JHEMAICAs POV:
Nakatulala kaming nakatingin sa bangkay ni Marj na nakabalot na ngayon ng puting kumot.
"Sino sa atin ang sa tingin niyo ang pumapatay?."- Tanong ni Emely.
Wala akong lakas para magsalita. Parang kanina lang magkausap lang kaming dalawa .
"Sino bang mas malapit sa biktima ng oras na iyon?."- Tanong ni King.
"Posibleng si Angge dahil siya ang sumigaw at unang nakakkita ng bangkay."- Sabi ni Rv.
"Anong ako?! H- hindi ko siya pinatay!."- Sabi ni angge.
"Posible. Pero malamig na that time si Marj kaya imposible namang in a span of how many minutes ay nagawa ng patayin ni Angge si Marj."- Paliwanag ni Roger
Tama naman. May point siya pero may mali parin eh.. Basta may anggulo na hindi tumutugma.
"Pwede din namang si Myka diba? Kasi nasa terrace siya kaya maaaring bumalik siya sa terrace matapos gawin ang krimen."- Sabi ni Jerico.
"Ano? Ako?! Baka kayo ni Vhon kasi nasa kabilang kwarto lang kayo at pwede kayong dumaan sA likod kung saan may bintana diba?."- Inis nitong sabi .
Nagsimula na silang mahsabihan ng mga kuro kuro nila.
"Ano ba?! Tumigil na nga kayo! Hindi kayo nakakatulong eh!."- Sigaw ko.
Napatahimik naman sila. How dare them na hindi man lang igalang ang pagkamatay ni Marj?
Nag iinit ang ulo ko. Lalo na ang pumatay sa kanya. Walang puso!
Napatingin kaming lahat kay Nad na naglakad papuntang kusina. Pagdating niya ay may dala na siyang mga kutsilyo.
"Kumuha kayo ng isa. Dalawang kwarto nalang ang gagamitin natin. Ang kwarto nila Alister at kwarto namin. Lilipat nalang kayo. Ako, si Alister, King, Emely at Angge ang sa kwarto namin. Sina Vhon,Jerico,RV,Myka,Jhemaica at Roger sa kabilang kwarto. "- Suggest nito.
Tumango naman kaming lahat at kumuha na sila ng kani kaniyang patalim nila. Naiwan sa gitna ng lamesa ang isang patalim.
Napatingin sila sa akin. No way! Ayokong humawak ng patalim . Dahil kung hahawak ako ay wala na akong pinagka iba sa mamamatay taong iyon.
"Jhemaica kunin mo na.Kailangan mo iyan ."- Sabi ni Nad.
Napatingin naman ako sa kanya. At dahan dahang umiling.
"Haist! Ang tigas ng ulo ."- Sabi nito at kinuha ang kutsilyo at inilagay sa kamay ko.
"Gamitin mo iyan kapag kailanganin mo.For your safety ."- Sabi ni Nad.
Tumango naman ako at kinuha nalang ito.
Wala ng naghapunan sa amin dahil wala kaming gana. Umakyat na ako sa kwarto kasabay ang mga kasama ko.
Humiga ako sa isang kama na double deck. Nasa malapit sa pintuan sina Jerico at Vhon para magbantay sa amin. Humiga na din sina Rv at Roger sa kabilang double deck at sa may center bed ay mag isa si Myka.
Ayokong matulog pero ewan ko ba parang hinihila ako ng pagkatulog ko ...
Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakatulog na.
*********
Nagising ako dahil na iihi na ako. Ano ba naman tong puson na ito hindi makapaghintay.
Kahit medyo natatakot ako ay bumaba pa din ako. Sira kasi ang banyo sa kwarto na ito.
Wala akong ginamit na flashlight dahil wala ng charge ang phone ko at Medyo maliwanag naman dahil sa bilog na buwan.
Napatigil ako sa paglalakad ng may maulinagan akong boses na nag uusap.
