01 Natalie Meets the Director

9.6K 109 4
                                    

a/n: hello! ahmm. ayun! My first attempt to write a matured content fic.
ewan ko ba! Yung ibang tao kasi dyan nagrerequest na gawin ko daw R yung
If You Ever Come Back. LOL. Di pede. Kaya ayan. Napagawa tuloy ako.

Honestly, I enjoyed writing this fic. Lalo na yung prologue. Hahaha.

Sana magustuhan niyo.

Comment. Vote. Recommend.  

-----------------------------------------------

*I don't mind spending everyday
Out on the corner in the pouring rain
Look for the girl with a bro---*


"Ano ba?! Ang ingay naman----- OH SHIT! SHIT! SHIT! Late na ako!"


Gising. Ligo. Bihis. Kain. Alis.

Ako si Natalie Cruz, 24 years old at yan ang buhay ko. Boring right? Hindi naman. Sanay na rin kasi ako. A bit of background about me? 


Well, I am the senior supervisor ng graphic department sa DN Group of Companies. I graduated suma cum laude in UST sa kursong fine arts. Kaya di nakakapagtaka that at such a young age, I was promoted to such high position. 


Nakarating din ako sa workplace ko at pagpasok na pagpasok ko sa building ng DN, nakarinig na ako ng bulungan. Hm... ano kayang meron?


"OMG! Nakita mo ba siya kanina? Grabe!!" girl 1


"Oo. Ang hot pala talaga niya noh?" girl 2


"Shit pare! Kaya pala tinatawag yung 'the Ultimate Cassanova' eh." guy 1

"Kaya nga! Anak ng tokwa! Itatago ko na girlfriend ko dun! Baka ipagpalit ako dun!" guy 2


"Anong baka? Talagang ipagpapalit ka nun dun! Uy si Mam Natz!" guy 3


"Ang ganda talaga niya!" guy 4


Naman boys! Agad na?!


Haay nako eto na naman sila. At aba aba aba...mukhang may hottie na naman na bisita ang kumpanya namin. At take note, 'Ultimate Cassanova' pa ang title. Tss. 


Sa totoo lang naman, wala akong interes sa ganyan, mga walang kwenta at gago lang naman silang lahat eh. At sa totoo lang din, wala namang interesting sa work kundi ang tumingin ng tumingin ng tumingin sa sandamakmak na design proposals for the upcoming Annual Bidding for a Cause ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Oh the joy!


Can you feel the sarcasm in my voice?  Hindi naman kasi sa hindi ako happy sa work ko. It's just that, minsan o sige aaminin ko na. Madalas nakakatamad at nakakairita kapag head ka ng department niyo. HASSLE kasi talaga!


At ngayon nga, I am late for a meeting. Dito na kasi i-vo-vote kung aling design yung gagawing official logo for the upcoming event. Pati dito na rin ipapakilala sa akin ang new boss ko. Meaning I'll work under his department na. Dati kasi, straight to Mr. CEO ako nagwo-work. Kaso sabi niya, my new boss needs a lot to learn. And he needs the best teachers around. Lalo pa't sa mismong Graphics Department siya na-assign. At isa daw ako dun. Naman sir!!! Ako pa!!! >:)


At dahil nga late ako, okay lang yun kasi ako ang head. That is one of the advantages of being a senior supervisor. I can easily slip out of a sticky situation with an excuse. Pathetic ayt? Pero effective. >:)

"Manong wait!" Sigaw ko kay Manong Delfin na nag-ooperate ng elevator. 


"Good morning, Mam Natz! Mukhang tinanghali kayo ngayon ah." bati sakin ni Mang Delfin.

More Than Just Lust [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon