Chapter 6- Closeness?

21 0 1
                                    

Chapter 6
closeness?

(pasensya na sa pic wala na akong makita na ganyan din ang pwesto nila na nasa garden eh... Yan lang nakita ko.. Ung nasa fountain lang sila at may hawak na kape)

Abegail 's POV

Pababa na ako sa hagdan ng makita ko si coldhearted na mukhang aalis ng bahay.

"San ka pupunta? "tanong ko sakanya

" dito lang.. Sa labas.. "sagot niya na sabay labas ng bahay.

Sa ilang araw na andito siya sa bahay medyo sanay na ako na ni isang expression ng mukha niya di ko makita. Ang Laging nakikita ung seryosong mukha niya lang. Di manlang nagulat, di man lang makakunot noo, di man lang ngumiti o sumimangot.

Medyo sanay na din ako.

Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa makalabas na talaga siya ng TuLuYaN sa bahay.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos nun ay Bumalik ako sa kwarto ko para asikasuhin ang mga papers na kinuha nila Acer sa office. Di na kasi ako pinapalabas masyado. At pumayag din ako sa ganun kasi medyo natatakot na din ako matapos nung huling beses na pati dito sa kwarto nakapasok sila.

Hay. Medyo napagod ako bigla dahil sa mga naisip ko.

Itinigil ko muna ang mga ginagawa ko at saka humiga sa kama.

Medyo nakakaantok Gumawa Ng mga paper works. Makaidlip nga lang muna.

.

.

.

.

.

nakakasar kasi naman ilang minuto na ako nagpupumilit na matulog pero di naman ako makatulog.

hay. makababa nalang nga muna.

bumaba ako sa garden at nakuta ko si Acer. Ang seryoso niya. lagi nalang siyang ganyan..

.

.

.

.

Acer 's POV

Andito ako sa garden ngayon.

Nagpapahangin andami na din kasi akong iniisip tungkol sa trabaho. At saka namimiss ko na din si cheska.

Kamusta na Kaya siya?

"alam mo minsan nakakapagtaka lagi ka nalang seryoso"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si abegail.

"oh ikaw pala"

"pwede makaupo sa tabi mo? "
Tanong niya habang nakatingin sa tabi ko.

" kayo mayari magtatanong kapa "

Umubo siya sa tabi ko. " kahit kailan ka talaga eh noh? Seryoso mukha mo pero ang galing mo padin mamilosopo"

Tumingin ako skanya.

Ngumiti siya sakin. humarap ako sa mga bulaklak.

"ngayon lang kitang na kitang ngumiti "

" bihira naman akong ngumiti eh. Minsan lang. At saka ngayon lang naman ako ngumiti sayo" nakatingin na siya ngayon sa mga bulaklak.

A SECRET AGENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon