ANTHONY's POV:
Kahapon pa nawawala sina Kristine,Pierre,At Nicole.
Sobrang tahimik namin ngayon.
16 nalang kami at pakaunti kami ng pakaunti.
Parang panaginip lang ang lahat at nagising nalang kami na wala na ang iba.
Out of 57 ay naging 16 nalang. Ang bilis...
Pinagmasdan ko siya habang nakikipag usap sa iba.
Ang galing niya. Pwede na siyang maging best actress dahil sa galing niyang magpanggap.
Antagal na ng panahon simula ng mangyari ang lahat....
Pero bakit hanggang ngayon hindi parin siya maka move on doon.
Pero iyon lang ba lahat ng yon?
Napatingin naman ako sa katabi niya.
Isa din to eh... Walang mag aakala na siya pala ang killer.
Pano ko nga ba nalaman ang lahat ng ito?.
Simple lang...
Palihim akong nag iimbestiga kapag nagkakaroon ng mga patayan.
At the first place akala ko hindi siya..
Akala ko noon wala silang alam..
Isang ebidensya nalang at mapapatunayan ko na ang mga haka haka ko.
Konting konti nalang...
Mabubunyag na din ang baho niyo.
Ayokong humantong pa sa kamatayan naming lahat ang lahat ng ito.
Everything happens for a reason.
Nakita ko siyang napatingin sa gawi ko.
Nginitian niya ako at nanindig ang mga balahibo ko sa naisip ko.
Parang sinasabi niya na your the next better watch out.
Iniwas ko nalang ang paningin ko.
Mga mahihinhin niyang galaw...
Matatamis na ngiti...
At maamong mukha.
Tama nga sila... Looks can be deceiving.
Akala mo mabait yon naman pala may tinatago..
"So anong gagawin natin para mahanap ang tatlong nawawala?."- tanong ni Dona.
"Huwag na natin silang hanapin patay na sila."- Malamig na tugon ni Vhon.
Napatingin naman silang lahat kay Vhon at tinignan ng nakamamatay na tingin.
"Oh..bat ganyan kayo makatingin huh?."- Tanong nito na parang hindi man lang alam ang mga pinagsasabi.
"Bat ba ganyan kayo huh? Nawalan na agad kayo ng pag asa dahil ba marami ng namatay? Ang unfair niyo!."- Giit ni Jhemaica at saka nag walk out.
"Bakit? May ginawa ba kayo nong namatay si Miguel? Hindi naman kayo nag react diba?."- sabat ni Nad.
" Kaya nga hanggang ngayon lumalaban tayo diba? Kaya nga hanggang ngayon nakikipaglaro tayo sa letcheng laro ng killer diba?! Para bigyan ng katarungan lahat ng namatay!."- Sigaw ni Marj.
"Hahah! Nagpapatawa ka ba? Nakatunganga lang naman kayo diba?."- nakangiting sabi ni Jerico na parang nakakaloko.
"Gosh! Para saan pa at nandito tayo diba? Ugh! Your so unbelievable!."- Sabi ni Dona
