"You Don't Own Me"

7K 287 20
                                    

"You Don't Own Me."

"Paano mo nalamang nasa kanila Renz ako?" Tanong ko kay Arix. Kalma lang Cj, huwag kang magpahalata sa saltik na 'to na halos mamatay ka na sa takot sa kanya. Bulong ko sa isip ko.

Hindi ko nga namalayan kung paano niya ako naisakay sa loob ng kanyang Ferrari. Basta paglabas ko ng gate ay kinaladkad na niya ako palayo sa bahay nina Renz. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa mga ito.

"Anong ginagawa mo kina Renz? Bakit ka pumunta dun?" Mariing tanong sakin ni Arix. Kahit hindi na siya sumisigaw sa akin ay ramdam ko pa rin ang matinding galit niya.

"Huwag ka ngang magalit dyan. Hindi ka nakakatuwa, alam mo ba iyon?" Sabi ko. Hindi ko pwedeng sabayan ang init ng ulo ni Arix kaya lang nakakabanas na talaga siya.

"Answer me Cejs, just answer me! Anong ginagawa mo sa bahay ng Renz na yon? Anong ginawa niya sayo? Anong ginawa nyo?" Pulang pula ang mukha ni Arix sa subrang galit. Teary eyed din siya sa subrang inis niya siguro. Grabe, ganun siya ka affected na magkasama kami ni Renz?

Sasabihin ko ba sa kanya ang tunay na dahilan? Kaya mo ba Cj? Gawin mo kesa nasasaktan ka nang ganito, tulak ng isip ko sa isip ko rin.

Haysssst...nilakasan ko ang loob ko. Bahala na. I sighed muna bago nagsalita.

"You're asking me kung bakit na kina Renz ako? Gusto mo bang sabihin ko talaga ang totoo?" Huminga muna ako nang malalim. Humugot ng lakas ng loob. Sige lang Cj, sabihin mo na, push ng utak ko.

"Wala kaming ginagawa ni Renz, pumunta ako dun kasi, I'm hurting Arix.." tuluyang namasa ang mata ko, parang nabikig ang lalamunan ko ng sarili kong laway. "I'm hurting dahil alam ko ang tunay na dahilan kung bakit kayo makikipakita sa family ni Meagan. They're pulling you away from me, Arix. I want you to stay with me forever pero impossible iyon. Hindi ko kayang maghintay sa bahay para lang dumating ka at ibalita mo sa akin ang nagpagkasunduan ng family nyo para sa inyong dalawa. Natatakot ako na sasabihin mo sakin na ikakasal kayo sa ganitong date. I'm dying inside Arix, ang masakit, wala talaga akong magagawa." Tuluyan nang pumatak ang luha ko.

Hinarap ko si Arix. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. "Ikaw, bakit galit na galit ka kina Renz at Ford kahit wala naman silang ginagawa sa akin?" Tuloy lang ang pagpatak ng luha ko.

Nakipagtitigan sa akin si Arix. Hindi kaagad siya nagsalita kaya ilang minuto ko ring hinintay ang sagot niya. Ilang beses muna siyang lumunok. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakahawak sa mukha niya.

Hindi bumibitiw ang mga mata namin sa isa't -isa.

"Because you're mine Cejs, only mine. Kahit sinong kumuha sayo sa akin ay mapapatay ko talaga." Kitang kita ko sa mata ni Arix ko paano niya minimean ang sinasabi niya. Seryoso siya.

Napalunok ako. Iyon lang ba ang dahilan? Dahil sa pag-aari niya ako? Ayaw ko, ang babaw masyado ng dahilan niya. Magkanu lang ba ang naibayad na niya sa akin para sabihin niyang pag-aari na niya ako?

Inalis ko ang kamay ko sa mukha niya. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero mahigpit ang hawak niya dito.

"You don't own me, Arix. O kahit na nang kung sino mang poncio pilato. I own my own life." May galit sa boses ko.

Mas humigpit ang hawak ni Arix sa mga kamay ko.

"Kung kukunin ka nila sa akin, mamamatay ako." Sabi ni Arix sa akin. "Mas mabuti pang patayin na lang nila ako." Garalgal ang boses ni niya. Nahinto ang pagbawi ko sa mga kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"But why?" Sabi ko. Ayoko ko nang mag-isip pa ng iba. Gusto ko lang marinig ang gusto kong marinig. Nagdadasal na sanay sabihin niya ang gusto kong marinig.

"Cejs...hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Believe me. Sanay na akong na nandyadyan ka sa buhay ko." Pinunasan niya this time ang luha sa mata ko.

So, that's it. Dahil sanay na siyang nasa buhay niya ako? Iyon lang ba talaga ang reason niya?

It's so unfair...dahil sanay na siyang nasa buhay niya ako ang tingin niya'y pag-aari niya ako.

"Paano kung ayaw ko na?" Tanong ko kay Arix. Kaya lang ako mismo ang natakot sa sarili kong tanong.

"What do you mean?" Mas humigpit pa lalo ang hawak ni Arix sa mga kamay ko. Napadaing ako pero hindi niya ako pinansin. "Paanong kung ayaw mo na? Paki-explain mo nga?" Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, kita ko sa mga mata niya.

"Ayaw ko nang ganito." Mariin kong sabi."Bitiwan mo ko. please." Paki-usap ko sa kanya.

Lumuwag ang hawak ni Arix sa mga kamay ko. Hanggang sa tuluyan niyang bitiwan ang mga iyon. Kitang kita ko ang pamumula ng kamay ko. Lalo akong naiyak. Hayssst, ang tanga tanga ko, ito ang kinatatakutan ko. Paano kung si Arix ang tuluyang bumitiw sa akin? Paano kung siya ang umayaw sa akin?

"I don't like this either, Cejs." Pabulong lang ang pagkakasabi ni Arix nito. "Fix yourself, iuuwe na kita. Baka naghihintay na si mama sayo, ang alam niya susunduin lang kita." Ang cold nang boses ni Arix.

Bakit ganun? Gusto ko lang naman sabihin niya sa akin na mahal niya ako. O baka nga hindi niya ako mahal? Siguro'y nasanay lang siyang nasa buhay niya ako. Grabe, ang sakit lang, nakakapagod.

Hindi ako nagsalita...tumango lang ako sa kanya para alam niyang narinig ko siya. Pinahid ko ang mga luha ko ng likod ng mga palad ko. Hinaplos haplos ko ang namumula kong pulsuhan.

Naramdaman ko ang paghawak din ni Arix sa mga ito. Iba na ngayon, wala na ang diin. Banayad lamang ang pagdaiti ng mga daliri niya sa balat ko. "Sorry..." Sabi niya habang hinahaplos ang namumula kong balat. Kinuha niya ang panyo niya at ibinalot sa pulsuhan ko para maitago siguro ang pamumula nito.

"Arix..." Sabi ko. Napatingin siya sa akin."Mahal..kita." Kaso sumabay ang pagtunog ng cellphone niya. Sigurado akong hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Yes, Meagan. Give me fifteen minutes. Pupuntahan kita dyan. May ihahatid lang ako." Sabi ni Arix.

Napahigpit ang kapit ko sa seatbelt, inunbuckle ko ito.

"Maglalakad na lang ako. Hindi mo na ako kailangang ihatid." Tinanggal ko ang panyong nakapulupot sa pulso ko. Binuksan ko ang pintuan at saka mabilis na bumaba ng kotse ni Arix.

Hindi niya ako pinigilan.

Si Renz...gusto kong bumalik sa bahay nina Renz...kailangan ko ng kakampi.

Unedited : lame update (haha)

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon