Royal Academy: 3

343 28 0
                                    

Chapter 3: Rules, Regulations at Ang mga Punong Konseho

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumiti. Sa wakas. Nagbunga na ang hirap. Nakakapagod din na paikot-ikot kami sa gubat.

Tumingin ako sa dako ni Julian. Nakangiti din sya. Bakas din sa mukha nya ang pagkamangha. Isang mala-kaharian na yari sa marmol ang bungad nang Royal Academy. Iyon na lamang ang dahilan kung bakit nagliwanag kanina.

"Migrid. Ang astig."

Kahit na hindi ako tumitingin at naka-focus ako sa itsura nang RA, napangiti ako. Parehas din kasi kami nang nasa isip ni Julian.

Ang astig!!

Parang may kumikinang sa dakong unahan nang RA. Hindi kasi gate ang bungad nito. Isang mahabang hagdan. Kumabaga, mala- museum ang entrance neto. Syempre may guard-- whaahahaha. Anung klaseng guard ito? Mga naka knight suit.

Isang magandang babae ang naglalakad patungo sa direksyon namin. Naka puti ito. Isang mahabang damit sa para bang isang anghel. Mukha din naman syang anghel.

"Kayo ba ang bagong studyante nang aming prestihiyosong paaralan?"

Napaka oo na lang kami. Nakakamangha kasi talaga.

"Tuloy kayo." Pag-anyaya nang magandang babae.

Sumunod kami bitbit-bitbit ang aming mga dalahin. Aakay-akay kami kasi ang dami nga naming bitbit. Pagkapasok na pagkapasok namin, bumungad sa amin ang mga studyanteng babae na  naka gown at yung mga lalaki naman ay mga naka- suit. Wait. Ang aga naman nang prom nila?!

Patuloy lang kami sa paglalakad. Andoon pa rin ang mga studyanteng magagara ang suot. Tapos ang mga teacher (mahahalata mo namang teacher sil kasi may dalang libro), naka gown at suits din. Tsk. Royal talaga ha!?

A few minutes after, nakarating din kami sa pupuntahan namin. Our dorm. Actually, nakakabilib kasi doble ang laki neto sa condo room na inupahan namin. And this is for free!!

"So, nandoon ang telepono. Tawag nalang kayo kung may kailangan kayo. Shutza." Ani nang magandang babae.

Nagkatinginan kami ni Julian. Anu yung shutza? Siguro mali lang kami nang dinig at siguro'y sige talaga yun. Tsk. Hayaan na nga lang natin yun. Makapagpahinga na lang muna.

Julian Bartolome's Point of View

Dahan-dahan akong bumangon sa higaan ko. Pumikit-pikit pa ako. Anung oras na ba? Pagkatigin ko sa alarm clock ko, it's already 6:00 pm. Hala. Ang tagal naming natulog!

Ginising ko si Migrid. Pero tulog mantika pa rin sya. Tsk. That girl! Kahit pa ang tali-talino, ang tulog mantika pa rin.

Nahirapan man sa gisingan, nagising ko pa rin sya. Medyo nagalit pa na sya sa akin pero okay lang yun. Ang mahalaga nagising ko sya.

"Anung oras na ba?" Malamya at halata ang pagka- bagong gising sa boses nya. Sinabi kong 6:00 pm. Sa una hindi sya naniwala. Pero pinakita ko yung orasan ko.

"Ikaw talaga, Julian Bartolome. Napaka-sinungaling mo. 6:00 pm? Eh, 6:45 pm na eh!!" Tatawa-tawang sabi nya.

"Malamang, 45 minutes kitang ginising hudas ka!" Sumbat ko sa kanya.

Magsasalita pa sana sya nang bumukas ang pinto.

"Shutza sa Diyos at nagising na kayo. Pinapatawag lahat nang bagong transfer sa Royal Academy." Masigla at naka ngiting sabi nung parang dama. Naka simpleng dress lang sya. Pero hanggang paa talaga.

Royal Academy: Earth VS. Fire  (On Going)Where stories live. Discover now