Ryosuke's POV
6:30 AM na at maaga akong nagising kasi may continuation pa ang first series ng eliminations dahil manunuod pa ako mamaya sa laban ng pinsan kong si Rui.
Habang kumakain ako ng aking agahan ay dumating sina Rinkashi at Mico.
"Uy andito na pala kayo" Sabi ko sa kanila.
"Manunuod tayo mamaya sa laban ni Rui" Mico.
"Sige ba game ako dyan" Seryosong tugon ko.
"Teka asan na si Rui?" Tanong ko sa kanila.
"Parang tulog pa ata eh.Ayaw na siguro sumama" Sagot ni Rin.
"Eh laban nya ngayon paano yan?" Pag aalala ko pa.
"Ayan na pala si Rui oh pumasok na ng shop" Sabi ni mama sakin.
"Kayong tatlo kumain muna kayo ng almusal" Yakag pa ni mama sa kanilang tatlo.
"Wag na kumain na po kami" Sagot ni Mico.
"Busog na po ako kakakain lang" Ani Rui habang hingal na hingal na pumunta rito.
"Rui andito ka na pala.Bakit parang nagmamadali ka?" Tanong ko sa pinsan ko.
"Ryosuke may sasabihin ako sayo"
"Ano yun insan?" Sabi ko sabay subo ng kinain kong steamed rice.
"May nagbabanta sayo na talunin ka" Sabi niya.
"Ano? Eh sino yang hinayupak na yan ang nambabanta sakin? Baka si Romanio na naman yan" Sabi ko habang nakakuyom ang aking mga kamay.
"Hindi si Romanio Fellini ang nambabanta sayo.Gusto ka raw makalaban ng makakalaban ko mamaya,si Zephyr Kijima" Ano? Bakit nya ako gustong makalaban?.
"Siguro prank lang yun" Biro pa ni Rin.
"Hindi basta biro to.Desperado talaga siyang makalaban ka,para makuha niya ang gunpla mo kung matalo ka at para gawin yung collection at ang mga parts ng gunpla mo ay gagamitin para sa gunpla niya" Wika pa ni Rui sakin.
"Looters pala ang damuhong yun" Mico.
"Siguro nga.Bakit naman gusto nung Zephyr na makalaban si Ryosuke kung hindi ang Strike Legacy Gundam ang pakay niya?" Sarkastikong giit ni Rin.
"May punto ka dun Rinkashi" Mico.
"So anong susunod na hakbang natin?" Tanong ko sa kanila.
"Labanan mo na lang Rui.Kaya mo naman yan eh" Rin.
"Sige na labanan mo siya para sayo at para kay Ryosuke,kahit ako di ako papayag na kunin ang gunpla ko ng kahit sino.Diba kring?" Mico.
"Kringggg!" Sabat naman ni Kring sa may balikat ni Mico.
"Sige na alis na tayo.Baka magsimula na ang tournament eh.Bye ma alis na po kami" Paalam ko pa sa mama ko.
"Sige mag ingat kayo dun mga bata" Sus di na kami bata.
*fast forward*
Sa gunpla stadium ay nandito na kami sa loob ng battle arena at nandun kami nina Mico at Rin na nakaupo sa may itaas na bahagi ng stadium,kung saan tanaw na tanaw ang malaking battle system na nasa gitna ng battle arena.
Mga ilang minuto ay may lumapit sakin na isang lalaking kulay puti ang buong buhok at mahabang mahaba ito na nakaponytail.
"Pag natalo ko ang pinsan mo,humanda ka sakin sa susunod na laban Ryosuke Hirotami." Siya pala yung Zephyr Kijima na tinutukoy ni Rui kanina.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...