How Painful LOVE can Be

134 12 1
                                    

Prologue:

Sabi nila, "Love is in the air," Bakit 'di ko feel?

"Love is blind,"daw! Eh para sa'n 'yung "Love at first sight?"

Haaaayyy.. 

          Madaling magka-crush, madali ring ma-inlove

          Masarap sa pakiramdam ang magmahal at mahalikn ka.

          Pero hindi sa lahat ng pagkakataong nagmahal ka ay mamahalin ka rin ng minamahal mo.

          Hindi lahat ng ibinibigay nating pag-ibig ay nasusuklian.

       Minsan nga ay mas gusto na lang ng iba na itago ang nararamdaman nila, hindi dahil sa nahihiya sila. Yun ay dahil sa takot silang masayang ang magandang pinagsamahan at pagkakaibigan nila ng taong mahal nila. 

          Ayaw nilang gumising na lang na isang araw, wala na ang taong pinahahalagahan nila.

          Hindi lahat ng nasukliang pagmamahal ay nagtatapos sa happy ending. Dahil ang pagmamahal ay laging may kaakibat na sakit, selos at pighati.

          Asahan mong kapag nagmahal ka ay magiging paranoid ka. Yun ay dahil sa kaiisip mo sa kanya, kung sinong kasama niya at kung saan sila nagpupupunta. Kulang na lang itali mo siya.

Love poem

Pag-ibig nga naman

Bakit bukambibig ka ng sangkatauhan?

Lalong-lalo na ng mga kabataan

Kaya naman pati ang pag-aaral ay naaapektuhan.

Laro lang ang tingin rito sa una

Pero sa huli ay natuto at nag seryoso na

Pag-ibig na alay sa'yo, ngayo'y totoo na

Ikaw lang talaga at wala nang iba.

Ngunit ika'y nagbago at nagsawa na

Aking pagmamahal ay iyo nang tinaggihan

Kaya ngayon ako'y lumuluha

Dahil puso ko'y iyong sinugatan at sinaktan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang pag-ibig hindi volleyball, matapos kang sumigaw sigaw ng 'yours', mag ma 'mine' ka rin lang pala sa huli.

Hindi rin yan basketball na matapos mong ipasa sa iba, magmamakaawa kang ibalik ito sa'yo.

Lalong hindi ito soccer na matapos mong sipa-sipain at ipaagaw sa iba, hahabulin mo rin pala.

Ang pag-ibig hindi isang laro na matapos mong pagsawaan ay saka mo na lang iiwan ng walang sapat na dahilan.

How Painful LOVE can BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon