Hello, readers. Support me always. Guide me always. Hahahaha joke lang bes.
-messidae
---
Marami kaming magkakaibigan, at ako ang pinakamaganda, hahaha joke. Isa lang don ang pinakamalapit sa akin.
Kaso,
Bigla niya akong iniwan. Sumama siya sa iba niyang kaibigan. Kaya ako dito, nag-iisa.
"Oy Bea" tawag ko sa kanya pero di niya pa rin ako pinansin.
Pinabayaan ko muna kase baka may problema o may nagawa ba akong mali. Pero wala naman eh. Maayos naman ako sa kanya. Sumama na lang ako sa iba kong mga kaibigan at si Bea? Hindi na talaga ako sinamahan pa.
"Chandz halika na" tawag sa akin ni Mycka, isa sa mga kaibigan ko.
"Sumama ka na sa amin Bea" tawag kong muli pero tumabi na siya dun sa bago niyang kaibigan.
Masaya naman ako kay Mycka at sa iba pa pero yung pinakamalapit sa akin yun pa ang lumayo. Nakakalungkot na nakakainis.
Nauna na kami ni Mycka sa susunod naming room kasama sila Jose, mga kaibigan ko. Hindi ko magawang tignan si Bea, hindi naman niya ako pinapansin eh. Medyo nainis na ako.Kung gusto niya ng ganto, okay lang sa akin. Basta, pag iniwan siya ng mga pinalit niya sa akin/sa amin, wag na lang siyang babalik.
"Si Bea? Di na sumasama sa atin yun ah." Sabi ni Jose.
"Ewan, kasama niya yung mga bago niyang kaibigan. Ewan ko ba dun eh." Mycka.
Nagdaan ang mga araw, di na talaga ako pinansin ni Bea. Hindi lang pala ako, kundi buong barkada. Sabi nga nila, may mga taong nagbabago. Yung iba nagbabago pero mabuti ang ibanago niya, yung iba naman, nagbago para lumayo. Anong dahilan mo Bea? Di ka naman ganyan dati eh. Nagpasaya na lang ako at nag-focus sa pag-aaral.
"Guys, gala tayo! Punta tayo sa bahay nila Martin at mag movie marathon. Sino game?" Sigaw ni Paupau.
"Sa amin na naman? Pero sige na nga hahaha." Martin.
"Sama ako. Sabay ako sa ito Mycka. Bukas ba?" Sabi ko.
Nagulat ako. Gulat na gulat. As in. Bigla kasing lumapit sa amin si Bea at tumabi sa akin. Totoo ba ito? Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung magiging masaya o magagalit. Aalis siya tapos babalik kase ano? Iniwan na siya nung mga friend-kuno niya.
"May gala tayo?" Tanong niya.
Ni isa walang sumagot. Kahit ako. Nakakabingi ang katahimikan.
"Sama ako ah" nakangiting sabi ni Bea. Nagulat ako nung tumayo si Jose at nagalit....
"Sasama ka? Bakit? Iniwan ka na ba ng mga kaibigan mo? Asan na sila ha! Dun ka na sa kaibigan mo. Lumalayo ka diba? Yun naman gusto mo eh. Dun ka na lang at hindi ka na namin kailangan!" Sigaw ni Jose.
Umiiyak si Bea. Natahimik ulit ang lahat.
"Ganon ba ang tingin niyo sa akin?" Tanong ni Bea. Hindi na ako nakapagtimpi at nagsalita...
"Oo! Ganon ang tingin ko at namin sa iyo. Iniwan mo kame eh masisisi kase ikaw ang lumayo Bea for almost a month. Almost a month na na namumuo sa isipan namin kung bakit, bakit ka lumayo!" Sigaw ko hindi ko na napiligilan eh.
Napatingin sa amin yung ibang studyante dahil nasa canteen kami. Halos di namin maubos yung pagkain dahil lahat ay may galit at lungkot sa mukha.
"Sorry. I know na kasalanan ko to kaya ako na ang magsosorr-"
"Aba e dapat lang. Alangan naman kami ang mag-sorry diba? Kasalanan mo naman iyan" sigaw ni Lira.
"Alam mo? Dapat di ka na bumalik eh kasi masaya na kami. Masayang masaya na yung tipong nakalimutan ka na namin kaya ng paglimot mo sa amin!" Sabi ni Jose.
"Guys, I am so so sorry. Akala ko kase kayo ang lumalayo eh"
Fuck. Iyan lang ang dahilan mo Bea? Na halos isang buwan naming tinatanong sa aming sarili kung bakit ka lumalayo, lalo na ako. Tapos iyan lang ang dahilan niya. Mali to eh, dapat di na lang siya bumalik.
"Ang babaw mo!" Sigaw ko kaya lalo siyang naiiyak. "Sobrang babaw mo! Sa halos isang buwan yan lang ang sasabihin mo? Bea ano ka ba naman!" Dagdag ko.
"Sorry na guys. I know this is all my fault. Kasalanan ko kaya nagkakagulo ngayon ang barkada. Kasalanan ko kung bakit kayo umiiyak. Kasalanan ko. Sorry kase lumayo ako. Sorry kase ang babaw ko. Sorry na. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala kayo aa akin kasi kayo na lang ang mga tunay kong kaibigan eh. Please, lahat gagawin ko mapatawad niyo lang ako" tuloy lang sa pag-ayos ang mga luha niya. Lahat kami umiiyak na.
Nakakabinging katahimikan.
"Lahat as in lahat. Lalo na sa iyo Chandz, sorry kase napalayo ako. Sorry kase alam kong nasaktan kita. Pero alam mo bang miss na miss na kita? Kayong lahat. Miss ko na ang dating tayo"
Miss na rin naman kita Bea.
"Kaya gagawin ko ang lahat mapatawad niyo lang ako, kahit lumayo ako okay lang basta please guys, forgive me. Lalayo ako kung kinakailangan. Kahit na ano gagawin ko. At higit sa lahat, salamat. Kase tinuruan niyo ako sa maraming bagay, isa na doon ang magpahalaga. Na hindi lahat nagiistay kagaya niyo. Hindi lahat laging nadyan para sa iyo. Kaya gagawin ko ang lahat. Kahit lumayo pa ako" mahabang sabi niya.
"No, you'll stay. Sorry na rin Bea. Sorry nasigawan kita o namin. Gayong narinig ko na ang side mo, you're forgiven."
"Maraming salamat Chandz. Im sorry." Sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Namiss ko si Bea.
Ganon na rin ang ginawa ng barkada. Nag-sorry na kami sa isa't-isa at nagkapatawaran. Malaking pasasalamat ni Bea. Totoo ngang mawala na boyfriend mo, wag lang ang mga kaibigan mong totong nagmamahal sa iyo.
Friend stays together even if there's no forever.
---
Hey guys, hope you enjoy the short story. Next update ulit!
VOTE.AND.COMMENT.
-messidae
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryKung hanap mo ay maiikling storya, ito ang basahin mo. -messidae