng kapatid ko. "Mamimiss ko toh. Matagal din tayo dito. At marami nang ala-ala." iiyak pa ata tong si Red "baka umiyak pa ha! Tara na nga. Hinihintay pa tayo ni miss Athena" sambit ni Basti. Kaya naman lumabas na kami ng kwarto. Habang naglalakad kami sa hallway dala-dala ang mga gamit namin naririnig namin ang mga bulong- bulungan ng mga estudyante dito.
"So totoo pala. Pano na yan wala na si Vince"
"Hala pano na yan! Hindi ko na makikita si Kean"
"Magiging rank one na rin ako! wala na si Ian"
"Bakit ba sila nagdrop?"
" sila ang mga hinahangaang estudyante dito pero nagdrop sila."
"Nakaka-irita na pag pinag-uusapan" sambit ni Basti, "sinabi mo pa" sagot ni Red. totoo naman eh nakakainis kapag pinag chichismisan ka. "Patay kami ni Kean." bigla na lang nagsalita si kuya. "wala na kayong magagawa. nadrop na tayo kaya pwede ba! tigilan niyo na ang pagrereklamo!." pasigaw na sabi ni Suga.
"Boys!!! bilisan ninyo!!!" Sigaw sa amin ni Ms.Athena na nasa labas na ng front gate ng school. Kaya tumakbo na kami. "Saglit!!!!!!!" Bigla na Lang may sumigaw kaya napatigil kami at lumingon, at halata naman na lahat kami natigilan sa nakita namin. "Avhrie..." Hinihingal nitong sambit, Ang misteryosong babaeng minahal ni Avhrie, "Roxie..." Mahinang sagot ni Avhrie. Alam naming si Roxie Ito dahil sa kulay ng buhok nito at Sa kulay ng mata niya. Pero parang may Mali. Parang may kakaiba.
"Avhrie ako toh, Avhrie...!" Unti-unti siyang lumalapit at unti-unti rin kaming lumalayo. Isang hakbang niya papalapit ay isang hakbang rin namin papalayo. "dummy" pabulong na sinabi ni Red. Mahahalata ang pagiging dummy niya dahil sa mga mata nito, hindi ito normal na mata dahil mahahalata sa pagkinang nito sa tuwing masisikatan ng araw. "Avhrie kausapin mo muna siya" bulong ni Basti Sa sadaling yon ay lumapit si Avhrie Kay Roxie.
Avhrie.
"Anong ginagawa mo dito!?" Ano bang binabalak niya "Avhrie... I'm sorry!! Sorry Sa mga nagawa ko.. Sorry kung iniwan kita..! Avhrie please, let's start again! Handa akong magdrop makasama ka Lang!" Sambit niya, pero gustuhin ko mang maniwala Alam ko na kathang isip lang siya at ang mga sinasabi niya. "Pasensya ka na" mahina kong sagot "GO!" Sigaw ni Basti at mayroon nang lumlipad na fireball na papunta sa direksyon ko kaya naman umiwas ako. At Sa isang iglap nagliliyab na ang dummy. Nasusunog na ang mga parte ng katawan nito. "Tara na!" Masiglang sambit ni Ian, lumapit naman sa akin si Basti "okay Lang yan, malalaman din natin kung sinong may gawa niyan" pagcocomfort niya sa akin. Wala na Kong nagawa and just gave him a weak smile.
"That's good boys, now tara na, Ilagay niyo yang mga gamit niyo sa compartment" pamumuri ni Ms. Athena pero syempre nasa anyong librarian siya. Nag resign na siya para matulungan kami. At namamangha kami dahil kami kami lang ang nakakakita ng mga amulets na nasa amin. Nang makasakay na kaming lahat ay nagsimula na siyang magdrive patungo sa lugar na hindi pamilyar.
Matapos ang ilang oras.......
"Welcome to Nightingale's training grounds" sambit ni Ms.Athena, nakakagulat siya dahil bigla bigla na lang nagpapalit ng anyo. "Unti-unting bumubukas ang malahiganteng pinto at unti unti naming nakikita ang isang bahay na tila ba palasyo at isang malawak na damuhan at ito ay napalilibutan ng matataas na puno na tila ba mahiwaga. Isang sementadong daanan ang nabubuo tuwing umaabante ang sasakyan namin. At lahat kami ay manghang mangha nasa lagay na hindi na kami makapagsalita.
Tumigil kami sa pintuan ngand kastilyo at doon ay tumambad sa amin ang isang hall na punong puno ng mga halaman. "Nakuha ninyo naman siguro na hindi normal na mga halaman ang naririto. Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa kwarto ninyo. Alam ko naman na ayaw ninyong maghiwahiwalay kaya sa isang kwarto ko kayo ilalagay" nagsimula na siyang maglakad at kami sunod lang ng sunod, at wala pa ring nagsasalita.
Matapos ang ilang minuto ng paglalakad ay huminto kami sa isang kulay lilak na pintuan. Binukas ito ni Ms. Athena at tumambad sa amin ang maganda at malaking silid na mayroong pitong kama, pitong bedside table at pitong maliliit na cabinet. "Ito ang magiging kwarto ninyo. Kayo na ang bahala ah! Ano pang hinihintay ninyo. Pasok na, mamahinga na kayo" sambit nigo kaya naman pumasok na kaming pito. "Mamahinga na kayo. Magsisimula ang training ninyong pito bukas. At ikaw ang mauuna Red" lahat kami ay napatingin kay Red at bigla na lang kaming bumulaslas sa tawa dahil sa itsura niya. "Bukas ko na ipaliliwanag, magpahinga na kayo" pagkatapos niyang sabihin ay umalis na siya at isinara ang pinto.
"Okay matutulog ako" singgit ni Red at pumunta na kamiand sa kaniya kanyang mga kama. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari at nakatulog na.
**
"Veronica! Pumalpak ang Plano mo! Magisip ka na ng bago! Naka alis na sila! Kaya alamin mo kung nasaan sila!" Singhal ng isang lalake sa swivel chair.
"Opo maestro, pasensya na" paghingi ng paumanhin ni Veronica.
**A/N: I used the word "Genesis" define the word "beginning". It's the beginning of the boys journey to find the missing pieces of the arken stone. And we'll start it, by special trainings.
This is not edited so I'm sorry for the typos.

BINABASA MO ANG
Raven Academy For specials
FantasyThe oracles says that there are seven guys to save our world, Will the oracle be fulfilled?