Tahimik ang paligid habang nakatayo ako sa madilim na eskinita.Ganitong-ganito yung mga napapanood kong eksena sa palabas eh. Tapos may lalabas na magnanakaw, rapist o kidnapper. Tapos susundan ka tutukan ka ng patalim kapag hindi mo binigay ang gusto nila.
Pero bat ganun? Kanina pa ako nakatayo dito pero wala namang dumadaan. Kahit nga isang tao walang dumadaan.
Nakatayo ako malapit sa may lamp post. Gusto ko kasi maranasan yun? Yung tututukan ka ng kutsilyo? Pero syempre papalag ako. Gusto ko lang i-try kung worth it ba yung pag-aaral ko ng martial arts.
Nung nag-aral kasi ako noon kabisado ko na galaw nila. Kaya ang boring. Ilang belt na rin ang naiuwi ko na nakukuha ko sa mga competition na sinalihan ko.
It's already 10 in the evening pero wala pa ring nadaan. Hindi kaya namaligno ang lugar na to? O di kaya minumulto kaya walang nadaan?
Ooh. That's cool, aswang o multo ang kakalabanin ko.
And wait, I'm not a weirdo, psychotic or whatever.
Gusto ko lang talaga gamitin ang skills ko na to. Sayang naman kung hindi ko gagamitin panlaban sa masasama di ba?
" Newbie." napaatras ako ng may biglang nagsalita.
What the? Saan nanggaling yung boses na yun? Nagpalinga-linga ako pero wala namang tao.
Baka multo? Pero lalaki ang boses eh.
Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng sapatos na tingin ko'y papunta sa direksyon ko. Hala? Wala akong makitang tao na naglalakad.
Pero may naaamoy ako. Isang mabangong pabango. Suminghot-singhot pa ko at kung hindi ako nagkakamali nasa harap ko ito!
Anino! May anino na akong nakikita. Isang anino ng lalaki.
Sino to? Bat hindi ko siya makita? May anino pero bakit wala ang katawan niya? Anong klaseng nilalang ito?
Napaatras ako nang biglang mamatay ang lamp post. At ang mas nakakagulat ay nang may lalaking lumitaw pagbukas ulit nito.
Sigurado siya yung anino lamang kanina. Pero paano niya nagawang lumitaw ng ilang segundo lamang?
"Sino ka?" buong tapang kong tanong. Hindi dapat ako magpakita ng takot sa kanya. At hindi ako takot.
"Alam mo bang walang tao ang pumupunta dito?"
"Hindi ah. Anong tawag mo sakin hindi tao?"
Mas lumapit pa siya sakin. Sa isang iglap ay may hawak na siyang kutsilyo sa kamay.
" You dare to talk back on me, huh?"
"Nagtanong ka di ba? Sinagot ko lang."
Great. Mukhang magsisimula na ang laban. Bakit ba laging lalaki nalang ang kalaban ko?
" Do you know this place? Ang tapang mo naman para pumunta dito."
"I know this place. Pupunta ba ako dito kung hindi ko alam?"
The answer to his question is so obvious. Duh.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Mukhang nainis na naman dahil " I talked back to him". Actually sinasagot ko lang naman talaga ang tanong niya.
Humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa braso ko. Gigil na gigil.Kaya naman hindi ko na pinatagal pa at hinawakan ko ang kamay niya na nasa braso ko.
Pipilipitin ko na sana ngunit nagkabaliktad. Ang kamay ko ang napilipit niya at ngumiwi ako sa sakit.
Shit! Ang sakit. Pero hindi ako nagpatinag at hinawakan ko rin ang kamay niya. Kaso masyado siyang mabilis at malakas para pigilan. Napaka-gentleman naman pala nito eh.
BINABASA MO ANG
Dark Squad
Mystery / Thriller"This is not your so ordinary squad." --- Date started: February 18, 2017 Date finished: