CHAPTER 25: THe last supper

64 7 4
                                    

*******

JHemaica's POV:

Sa kahaba haba ng biyahe ay napagod ako ng sobra.

Bakit kaya ganon noh. Hindi naman kami naglakad papunta dito para mapagod kami pero ngayon pagod na pagod ako.

Gusto ko ng matulog nalang.

"Andito na tayo guys!."- Announce ni Nad.

Napa yehey naman kaming lahat.

Sa wakas nandito na kami.

"Woah! Its gonna be fun!."- Sigaw ni Myka habang lumalabas.

Magsa sunset na at malapit ng magdilim ang paligid.

Pag apak ko palabas ng Van ay agad sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Nang gagaling ito sa gawi ng dagat.

Tama nga si King, ang ganda dito.

Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Ang ganda!

Parang paraiso.

"Wow! Ang ganda dito!."- Sigaw ni Dona. At nagtatalon talon pa.

Pinagmasdan ko silang lahat at lahat sila ay masaya.

Ang swerte niyo..

Ang ganda ng libingan niyo...

**********

MARJs POV:

Napaka ganda...

Breath taking ang lugar na ito at sa sobrang ganda nito ay parang gusto ko ng tumira forever dito.

Well, hindi na din masama na huling hantungan nila ang lugar na ito.

Naglakad lang kami ng kalahating oras at narating na namin ang two storey na bahay.

Maganda ito sa labas at malinis tignan.

Magaling ang interior designer nila. Exterior at interior designer.

"Wow! Ang ganda talaga dito! Ang sarap manirahan dito!."- Puno ng excitement na sabi ni Dona.

Tama siya, maganda nga dito.

Pumasok kami ng bahay at kung gaano kaganda sa labas ay mas lalo sa loob.

Magiging ganito pa kaya kalinis ito kung mabahiran na ito ng mga dugo nila?..

*******

Angges's POv:

Pasalampak akong umupo sa sofa nila.

Maganda ang buong bahay pati ang sofa malambot.

I want to stay here forever.!

"Feel at home guys and btw, nakalimutan ko palang sabihin na solar lang ang kuryente dito. Medyo malayo kasi to eh kaya baka hindi tayo mag charge muna."- Malungkot na pahayag ni King.

"What?! Bat ngayon mo lang sinabi! Eh di sana nadala ko yong power bank ko!."- Exagge na sigaw ni Emely.

"Eh sorry naman po kaya nga nakalimutan diba?."- Sarcastic na sabi ni King na halatang naiinis na.

"So kailangan nating tipirin ang ilaw para hindi tayo mangapa sa dilim."- Pahayag ni Jerico.

"Yeah, so pano pala ang hati ng mga kwarto?."- Tanong ni Nad na halatang pagod na pagod na.

"Bale may 3 ditong kwarto. Iyong sa gitna ay para sa mga babae dahil mas malaki iyon, yong sa right side nila ay mga diyosa doon at sa left nila ay kayong tatlo nad, vhon at jerico."- Mahabang paliwanag ni king.

CLASS 9-A ( Section of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon