AYOKO NA

344 8 0
                                    

-------------------------------

"AZIELLE MIRA CABANEZ!"

Napatingin ako sa tumatawag sakin, si Glace, kaklase ko sa Management Subject. "Bakit? Anong problema? Bakit para kang nakakita ng multo? Huminga ka nga muna."

"Si ano kasi...Si Gabby kasi nakikipagsuntukan!"

"Ha? " Di na siya nakasagot kasi nagmadali akong ayusin ang gamit ko "Teka! Glace, Nasaan sila?"

"SA LIKOD NG LIBRARY!" Pasigaw niyang sambit.

Nagmamadali akong naglakad papunta sa Main Library habang nag-aalala sa aking boyfriend. Hindi naman kasi siya palaaway kaya nagtataka ako bakit may kasuntukan siya ngayon.

Malayo layo din ang library kaya naman 6 minutes din akong tumakbo/lakad para makarating.

Pagdating ko ay hinanap kaagad ng aking mga mata si Gab. "Asan? Tapos na ba yung away? Wala namang tao dito." Pabulong kong sabi sabay kuha sa aking phone at nag-dial nang number niya.

Sinagot naman niya kaagad.

[Phone conversation]

GAB: Yes? 

MIRA: Yes ka diyan? Where are you?

GAB: Bakit? Busy ako ngayon.

MIRA: Nasaan ka ngang mundo, Gabriel?

GAB: Oh, chill lang! Nandito lang ako.

MIRA: Saan? Sagutin mo nga ako nang maayos!

GAB: Andito ako sa puso mo. (At nakuha niya pa talaga tumawa)

MIRA: Huwag mo nga ako pilosopohin. Pikon ako!

Tumawa lang siya sabay pinatay ang tawag.

NAKO, PATAY KA SAKIN GABRIEL!

"Nako Gabriel!" Dahil sa sobrang inis ay medyo lumakas pala ang boses ko.

"Oh bakit?" At ayun nga. Nasa likod ko pala ang makulit kong boyfriend.

Haaaay!

Humarap ako sa kanya, "San ka ba kasi..." Hindi ko na naituloy ang inis ko kasi bumulaga na sa akin ang isang tali ng bulaklak ng santan! OO SANTAN! For sure pinitas na naman niya ito sa harap ng bahay nila.

Kinuha ko, "Ano naman 'to? Peace offering?" Sabay irap ko sa kanya.

"Santan? Hindi ba halata?" Sabay tawa na naman niya na akala mo nakikipagbiruan ako.

"Baliw ka. Siyempre, alam kong santan ito. Pero bakit mo ako binigyan? May ginawa ka na naman ba na kabaliwan ha, Gabriel?" Naningkit na ang mga mata ko.

"HOY! Wala ah. Ito namang si Babe.Gusto ko kasing mamiss mo ako kapag wala ako." Tapos hinila niya ako palapit sa kanya "I love you!" Ngumiti siya pero sinagot ko lang ng kurot sa tagiliran.

I really love the way he say those words. It feels like heaven.

Then, I hugged him.

"Ganoon na lang? Yakap lang? Walang 'i love you' too?"

Tiningnan ko siya then I pinched his nose, "I love you too Mr. Gabriel Pendrasa." Then I kissed him on the lips.

Ngumiti siya at inamin sa akin na hindi totoong nakipagsuntukan siya. Kasabwat pala si Glace. Ito namang si Glace, magaling na Speech and Drama Club member din talaga.

At nanlaki na lamang ang mga mata ko dahil sa inamin niya. "Tinakbo ko simula main gate hanggang dito tapos hindi ka naman pala nakipagsuntukan?! Alam mo ba kung gaano kalayo yon ha, GABRIEL?" 

AYOKO NATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon