Chapter 6
BLAG!
"AY ANAK NG KUNG ANO MAN!"
Awww... Ang sakit ng ulo ko!
Eto nanaman po tayo, pahulog hulog sa higaan. Geh.
Time check: 6:57
Waaaaaah! Aga pa! At sabado ngayon -.-"
Bumalik agad ako sa higaan at sinubukan ko matulog ulit. Pero sa tingin ko, may sakit ako na bawal matulog ulit kasi pag gising na ako di ko magawang matulog ulit eh -.-
Nagpapabaling baling lang ako sa kama, mga 30 minutes. Tapos nasawa na ako, nagtwitter nalang ako.
"@stillallina: it's so early and up already huhu 😫😴"
Tweet.
Knock! Knock!
"Pasok," sabi ko habang nakalugmok ang mukha sa unan
"Ate ba't gising ka na?" Tanong ni Drei na mukhang magjojogging.
"Pano mo nalaman ha?" Lakas naman makasense ng baby brother ko!
"Ate nagtweet ka." Okay sabi ko nga.
Tumayo na ako at nagsuot ng jacket dahil malamig at saka bumaling sa kapatid ko,"Magjojogging ka ba? Sama na ako."
Nagnod naman si Drei, "Tara na ate, mag seseven thirty na."
Agad kong sinuot ang N.Y T-Shirt ko at jogging pants at sinuot ang Nike kong rubbershoes. Hinablot ko na rin ang earphones ko at bumaba ng hagdan.
"Ate hanggang sa may park tayo ha?" Tanong ni Drei
"Sige lang." Sabi ko at nagsimula magjogging.
Habang nagjojogging ako ay nakikinig lang ako sa earphones ko, dahil di kami naguusap ni Drei kapag magjojogging.
I walked through the door with you
The air was cold
But something about it felt like home somehow
And i left my scarf there at your sister's house
And you still've got it in your drawer even now
'All Too Well'. Hayyyy. Namimiss ko nanaman si Lance ko. Pano, yan yung lagi akong naLSS tuwing nagaaway kami.
.... And I know it's long gone and the magic's not here no more
I might be okay but I'm not fine at all
"Ate? Ate huy!" Tawag ni Drei. Pero di ko siya pinansin.
Cause there we are again on that little town street
You almost ran the red coz you were looking over me
Wind in my hair I was there I remember it,
All too well.
"Hay nako Ate tama na nga yan!" -_- okay hinatak nya earphones ko
"Lakas ng tama mo ah! Makaemote sa music OA?" Pangaasar nito
"Che! Bwisit! Panira ng moment." Nakarating na pala kami sa park kaya niya ako tinatawag.
"Ate gusto mo ng putok dun? Bili kita." Pangaalok ng kapatid ko. Minsan lang yan gumanyan!
"Sige, apat sa akin. Pabili na rin ng kape." Utos ko at umupo sa isang bench. Kinuha ko yung iphone ko at dahil nakaline aketch, may net yung phone ko anytime.
Facebook, Twitter, Tumblr at IG lang ako for the past few minutes.
"Allina!" Narinig kong tawag ng isang babae sa akin
Nagpalinga linga ako hanggang sa nakita ko ang isang taong di ko inaasahan.
"Ali I missed you!" Tuwang tuwang bati ni Miley. Oo, yung girlfriend ng boyfriend ko.
"Ha..Hi...Miley!" Jusko, di ko alam ano dapat kong sabihin neto.
"Miles, asan na b-- Miles! Oh, Zielle!" Ngiti nya sa akin. Oh shet, ang gwapo pa din.
"Lance!" I gasped. Shocked pa din ako eh. 4 months na kasi kaming di nagkikita.
"Kamusta na Zielle? I heard you're studying in a prestigious academy." Grin nya sa akin. Ahh! Hinga Ali, hinga. Gwapo talaga. Tsk. Kakatempt. +_+
"Tunog prestigious lang! Kayo ba ni Miles..."
"Okay lang, masaya naman kami eh. Parehong UST kasi university namin," OO MILEY ALAM KONG UST KAYO DALAWA! INGGIT AKO!
"Buti pa kayo. Eh ako walang former classmate dun." Sabi ko nalang
"Ate uwi na tayo nagtext si Mommy." Panira talaga to.
"Drei! Laki mo na!" Pakikipag apir ni Dale. Okay boy talk.
"Halika na. Baka magalit yun. Bye Dale, Miles.." at tumakbo na ako sa park.
"Ate wait! Bakit naman bigla mong gusto umuwi?" Hingal na sabi ni Drei dahil bigla siyang tumakbo para habulin ako.
"Manahimik ka nalang." Mahina kong sabi
Nasaktan talaga ako ng makita ko silang dalawa na magkasama at masaya. Nagseselos ako, ang sakit sa dibdib.
Nang nakauwi na kami, agad akong pumunta sa kwarto ko para magisip isip. Di kasi ako yung type of person na masyadong iyakin. Kahit love life di ko iniiyakan, promise.
"Move on, move on," I chanted, para akong mangkukulam na gumagawa ng spell eh.
Pero determined na ako sa decision ko. Kakalimutan ko nalang yung nangyari sa amin.
"I'll be Allina, and not his Ziella. Magfofocus ako sa studies ko." I said fiercely. Di ko na talaga ieentertain si Lance sa love life ko. Masyado na akong umaasa, at mas nasasaktan.
"Ali, breakfast na!" Narinig kong sigaw ni Mommy.
Starting this day, I'll forget loving him.
BINABASA MO ANG
Finally My Right Prince
Подростковая литература"You'll be the Prince and I'll be the Princess it's a love story baby just say yes...." Yan ang sabi ni Taylor Swift. Wushu! Ganoon lang ba kadali yun? Madali bang sabihin yan sa taong mahal mo? NO. Sa barkada namin? LALONG HINDI. Kahit halata na...