Dekada

717 8 0
                                    

Maraming maaring masabi sa SEGUNDONG dadaan
Maraming maaring mangyari sa MINUTONG makikiraan
At maraming maaring magwakas sa ORAS na lilipas
Magwakas na baka yun ay atin

May matatapos at magsisimula sa ARAW na paparating
May matatapos at magsisimula sa LINGGONG sa wakas ay matatapos din
May matatapos at magsisimula sa BUWANG iniyakan natin
Iniyakan natin sa dahilang tayo ay malungkot at masaya

May lilisan at dadating sa TAONG gaganapin
Ngunit akoy laging dadating at hindi ka lilisanin sa DEKADANG magiging atin

Spoken Word Poetry (Wattys 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon