CHAPTER 8:FLASHBACK(PART 2)

14 1 0
                                    

CHAPTER 8

Maria's POV

-Flashback-
(1 year ago)

Ano ba talaga ang nangyari?bakit kaya siya binubully ng mga lalakeng yun?

"O tapos?anong sumunod na nangyari?" tanong ko

"Namatay yung tatay ni Jasper.At lumipas ang ilang araw sinisi niya ang daddy ko sa pagkamatay ng tatay niya.Nagsama siya ng maraming lalake at sinugod ang bahay namin dala ang mga baril nila.Pinatay sa harapan ko ang daddy ko at pinahirapan ako ni Jasper simula nun." malungkot niyang sagot.So ulila siya?aww...ang sakit nun.

"San ka na nakatira ngayon?" tanong ko

"Sa lola ko." sagot  niya.

"Hindi mo ba kayang ipagtanggol ang sarili mo at hinahayaan mo silang ganyanin ka?" ang dami kong tanong.

"Hindi pwede.Mas lalaki ang gulo." sagot niya

"Hay nako.San ka ba nakatira?" tanong ko ULIT

"Malapit lang dito." sagot niya

"Sige una na ko." paalam ko

"Sige.Thank you pala." tugon niya

"Bukas ulit." huling salita ko at umalis na sa Department Store.

Umuwi na ko at nagpalit ng damit.

"Maria!help me!" sigaw ni ma'am Kiana kaya agad akong tumungo sa kuwarto niya

"Ano yun ma'am?" natatarantang tanong ko

"Hindi ko kasi alam kung anong pipiliin kong gift para kay Cylie eh." sagot niya.Ehy..yun lang pala eh kala ko naman may ahas o kaya daga sa kuwarto niya

"Eh di yang tatlo na yan na lang po iregalo niyo." tatlo kasing bracelet hawak niya.

"Ahy!Alam ko na!eto sakin, eto sayo at eto naman kay Cylie." sabi niya sabay bigay saakin ng blue na bracelet at may nakasulat ng besties forever.

"Sure ka ma'am?" tanong ko

"Oo naman noh.Ayan kasyang kasya sayo oh.Yiee!" kinikilig niyang sabi nung isinuot ko yung bigay niya.

"Sige po ma'am tulog na po ako." paalam ko

"Ok Maria!mwah!thanks ulit!sweetdreams!" haha kahit kailan talaga di nagbabago si ma'am Kiana, ang bait parin katulad ng mommy niya.

Umalis na ko at bumalik sa kuwarto ko.Ano nga bang pangalan ni Nerd?ish!di ko manlang naitanong.Ang tagal naming nag-usap di ko naitanong yung pangalan niya.Hayst.

*
*
*
*
Hala!Umaga na pala!yak!yan raw ah!ahy! Magkikita pa pala kami ni nerd.

Bumaba na ko para sana magluto.

"Hey Maria!come!join us." aya ni ma'am Lestie(mom ni ma'am Kiana)

"Sige po ma'am.Pero sino pong nagluto nitong lahat?" tanong ko

"Siyempre ako.Hahaha!" sabat ni ma'am Kiana at itinaas pa ang kanang kamay

"Hay nako Kiana, kumain ka na.Oh eto mas makabubuti sayo toh." ang saya nilang pagmasdan.Hays..

"Ahh ma'am Lestie, ma'am Kiana una na po ako may tatapusin pa po sa school eh." paalam ko bago pa tumulo yung luha ko.Iniwan ako ng nanay at tatay ko.Lumaki ako sa Lolo ko pero patay na siya kaya simula grade 6 ako na ang bumubuhay sa sarili ko pero namasukan akong maid sa kanila nung grade 9 ako at simula noon pinaaral na nila ako.

(School)

"Kilala niyo ba yung nerd na nandun sa Starsection?" tanong ko sa mga kaklase ko

"Hindi eh." sagot nila

Pumunta na lang ako sa cafeteria at bumili ng pagkain.Bumalik agad ako sa classroom at umupo na sa malapit sa bintana.Natanaw ko ang malaking field kung saan tumatakbo ang isang...NERD?teka.. Si nerd yun ah!dali dali akong pumunta sa field at pinatigil yung nerd na yun sa pagtakbo niya.

"Nerd!Ano bang ginagawa mo?" tanong ko

"Tumatakbo." sagot niya.

"Pakana nanaman nila Jasper toh noh?" tanong ko

"Hmm." tugon niya

"Mag uumpisa na yung klase niyo.Ayaw mong pumasok?" tanong ko

"Paan--"

"Ako ng tatapos nito." prisinta ko at nagsimula ng tumakbo.Hahaha!

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa napagod ako.Baliw naman yung Jasper na yun.Pinatakbo niya nga si nerd di naman niya binantayan.

Napahiga na lang ako sa damuhan sa sobrang pagod.Biglang nagsidatingan yung mga lalakeng kasama ni Jasper at takang tinitigan ako

"Hoy nasan yung nerd na tumatakbo dito?" maangas na tanong nung isa.

"Hindi ko po alam." sagot ko

"Hindi mo na nga alam pinopo mo pa ko.Bobo." favorite word ba nila yung bobo?

"Mas bobo po kayo.Grade 10 pa lang po ako." sabat ko

Dahil sa inis niya muntik niya pa kong sapakin pero bago nun sinuntok ko na siya at umalis na para maka balik na sa room.Ioang subjects pa mandin yung hindi ko inattendan.

*
*
*
*
UWIAN NA!!

Pumunta ako sa Starsection at hinanap si nerd.Pero walang nerd na nagpapakita.Nasan na yun?

"Maria!hindi ka ba talaga sasabay saamin?" tanong ng kaibigan ko

"Hindi muna ngayon.Bukas na lang." sagot ko

"Eh mukang wala naman na yung hinihintay mo eh." kontra niya.

"Maghihintay ako dito.Umuwi ka na." sabat ko at pinauwi na siya.

(After 6 hours)

Bat wala pa rin siya?kanina pa ko naghihintay dito.Ni hindi ko man lang naitanong yung pangalan niya.Umuwi na lang ako dahil maggagabi na.Pag dating ko ng bahay nila ma'am Kiana, nadatnan ko siyang nanunuod ng tv.

"Maria?ba't ngayon ka lang?" tanong niya

"May hinintay po kasi ako." sagot ko

"Ahy oo nga pala dumaan yung isa mong kaibigan dito.May pinapasabi daw yung nerd na binubully sa school niyo." sabi niya sabay tingin saakin

"Ahmm..ano daw pong sabi?" tanong ko

"Pupunta na daw siyang states kasama ng tita niya." ano?!di man lang siya nagsabi?ano ba naman yan!hayss..laking tuwa ko dahil siyempre hindi na siya mabubully pagdating niya dun noh.Hay...thank you lord.

"Thank you po." sabi ko at umakyat na sa kuwarto para makabihis at makapaghanda na ng pagkain.

Tinext ko yung kaibigan ko.

(Buti naman sa states na siya titira.Paano mo siya nakausap?)

(Tinanong niya ko kung kaibigan ba kita.Siyempre ang isasagot ko oo.Tapos yun sabi niya thank you daw sa ginawa mo.Aalis siya kasi ayaw niya daw na madamay ka.Kaya ayan..)

(Ahh...sige thanx)

Humiga ako at inisip yung mga oras na niligtas ko siya.Goodjob Maria!hahahaha..Hanggang sa muli nerd.Magkikita rin tayo balang araw.Maghihintay ako.Maghihintay ako at tatanungin ko na kung anong pangalan mo. :)
(End of flashback)

-End of Chapter 8-

<><><><><>

Don't forget to vote!

Pls support my story!

Paki follow na rin po ako.Thanx..

A Love TriangleWhere stories live. Discover now