A/N:
This chapter is dedicated to
*******
DONA's POV:
Naglalakad ako ngayon papuntang kusina dahil nauuhaw ako.
Dahil sa walang kuryente dito ay pinagtyagahan ko nalang ang ilaw mula sa liwanag ng buwan.
Nanaginip kasi ako ng masama kanina kaya heto ako at kukuha ng tubig dahil sa uhaw.
Bago ka makapunta sa kusina ay dadaan ka muna sa Sala.
Naglakad ako dahil medyo madilim ay hindi ko maaninag ang ibang bagay.
Napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong tao na nakaupo sa may sofa.
Hindi ko makilala kung sino siya.
"Bat gising ka pa?."- Tanong niya.
Nabosesan ko pa siya.
"Oh ikaw pala pinakaba mo naman ako eh...Iinom lang ako ."- Sagot ko.
Naglakad ako papuntang kusina at binuksan ang fridge.
Kumuha lang ako ng malamig na tubig. Solar din kasi tong kuryente ng ref.
Pagkalagok ko sa tubig ay agad dumaloy ang malamig na tubig sa tuyong lalamunan ko.
Matapos uminom ay ibinalik ko na ang pitchel sa loob ng ref.
Pagharap ko ay agad bumungad sa akin ang taong naka pamulsa.
"I- ikaw pala...bat dika pa natulog?."- Tanong ko.
"Kasi may gagawin pa ako.."- Sabi niya.
"Ano naman iyon? Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?."- Tanong ko.
"Hindi."- Tipid niyang sagot.
"Ah ok. Sige mauna na ako."- Paalam ko.
Naglakad na ako palayo pero bago pa ako maka alis ay naramdaman ko na ang pagtusok ng malamig na bagay sa bandang likuran ko.
"Wag mo akong talikuran... Ang ayoko sa lahat ay sobrang bossy. Nakakairita."- Sabi niya.
Kahit nanghihina na ako ay nakaramdam parin ako ng paninindig ng balahibo.
"I-ikaw...ang."-
"Oo ako. Mga tanga kasi kayo eh,Naniwala kayo agad.'- sagot nito.
"Pero...b-bakit?."- Tanong ko.
"Alam mo ba kung bakit kayo ang iniwan ko? Dahil hahatulan ko kayo base sa bigat ng kasalanan niyo. Ikaw, mas magaan ang kasalanan mo kaysa sa kanila. Kaya nga papatayin na kita. Ikaw lang naman ang sumunog sa mukha ng kakambal ko.! Dahil inggit ka sa ganda ng mukha niya. Kaya ginawa mo iyon. Magbabayad ka!."- Sabi niya at hinugot at isinaksak ulit ang kutsilyo sa akin ng paulit ulit.
Hanggang kamatayan dadalhin ko ang mga ala ala natin Section A... Hanggang sa muli...
********
MYKAs POV:
Yow! Good Morning Universe! Tour tour tour na kami!
Yay! Excited much na ako!.
Dahil sa excitement ay napaaga ako ng gising.
Pagkababa ko palang ng hagdan ay ang pagkasalubong ko kay Marj na galing sa Sala.
Naglilinis pala siya dahil may hawak siyang walis tambo at pamunas.
"Good Morning Marj! Ang aga mo ata ah!."- Vati ko.
"Good Morning! Hindi naman magsisimula pa lang naman ako."- Sabi nito.
