Dave's POV
(A/N: Sa mga hindi nakakaalala kay Dave, siya po ang Vice President ng Writer's Club.)
Recess time.
Nakatambay ako sa canteen na malapit lang sa room namin kasama sina Paul, Rupert at Jacob.
Sa di kalayuan ay nakita namin si Junel na papalabas ng classroom. Siya ang bagong kaklase namin. Iwan ko pero nayayabangan ako sa dating niya. Mukha siyang pabibo. Tsk.
"Si Junel 'yun di ba? Yung bagong kaklase natin?" sabi ni Paul.
"Tara, lapitan natin." sabi ko.
Lumapit kami sa kanya at mabilis na hinarangan ang kanyang daan. Seryoso siyang napatingin sa amin.
"Bakit?" tanong niya.
"Junel, right?" sabi ko.
"Halata ba?"
Upakan ko kaya 'to? Masyado siyang mayabang.
"Sumama ka sa amin."
Inakbayan siya ni Rupert. Sa kabila naman si Jacob at Paul.
Nauna akong naglakad. Dumiretso kami sa may bleachers. Tambayan din naming mga boys yun. Pasalamat 'tong lalaking 'to dahil hinahayaan ko siyang sumama sa tambayan namin. Ako ang batas sa aming tambayan. Kung hindi ko lang talaga siya gustong kausapin, hinding-hindi ko siya dadalhin dito.
Umupo kami at hinarap siya. "Bakit ka lumipat sa paaralang ito?" panimula ni Rupert.
"Hindi ako tanyag na celebrity para harapin niyo ako ng ganyan at uusisahin." nakangising sagot niya.
Tingnan mo 'tong lalaking ito! Namumuro na ako sa kanya, lintek. Isang birit pa nito, tatadjakan ko na talaga. Ang yabang. Puro pahangin lang ang alam!
"Umayos kang gago ka!" may halong diin na sabi ko. Ayoko sa mga taong paligoy-ligoy pa. Naleletse ako!
Seryoso siyang napatingin sa akin. "Gusto ko lang." poker face niyang sagot.
"Bakit mo pinili na lumipat sa section namin? Sa lahat-lahat? Itong section pa?" tanong ni Paul.
"Gusto ko ang WC noon pa man. Pagkakataon ko na ito para makapasok sa section niyo." sagot niya.
Di lang 'to mayabang, bobo rin. Baka hindi niya alam na may patayan na nagaganap sa silid namin?
"Sa tingin ko, mali ang silid na pinili mong pasukan, Junel. Malaking pagkakamali." sabi ni Jacob.
"Bakit?"
"Hindi mo ba alam?
May mga karumal-dumal na pangyayari sa section namin. Marami na ang pinaslang, pinugutan ng ulo at pinatay. Kaya kung ako sayo, lumipat ka na ng ibang section. Maling silid ang pinili mo, Junel." pranka kong sabi.
Akala ko ay magugulat siya o mapabalikwas sa kinauupuan niya pero mas ako yata ang nagulat nang makitang napangisi siya. Mapangahas na ngiti ang bumakas sa kanyang mga labi. May kakaiba sa aura niya. At alam kong hindi iyon maganda.
"Alam ko..."
Nagulat ako sa kanyang tinugon. Anong ibig niyang sabihin? Paano niya nalaman?
"Pinagloko mo ba kami? Paano mo naman nalaman ang mga bagay na iyon? Kalilipat mo pa lang dito, ang yabang yabang mo na. Masyado kang mahangin." asar na si Paul.
Ngumisi lang muli si Junel. "Sources. May pakpak ang balita. At alam ko ang mga bagay na iyon. Hindi na importanteng malaman niyo kung paano ko nalaman." kalmado niyang sagot.
Fuck. Masama talaga ang pakiramdam ko gagong ito.
"Paano mo nga nalaman?" singhal ni Rupert sabay tayo.
"Nakakapagtataka. Sino kayo para usisain ang mga nalalaman ko? Bakit gusto niyong malaman? Para maipakalat sa iba? Para mabansagan kayong may maraming alam? Para mabansagang tsismoso? Para may alas kayo laban sa akin? Hindi ako tanga. Alam ko ang ginagawa ko." sabi niya na halos ikalaglag ng mga panga namin.
Tangina. At sino siya para sabihin ang mga katagang iyon sa amin? Anong karapatan niyang pagsabihan kami ng ganoon? Kay bagong salta, nagmamarunong?
"Tangina mo, gusto mo bang maupakan?" sambit ni Jacob. Pero imbis na sagutin siya ng gagong si Junel ay nakatingin lang ito sa kanya ng seryoso.
Biglang tumunog 'yung bell. Tapos na ang recess. Fuck! Hindi pa kami tapos!
"Mauuna na ako." sabi ni Junel.
Bago pa man siya makalakad ay hinawakan ko na ang kanyang braso para pigilan ang balak niyang pag-alis. Hindi ko alam pero napakamisteryoso niyang tao. Nakakabahala. Masama ang pakiramdam ko sa kanya.
"Bakit, Dave?"
Holy shit. Halos makagat ko na yata ang dila ko nang banggitin niya ang aking pangalan. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Paano mo nasabing alam mo ang ginagawa mo?" tanong ko.
Tinapunan niya ako ng blangkong tingin. "Simple. Alam ko kung anong pinasok ko. Alam ko kung ano ang pinili ko. Alam ko kung nasaan ako napabilang at alam ko kung hanggang saan ako. Ibig sabihin, kahit may alam ako sa mga kaganapan sa Writers Club, mas pinili ko pa ring maging parte dito. Dahil alam ko ang ginagawa ko." makahulugan niyang sambit.
Nakagat ko ang aking labi sa panggigigil. Ngayon lang ako naging mausisa ng ganito.
"Gusto mo pa ba, Junel?" tanong ko.
Tumaas 'yung dalawang kilay niya. "Ano?" nagugulahan niyang tanong.
"Gusto mo pa ba? Gusto mo pa bang maging bahagi ng Writers Club, sa kabila ng lahat?" tanong ko.
Muli ay ningitian niya ako at sinagot ang aking tanong ng walang pag-aalinlangan.
"Hindi ko pinili ang Writers Club kung hindi ko gusto na maging bahagi nito, Dave." Sabi niya.
Naglakad na siya papalayo pagkasabi niya nun. Sinundan ko na lamang siya ng tingin.
Sino ka nga bang talaga, Junel Quismondo? Ano ang nakatago sa likod ng iyong pagkatao?
-
A/N: I want this story to be completed before magsummer. Wala kasi kaming internet sa bahay. Nakiki-wifi lang ako para lang makapag-update:(
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Gizem / GerilimHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...