Kwento ito ng tiyahin ko na nangyari noong taong 2014. Mismong ako ay nasubaybayan ko ang kahindik hindik na nangyari sa kanya at sa anak niyang itago natin sa pangalan na Echo. Noong mga panahong ito ay marami na akong naririnig na kwento ng kulam mula sa nanay ko. Ngunit likas sa ating mga tao na bago maniwala ay dapat makakita muna ng patunay. At itong kwentong ito ang nagpabago ng paniniwala ko sa KULAM.
Hindi ko gaanong kasundo ang pamilya ni Tita Melba dahil tuwing binibisita niya ang mama ko ay siya lamang ang nagpupunta. Masyado ding malayo ang bahay nila noon kaya hindi namin mapuntahan agad. Nitong Oktubre 2014 lang sila lumipat dito sa Montalban. Malayo pa rin sa bahay namin pero dalawang sakay lang naman di tulad sa dating bahay nila na siyam na oras na byahe sa bus pa. Nang nakakabisita na ako sa kanila, doon ko nalaman na may dalawa pala akong pinsan sa kanila. Si Kuya Echo, 25 years old, at si Kuya Peter, 24 years old.
Nagsimula ang kababalaghan noong tumira ako sa kanila ng tatlong linggo. Dahil sa bakasyon naman ay pinapunta ako ng mama doon para tumulong kay Tita Melba sa bago niyang negosyo. Dahil sa mabenta ang mga Korean products niya na paninda ay mas naging busy kami. Isang gabi, narinig ko na lang si Tito Eds na kinagagalitan si Kuya Echo. Sa takbo ng usapan nila, mukhang tungkol sa babae ang pinaguusapan. Sabi ng tita, dalawa daw kasi ang girlfriend ni Kuya Echo. Isang taga dito sa kanila, at isang taga Pasay. Ang problema, anak ng kumpadre ni Tito Eds yung babaeng taga Pasay. Ayaw naman daw ni Tito sa gf ni kuya na taga dito sa kanila dahil masyado daw clingy at maharot. Matagal na daw nila pinagsasabihan pero ayaw niyang hiwalayan.
Naisip ko, bakit di na lang nila hayaan si kuya echo. Kakarmahin din yun. Alam naman niya ang tama at mali eh. Pero nagulat ako sa sinabi ni Tita sakin tungkol sa babaeng taga Pasay...
"Aba eh hindi pwedeng hayaan at baka masamain siya pag nalaman ng nanay nung babae yan. Spoiled pa naman yun sa nanay niya. Inaalala ko eh baka mabisto siya nung babae at alam mo na pag nasaktan eh ipakulam siya sa nanay niya."
Kulam.
Hindi ko alam kung maniniwala ako pero sabi ni Mama, totoo daw yun. Sabi nila, pag nakulam ka, pwede kang magkaroon ng sakit na hindi pangkaraniwan. Yung hindi magagamot ng mga doktor. Kung totoo ngang marunong mangkulam ang nanay ng babaeng yon, maaari nga siyang kulamin lalo na kung malaman niya na two timer si Kuya Echo.
Lumipas ang dalawang linggo ko sa kanila na busy sa negosyo at puro bulyawan ng mag-ama ang naririnig ko. Naisip ko na baka seryosong bagay nga ang pwedeng mangyari pag hindi pa itinigil ni Kuya ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.
Short StoryMahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan. Ngunit paano kung bigla silang magparamdam sayo? Maniniwala ka na ba?