Train's POV
"Tangina mo Train, ang gulo ng buhay mo!" Natatawang sabi sakin ni Kleavan. Kasalukuyan kaming nandito sa C and C.
"Akala ko nga dati Claire lang e, hindi ako na-inform, Hannah Claire na pala." Mapang-asar na wika ni Iñigo. "Fucker ka talaga dude." Sabay hampas sa abs ko.
"Kung alam ko lang nga na pupuntahan ka ni Hannah, baka kinadena ko na sya sa kwarto nya." Seryosong sabi naman ni Zac. "Train, pare, ingatan mo ang kambal ko. Dahil sa susunod, sisiguraduhin kong kahit ang anino ninyo hindi magtatagpo."
"I know Zac." I don't know that I am capable of loving someone this much.
"How about Claire, Train? What are your plans?"
"I already clear myself to her. No more chances of winning. Wala ng pag-asa na mapasakanya pa ko."
"Bud, mahal mo pa ba si Claire?" Seryosong tanong ni Clint. "Kasi kung mahal mo pa si Claire, pakawalan mo na lang ang utol nitong si Zac. Buntis pa naman, baka makasama."
Mahal ko pa nga ba si Claire? Ilang saglit kong pinakiramdaman ang sarili ko, pero dati pa lang ay sigurado na ako. Si Hannah lang talaga, mi amour.
Magsasalita na sana ako nang may makita akong pamilyar na figure na papasok sa bar. Hannah? Anong ginagawa nya dito? Damn! Hindi ba nya naalala na buntis sya?
Agad-agad akong lumapit papunta sa kanya, inilang hakbang ko ang distansya namin hanggang sa tuluyan kong mahawakan ang braso nya.
"Hannah." May diin kong sabi. "What are you doing here?!" Tanong ko habang inaalalayan ko sya papalabas ng C and C. "Nakalimutan mo bang buntis ka?!" Nilingon ko naman si Berlin na tahimik lang na pinapanood kami. "Isa ka pa Berlin! Sana man lang pinaalalahanan mo itong kaibigan mo!"
"Shut up Train..."
"Anong shut up shut up Hannah, hindi mo ba alam kung ano ang pwedeng mangyari sayo kapag nagpunta ka sa mga gantong lugar?! Papatayin mo ba ako sa pag-aalala?!"
"Pare..." At ang mga hinayupak kong kaibigan sinundan pala ako.
"Zac, ikaw na ang magpaliwanag kay Train. Mainit masyado ang ulo." Naiiritang wika ni Hannah. At sya pa, ano?!
"Train, pare."
"Ako na ang magkakadena dito sa utol mo Zac."
"Train listen. Hannah owns this bar. Nothing to worry about." And with that, my jaw dropped!
"Truelalu yun Train. Si Hannah ang may-ari nitong C and C."
Ilang sandali akong natahimik..
"What the fuck?! Sa dami ng pwedeng business Hannah, club talaga?! Sana sinabihan mo ako na gusto mong magbusiness ako pa ang magpapatayo para sayo, but club?! Remind me that I am gonna turn this club down."
"Hell no Train. Magagalit sayo si Baby Mony!"
"Baby Mony?!" Takang tanong ko sa kanya.
"Baby monster yun pare." Natatawang sabi ni Zac. Monster?!!
"Parang ikaw. Monster sa lahat ng bagay. Hehe" kung hindi lang ako gandang ganda dito kay Hannah baka naku! Haay, hindi ko kayang magalit sa kanya matagal. Lalo na kapag nagsimula na syang mag make-face. "Kasi naman babe, lagi kang beast mode. Tignan mo lang ngayon, beast mode na beast mode ka. Chill amour."
"H'wag mo akong libangin Hannah. Please lang. Wag mong paganahin yang katigasan ng ulo mo."
"Eh bakit ikaw? Lagi mong pinapairal yang katigasan ng ulo mo kapag solo mo ako?" Sabay turo nya kay Tonyo.
"Gaga, ibang ulo na naman nasa isip mo!" Natatawang sabi ni Berlin. "Namumula si Train oh."
Ngayon ko lang naramdaman na nag-iinit ang mukha ko! Jusko!
"Let's go home Hannah. We'll talk." Seryosong sabi ko sabay akbay sa kanya.
"Uy home agad. Hashtag, mag-asawa o nag aasawahan?"
"Walangya ka Berlin!" Hindi ko malaman kung matatawa ako o maiinis sa mga kaganapan ngayon.
Si Hannah ang owner ng C and C, tapos kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig nitong mga kaibigan namin.
"Anyway Train." Seryoso ang tono na sabi ni Hannah. "Kaya ko lang naman ginawang business to simply because I want to guard you. Instead of going to I don't know the club name, go here. At least alam ko kung sino ang ibaban kong babae."
And with that, lahat ng inis at galit ko ay parang bulang naglaho.
Agad kong siniil ng halik ang malambot nyang labi at niyakap sya ng mahigpit ngunit may ingat. "I love you Hannah." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nilingon ko ang mga kaibigan ko para magpaalam na. "Una na kami mga pare."
Tinanguan nila ako. Pero bago kami tumalikod na muli ay biglang nagsalita si Clint.
"Bud, alam ko na ang sagot sa tanong ko kanina. Pag-uwi nyo, galingan nyo. Baka maging kambal yan."
#GagawaNgKambalOGagawa?