"Maghihiwalay din yan kung hindi sa 23 sooner or later maghihiwalay padin yan."
Yan ang motto namin ng mga kaibigan ko kapag may nakikita kaming magjowang naglilingkisan sa public areas lalo na sa eskwelahan namin. Hindi na mahiya eh, sa public pa naghahasik ng kung ano man.
Bitter na kung bitter but that's the truth. Naranasan ko na kasi yan sa mga past boyfriends ko. Naranasan ko ng maging tanga nakita niyo naman siguro kung gaano ako naging tanga kay Chado before.
So ayun na nga, kanina lalo akong nabitter dahil may event sa school namin dahil "Love Month" daw kasi kaya may pakulo yung Student Council sa school. Syempre ang tema Love. Lalo akong nainis dahil sa SSC President, Oo, yung damuhong lalaking yun ang may pasimuno ng kakornihan na event na to. At ginawa pang mandatory yung event, kaya required kaming pumunta.
Sa loob ng gymnasium, nandun lang ako sa sulok, like duh? ayokong dumikit sa mga magjowang sobra kung maka-PDA. Syempre kasama yung mga kaibigan kong bitter din.
Napagdesisyunan namin na manghula kung kailan magbibreak yung mga nakikita naming magjowa sa loob ng gymnasium. Nakagawian na namin yun tapos yung mga hula namin 99.99% accurate kasi magugulat nalang kami hiwalay na sila.
"Ay, nakikita ko na maghihiwalay 'tong dalawang 'to bukas na bukas din." sabi ng isa kong kaibigan.
"Ito ngayong gabi na maghihiwalay." sabi ng isa pa.
Ako naman naghahanap ng mabibiktima, hanggang namataan ko yung damuhong lalaki na yun na may kasamang babae. Mukhang nag-aaway.
"Yung SSC President natin atsaka yung girlfriend niya maghihiwalay ngayon din." sabi ko habang nakatingin parin sakanila na ikinatingin din ng mga kaibigan ko. Hanggang sa...
/slap
"Let me explain babe. Nagkakamali ka ng inaakala hindi kami magkakilal--"
"SHUT-UP! ANONG HINDI MAGKAKILALA? KAYA PALA SOBRANG DIKIT NIYO SA ISA'T-ISA? MAGBREAK NA TAYO, DUN KANA SA BABAENG YUN!!"
"Babe, please let me explain."
"BITAWAN MO AKO. DON'T TOUCH ME!!"
Nagkaroon ng commotion sa loob ng gymnasium. At kami ng mga kaibigan ko, nagtatawanan kasi tama na naman ako sa hula ko.
Habang tumatawa, napatingin ulit ako sa damuhong yun. And to my surprise nakatingin siya sakin. Galit. Anong ginawa ko sa lalakeng to?
Uwian.
Hanggang ngayon, usap-usapan padin yung hiwalayan nung damuho at ng girlfriend niya. At ako naman, masaya ewan ko ba.
Habang naglalakad, biglang may humigit sakin.
"OMG, PLEASE WAG, KAILANGAN PA AKO NG MGA MAGULANG KO. MAY PANGARAP PA AKO. WAG!" sigaw ko with matching cross sign pa.
"As if namang gugustuhin kitang gawan ng masama tss." napamulat ako nung marinig ko yun. Yung damuho lang pala.
"Shit. Takte, akala ko mamatay na akong virgin. Ano bang kailangan mo ha!?"
"Its all your fault!" napaengrish ang kuya niyo.
"What? Anong its my fault? Ano bang ginawa ko sayo?"
"We broke-up because of you! Kasalanan mo lahat 'to kung bakit kami nagbreak."
"Hoy nanahimik ako dito tapos ako yung sisihin mo? Alam kong maganda ako pero wala akong alam sa pinagsasabi mo!"
"Naalala mo ba yung nagkasabay tayo sa jeep? Yung nakatulog ka sa balikat ko?"
"Oh tapos? Connect nun sa paghihiwalay niyo?"
"Tangina naman, nandun yung kabarkada niya, nakuhanan tayo ng picture na ganun yung picture!"
"Oh anong gusto mong gawin ko?"
"You should explain everything to her. Para magkabalikan kami. Thats it"
"Eh paano kung ayoko?"
Bigla siyang may inilabas na pictures sa bulsa niya. Yun yung picture kung saan nagvandal ako sa likod ng school namin.
"HOW DID YOU GET THAT. GIVE IT TO ME ASSHOLE!!" I tried reaching it, pero masyado siyang matangkad.
"I'll post this pictures kung hindi mo ako tutulungan. But if you will help me, I'll burn this thing down."
"..."
"Take it or leave it?"
"Kailan ako magpapaliwanag sakanya?"
"Madali ka naman palang kausap eh. Bukas sa canteen"
At doon na nagsimula ang pagbabago ng college life ko.