June 30, 2008
8:45 pm
"Guys tara sa harap! Sabi ko kasi kay Crisostomo pag nagperform yung second to the last na banda nasa harapan ako." Sabi ni Grace.
"Eh? Sino naman si Crisostomo? Bago mong love-life? Ha? Maria Clara?" Pang-aasar na tanong ni Christine. Napangiti naman si Mina.
"Naks Grace, wala pa tayong isang buwan dito may love-life ka na ha."
"Mga gaga, kaklase ko lang si Crisostomo sa Socio. Mas matanda yun sa akin. Love-life agad! Kapatid niya kasi yung drummer dito si Simoun!" Sagot ni Grace. Napakunot naman ang noo ni Kim.
"Wow ha, fans ba ni Rizal yung magulang nilang dalawa?" Tanong nito. Napangiti naman si Grace. Noong una rin niyang nakilala ang magkapatid na ito halos tawa siya ng tawa sa pangalan nila pero nung kinuwento ni Cris ang dahilan kung bakit ganoon ang pangalan nila naintindihan na niya.
"AB History kasi tatay nila! Yung isa sa mga professor dito. Kaya ganoon—" Napahinto naman sa pagsasalita si Grace nang biglang nagsalita ang MC ng event. Nasa harapan na sila ngayon.
"Please welcome our second to last band to perform. The Bananafighters!" Sigaw ng MC. Nagpalakpakan naman lahat at yung iba mukhang excited pa. Sikat daw yung banda na to dito sa PhilU eh. Puro pogi daw, kaso nga lang
"Bananafighters???" Sabi ni Charlene. Infairness ha, ang unique ng pangalan ng banda na to. Kahit ilang beses siyang magbrainstorming never niya maiisip yung pangalan na ganon para sa isang banda.
Nag-uusap naman si Kim at Grace ng lumabas na ang mga miyembro ng banda. Bigla namang nakita ni Christine si Andrew at napahawak sa braso ni Charlene.
"Charlene eto na pala yung banda ni Andrew di ba dapat lumayas na tayo dito." Bulong niya dito.
"Mukha namang wala ng pakealam si bessie kay Andrew eh. Wag ka ng mag-alala." Sabi ni Charlene dito. Napasinghal naman si Christine at tsaka nagtaka.
"Di ba sabi sikat na daw sila? Meaning lahat sila higher years dapat. Bakit andyan si Andrew?? 1st year pa lang yan ha." Nagkibit-balikat na lang si Charlene at tsaka tumingin sa stage. Wow, si Andrew pala ang vocalist ng banda. Nakita kasi nilang papunta ito ngayon sa gitna habang nagssound check. Napatingin naman si Christine sa mga kaibigan niya. Lahat rin sila nakanganga ngayon pwera nga lang kay Kim at Grace na mukhang may seryosong pinaguusapan.
"At kelan pa naging bokalista yung hinayupak na yan?" Sabi ni Mina sa mga kaibigan niya. Di rin makapaniwala si Charlene at Christine. Oo nga no, kelan pa? Parang wala naman ata silang nababalitaan? Alam nilang tumutugtog ito, pero kumanta?
NEVER.
Gulat na gulat man ang tatlo kay Andrew, mukhang si Mae may ibang kinakagulat. Napalunok siya habang nakatingin sa lalaki na nasa tapat niya ngayon. Nag-aayos ng bass guitar niya.
Shit. Fuck. Puta. Punyeta.
Napapikit si Mae ng maalala niya ang nangyari kanina. Yep, you guessed it right. Yung lalaking bassist ng banda na tutugtog ngayon ang lalaking nakasabay lang naman niya sa CR kanina at nakita ang kaniyang black and pink polka dot na panty.
"Nice panty."
"Nice panty."
"Nice panty."
"Nice panty."
"Ni...ce...pan...ty..." Pati ba naman slow motion ng boses ng lalaking to naalala niya? Agad naman napahawak si Mae sa tenga niya at napailing. Putangina Lord, palamon muna sa lupa ng saglit pagkatapos paluwa ako. Isip nito. Kung alam nyo lang kung gaano siya pahiyang-pahiya sa nangyari kanina. Akala naman niya di na niya makikita yung lalaking to. Ang naisip pa naman niya nakapagperform na ito, pero hindi pala!!
BINABASA MO ANG
Untitled
HumorHindi lahat ng story dapat may title parang ang selfie mo hindi dapat parating may quote at hashtag na walang connection.