Madaling Araw (one shot)

636 2 0
                                    

Madaling araw na naman, ngunit gising pa rin ako kakaisip sayo. Tinitignan ko ang ating mga litrato na nagpapaalala sakin ng ating masasayang araw. Binabalikan ko rin ang ating mga pag-uusap sa aking cellphone na kahit isa sa mga text mo'y wala akong binura. Nais na matulog ng diwa ko ngunit sa twing pipikit ako'y mukha mo ang nakikita ko. Madaling araw na, sana gising ka rin ngayon. Sana iniisip mo rin ako ngayon. Sana kasama kita ngayon. Madaling araw na, may pasok pa ako, maari bang umalis ka muna sa isipan ko upang ako'y makatulog?

Mahigit isang taon na nung una kitang makita at mahigit isang taon na rin nung kita'y nakilala. Hindi ko alam pero una palang ay inis na inis ako sayo. May kakaiba sayo na talaga namang kahit itanggi ko, ay gustong gusto ko. Isang taon na ang nakalipas mula nung lubos kitang makilala. Pala-kaibigan ka pero naiinis ako sa iyong kadaldalan. Pala-ngiti ka at hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan ang mga mata mo. Nakilala kita at marami akong nalaman tungkol sayo na syang ikinagaan ng loob ko sayo. Hindi ka pa kahit kailan nagkaroon ng kasintahan, maka-Diyos ka at tunay na kaibigan. At hindi ko alam kung paano ay binago mo nalang ang buhay ko. Naniwala ako sa Diyos na sinasabi mo, nanampalataya ako't nanalig sa Kanya. Tunay ang kaibaitan mo na syang ikinahumaling ko sayo.

Naalala ko pa nung ika'y nagpasama sa akin, nilibre mo ako ng sorbetes at tayo'y masayang naglakad kung saan-saan. Sobrang saya ko noon dahil nakasama kita ng matagal. Naalala ko rin nung niyaya mo akong kumain ng Siomai sa labas ng school, iniabot ko ang bayad mo ngunit nilibre mo na naman ako. Unang beses na nanibago ako sayo ay noong tumawid tayo sa pedestrian lane, inakbayan mo ako at hindi ko alam kung bakit mo ginawa yun pero naramdaman kong ligtas ako sa aking pagtawid. Sumakay tayo ng jeep papunta sa isang lugar, muli, nilibre mo ako ng pamasahe. Noong may sumakay at nagsiksikan ay agad kang umusog paharap upang bigyan ako ng mas maluwag na espasyo. Noong pababa na tayo'y inalalayan mo ako saking pagbaba. Sa school, ikaw ang lagi kong kasama. Sabay tayo kumakain, pumapasok, umuuwi, iisa ang locker na ating ginagamit, pag wala ka ay wala ako. Masaya tayong naglalaro ng basketball kahit hindi ako marunong. Tinuturuan mo ako sa mga bagay na hindi ko pa nalalaman. Naalala ko rin nung minsang nakaupo ako sa mahabang upuan sa garden ng school, bigla kang dumating at nagsalita 'Inaantok ako' walang sabi sabi'y humiga ka na lamang at ginawang unan ang hita ko. May pasok ako nun pero pinili kong lubusin ang araw na iyon, kasama ka. Naiinip ako sa tagal mong matulog kaya napag-trip-an kita, nilagyan kita ng make-up at tahimik akong pinagtatawanan ka. Hindi ko sinasadyang pagmasdan ang mukha mo. May kakaiba talaga at hindi ko alam kung ano iyun.

Noong tayo'y nagpunta at nagbakasyon sa isang malayong lugar, lugar na walang sinoman ang nakakakilala satin ay lubos ang saya na aking nadama. Naglalakad tayong magkasama sa tabing dagat. Kahit hindi tayo nag-uusap, alam kong masaya ako. Ang dami dami nating picture na magkasama sa magagandang natawin. Eto yung mga panahon na parang gusto ko nalang manirahan sa lugar na ito, kasama ka at malayo sa mga taong nakakakilala sa atin. Naiinis ako kapag may nagkakagusto sayo, hindi ko alam kung napupuna mong nagseselos ako. Pag may sinasamahan kang iba ay talagang naiinis ako. Hindi ko alam kung paanong nangyari yun, parang may kakaiba na akong nararamdaman, eto nga ba yung tinatawag nilang selos?

Pag hindi kita nakikita sa school ay lubos ang lungkot na naramdaman ko. May kulang sa araw ko, kulang ako. Nagtagal ang araw at madalang na kitang makasama, hanggang sa isang araw nalaman kong aalis ka na. Nalaman kong meron na lamang akong walong buwan upang makasama ka. Nasaktan ako ng sobra. Napakaiksi ng walong buwan lalo pa ngayon na lumalayo ka sakin. Pero kahit na ganoon ay hindi ko na rin pinilit na makasama ka, mahirap ngunit kailangan kong masanay na wala ka. Unti-unti ay nagawa ko rin na hindi layuan ka. Nahirapan ako sapagkat nasanay ako na lagi kang nasa tabi ko, ngunit alam kong kinakailangan kong gawin yun upang hindi na ako mas mahirapan sa pagdating ng panahon.

Habang naglalakad akong mag-isa sa fifth floor ay nakita kita sa kabilang building na naglalakad mag-isa. Bigla nalang tumulo ang luha ko, mami-miss kita, nami-miss na kita. Bakit mo ba ako kinaibigan? Ako tuloy ang nahihirapan. Nalilito ako sa naramdaman ko, kaibigan lang ba ang tingin ko sayo? Maisip ko palang na ganun lang ang tingin mo sakin ay nasasaktan ako. Siguro hindi lang matanggap sa sarili ko na mahal kita, nagmahal ako. Buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaganito, nagkakagusto ako sa mga lalaki pero hindi ganito katindi tulad sayo. Maari nga ba na tawagin itong pagmamahal o kung sa paningin ng iba, eto yung tinatawag nilang infatuation? Nalilito ako sapagkat hindi ko talaga alam kung ano ka sakin, o natatakot lang ako na hindi tayo pareho ng nararamdaman. Mahal kita, kaibigan mo ako.

Sa kilos at ginagawa mo sa akin, hindi ko maiwasang di umasa na sana, kahit kaunti, may pagtingin ka din sakin. Mali man ngunit nabuyo lang ako sa pakikitungo na ginawa mo sa akin. Hindi ko na alam kung ano na ba talaga tayo. Pero sana nalaman ko ang nararamdaman mo bago ka tuluyang nawala sa akin. Kahit alam kong lalayo ka sakin, umasa pa rin ako na lagi mo akong dadalawin, hindi naman ako nabigo at pinupuntahan mo pa rin ako kahit sandali. Masaya na ako doon, sa kahit munti na lamang na oras, nakakasama at nakikita kita. Totoo nga na hindi natin alam kung ano ang itinakda, tuluyan ka nang nawala sa buhay ko. Masakit, sobrang sakit na kahit isang segundo, hindi ko na muling masisilayan ang mga mata mo. Kapatid, tanggap kong parang kapatid nalang ang turing natin sa isa't-isa wag ka lang umalis, wag ka lang mawala. Hindi ko alam kung napaglalaruan ako ng tadhana. Aking mahal, masakit ngunit paalam na. Madaling araw na, gising pa rin akong pinagmamasdan ka. Mugto aking mata dahil ang lahat sa atin ay ala-ala nalang. Hindi na ako matutulog dahil ito na ang iyong huling lamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Madaling Araw (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon