Love Story 1: 'Dota Girl' (1/5)

484 37 18
                                    

Note: Gawa-gawa ko lang po ito ah baka kasi sabihin nyo na true story ito pero hindi po sya true story, siguro. Siguro kasi malay nyo meron talagang babae na mahilig sa dota katulad ng pagkahilig ng mga lalake dito. Sana po sa pag basa nyo nito kung may kaibigan man kayong babae na mahilig mag-dota i-respect nyo sila kasi un ang gusto nila pero kung sobrang adik na nya eh awatin nyo na

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RING!!

Hay sa wakas natapos narin ang klase...

 " Huy Bhe sama ka naman samin, shopping tayo! "  sabi ng bestfriend ko

 " Nako sorry ah di ako pwede eh, promise next time "

" Sige next time ah, osya mauna na kami ah bye ingat ka bhe! " at nag wave nalang ako sa kanya. 

Hello I'm Bea Aquino, 16 yrs.old nag-aaral sa **toot**.

Average lang po ako kaya wag nyo akong hihingan ng pera ah! (JOKE).

Sabi nila sa school ako daw ang pinaka maganda as in daw sa buong school ako lang daw ang nag shine. Maganda daw, mabait daw, girly daw ako, simple pero may dating, yun ang sabi nilang lahat saakin.

Pero maniniwala ba kayo na dota adik ako?

Sa maniwala kayo o hindi totoo!!

Alam ko mahirap paniwalaan pero yun ang totoo, un lagi ang pampalipas oras ko.

Pag minsan pag mainggay sa bahay sa comp.shop ako laging pumupunta, pero hindi dahil nage-fb ako, kundi nag do-dota ako!!

Pero hindi po ako tomboy ah uulitin ko po hindi po ako lesbian!!

Gusto ko din namang makipag shopping at mag-make up at lahat ng mga pang girls. Pero ang pagka-iba ay mahilig akong mag-dota.

Sa mga natanungan ko kung pwedeng maging adik ang isang babae sa dota ang sagot nila impossible daw na mangyari yun!!

Pwes wag kayong maniniwala dahil eto na ang pruweba nyo, eto ang pruweba nyo na pwedeng maging adik ang mga babae sa dota at ISA NA AKO DUN!!

*Back to reality*

Tutal tapos na ang klase gagawin ko na ang lagi kong ginagawa, uuwi muna at magbibihis at pupunta sa comp.shop at mag do-dota ^_^!!

Nandito na ako ngayon sa comp.shop ang lagi kong ginagamit na computer ay yung no.6 ni minsan di ako gumagamit ng ibang computer talagang ung no.6 lang talaga.

Alamin nyo kung ilang oras ako kung nagbababad sa dota...... everyday 3 hours!! ganun ako ka-adik sa dota!!

Teka di nyo nga pala alam kung bakit nga ba ang isang sikat sa school na tulad ko ang naging adik sa dota. Pwes ikwe-kwento ko sa inyo!!

*Story starts*

7 years before.......

Nandito ako sa bahay ng pinsan kong si buboy, actually di naman talaga nya yun tunay na pangalan eh manly kaya ng tunay nyang pangalan Blade Corpin ang real name nya...

Niyaya ako ni buboy na pumunta sa malapit na comp.shop syempre dahil naiinip ako pag wala akong ginagawa kaya sumama nalang ako sa kanya.

Actually first time kong pumunta sa comp.shop nun pero wala namang masama kung mae-experience mo di ba?

Nung pagpasok ko ng comp.shop ang daming tao dun, pero swerte at may dalawang bakante pa. Si buboy umupo sa may no. 8 ako naman sa no. 6 magkatapat kami.

Sa Computer Shop [Three Stories in One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon