A/N:
This chapter is dedicated to
******
jHEMAICAs POv:
Nagising ako dahil sa mabangong ulam na naaamoy ko.
Ganon din ang mga kasama ko. Halos magkakasabay kaming lahat na bumaba.
Naglakad kami papuntang kusina.
"Ohh baby baby its a wild world! Yeah!."-
Nagkatinginan naman kami ng madatnan namin si Marj na nagluluto at kumakanta pa na bahagyang nilagyan pa ng pagsasayaw.
"Good Morning guys! Umupo na kayo at kakain na tayo. Dali!."- Sabi nito at inalalayan pa kaming umupo.
I find it weird. How can she act like this when infact her bestfriend just died yesterday.
"Oh huwag niyo naman akong tignan ng ganyan. Hindi ko kayo pAPatayin. Ano ba? Kailangan nating maging masaya. Huwag niyong ipakita sa killer na natatakot kayo."- Sabi nito sa seryosong tinig.
Then bigla nalang siyang pumalakpak at nagbago ang mood na naman niya at naging masaya.
"Oh kain na tayo. Sunny side up egg, Bacon, Hotdog w/ Cheese and meat loaf with sinangag."- Masaya nitong pahayag.
"Wow! Hotdog w/ cheese!."- Sabi ni Alister.
"yes! Mukhang masarap!."- Sabi nman ni Rv at kumuha agad ng hotdog.
"Oo nga , ang sarap!."- Sabi naman ni King.
Dahil sa kanila muli kaming ngumiti at naghalakhakan.
Na lighten up ang mood namin.
"Oh, ano ang tawag sa motor na sosyal?."- Tanong ni Roger.
Napakunot noo naman kami.
"Eh ano?."- Tanong ni Nad.
"Try niyo kaya mag mag guess ang Kj niyo!"- Sabi nito.
"Mio?."- tanong ni King.
"No. Nice try."- Sabi niya.
"Spill !."- Sabi ko.
"Hindi talaga kayo matalino ...eh di ....YAMAnHA! Hahaha!."- at bumumgisngis pa ito.
Naibagsak na lang namin ang mga hawak naming kutsara at tinidor.
"Ugh! Really Roger? Anong nakain mo?."- Tanong ni Angge.
"Ha. Ha. Ha.."- Sabay naming tawa ni Nad nad na ikinatawa naman ng iba.
"Okay lang yan Roger naiintindihan ka namin."- Sabi ni king at pinat pa ang kanyang balikat. Na mas lalo pa naming ikinatawa
"Ang bad niyo talaga. Sabihin niyo na lang na hindi talaga kayo matatalino. Tsk!."- Nagta tuntrums na sabi ni Roger.
Tinawanan na lang namin.
"Guys bakit tayo nandito?."- Tanong ko.
"Para mag vacation?."- Tanong na sagot ni Myka.
"Tama. At ano ang ginagawa sa vacation?."- Tanong ko.
"Uhm..nag eenjoy?."- Tanong na sagot ni Marj.
"Yes tama! So magpi picnic tayo ngayon.!."- Pahayag ko.
Nag agree naman sila at nag sitalunan sa tuwa.
*********
Nandito kami ngayon sa sea shore.
Naglatag kami ng tela at doon nilagay ang mga pagkain namin.
Nag iihaw ang mga lalaki samantalang ang mga Dyosa daw ay naglalgay na ng sun block sa katawan nila.