•Patience

4.3K 121 0
                                    

"Naniniwala na ako sa'yo aling perla."

Naka panumbaba lang ako sa mesa sa kusina. Sabay kaming kakain.
Maaga syang matutulog ngayon pero ako? Gusto ko nga gumawa ng pag babago diba? Kaylangan yung mga nakasanayan ko iibahin ko narin. Sige na mag sasacrifice na ako para lang sakanila at hindi na para sa sweldo okey?

"Basta tandaan mo lang. Kaylangan mo silang pag pasensyahan."

Saka nya pinatong ang ulam naming sinigang sa harap ko at dali dali akong naupo ng maayos at kumuha ng plato sa gilid ng mesa.
Masarap talaga mag luto si Aling perla mula palang noon nung nag hahatid sya sakin ng ulam pag wala akong ulam sa bahay.

"Aling perla, lagi akong nag papasensya. Para akong kandila na pilit nilang nilulusaw para bumigay."

Napalalim ata ang paliwanag ko. Anyway kanina pag labas ko ng kotse ni Bryon at halos hihimatayin na ako at ramdam ko ang pagka putla. Dagdag pa itong si Daemon na pilit akong pina reresign bukas. Hello? Imposible noh.
Chaka anong karapatan nyang utusan akong umalis? Hindi naman sya ang tumanggap sakin.

"Eh kung mahaba ang pasensya mo, edi bahala ka mag tiis. Basta ako? Nako kilala ko lang sila sa pangalan at hindi sa lahat ng bagay maliban sa mga madaling mapansin sa kanila."

Saka sya sumubo samantalang ako, nakanguso lang ako habang nakatingin sa kanya. Ano nga bang pinu problema ko? Ah oo kasi napaka kukulit nilang lahat.

"Bakit ba kasi hindi sila mag matured?"

Syempre dahil spoiled sila mula noon. At oo sinagot ko ang tanong ko. Alam kong na istress din si Aling perla dahil ginagawa ko syang takbuhan pag aping api na ako at sa kanya ko tinatanong yung mga bagay na hindi naman nya alam.

"Wala ba silang mga girlfriend?"

Siguro naman meron diba? Sa gwapo nila imposibleng wala.

"Ewan ko! Wag mo nga akong tinatanong dahil hindi nga  ko alam."

Opo. Sorry na po. Wala sa mood si aling perla para chismisin ako ngayon, dahil siguro sa marami syang labahin o nakakasawa na talaga akong kausap.
Nag umpisa narin akong sumubo ng pagkain nang mapalingon si aling perla sa plato ko.

Tinaasan ko lang sya ng kilay ng may halong pag tataka sa itsura nya.

"Bakit po?"

Saka ako muling sumubo.

"Para kang lalaki kumain ha! Isang buong plato. Grabe itong batang ito."

Ito kaya ang tunay na babae.
Chaka sa mga nangyari ngayon wala ng mas- sasarap kundi kumain. Ito nalang ang takbuhan ko pag wala si Aling perla o kaya naman problemado na ako.
Heaven 'to para sakin.

"Stress lang po ako."

Mahinahon akong sumubo pero napaka laking kanin naman ang sinubo ko at muntik pa akong mabulunan. Agad akong inabutan ni Aling perla ng tubig at hinimas ang likod ko.

"Mag papakamatay ka nabang bata ka?"

Pasensya na. Nadala lang.

Pag katapos kumain nag hiwalay na kami ng daan ni aling perla. Buti pa sya matutulog na samantalang ako iccheck ko pa kung tulog na ang pitong halimaw.
Una kong nilapitan ang pinto ni Vicku nang bigla kong naalala ang nangyari lang kanina. Kung paanong nahuli nya ako at nasalo nya nung muntik na akong matumba. Hindi ko mapigilang mapasabunot sa buhok ko habang nakatayo sa harapan ng pintuan.

"Nanjan ka nanaman." 

Natigil kahit na ang pag hinga ko ng dahil sa narinig ko.

Si vicku nanaman ba yun? Unti unti akong lumingon sa harapan ko at ngumiti. Hi Vicku. Nakakahiya? Oo! Nakakahiya. Sa pangalawang pagkakataon nagawa nanaman nya akong mahuling nakatayo sa harap ng pintuan nya.

Halatang matutulog na sya. Kita sa puting
Tshirt at makapal nyang grey pajamas pati na ang pambahay nyang tsinelas na kulay itim. Kaylangan ba mag kakasunod ang kulay? Ganun?

"Matutulog kana ba?"

Pinipilit kong mag palusot habang nakatayo sya sa harapan ko at naka krus ang mga braso.
Unti unti akong umatras mula sa harap ng pintuan. Ito nanaman tayo Riley. Binuksan nya ang pintuan habang nakatayo ako sa gilid.

Isasarado na sana nya pero muli nya itong binuksan at tumingin sakin.

"Hindi na ako bata para sabihan kung anong oras ang pag tulog."

Masungit nanaman sya. Pumasok sya ng kwarto at mahinahong isinarado ang pinto. Naiwan nanaman akong nakatunganga doon gaya lang nung umaga. Tapos sino naman ang susunod na kakausap sakin? Si Daemon gaya kanina?

"Bonsai."

Aaarrgg ang galing mo talaga mang hula Riley. History repeats itself nga naman. Lumingon ako sa kanya na nag lalakad papalapit sakin kalalabas nya lang ng kwarto nya at bagong paligo. Kita narin sa buhok nyang basa pa.

"Ano?"

Tumayo lang sya sa harap ko. At napaka tangkad nya halos hanggang dibdib lang ako.

"Mag reresign kana ba bukas?"

Ngumiti sya sakin at sa mga oras na yun. Gusto ko syang sapakin. Pero hindi ko na gagawin dahil baka wala na akong matuluyan ngayong gabi pag hinagis nya ako palabas.

"Hindi pa."

Bakit ba ako sumasagot? Diba dapat wala syang pakialam dun?

"Kung ganun. Sumama ka sakin."

Saka sya lumakad papunta sa harapan ng pintuan nya. Naiwan parin akong nakatayo sa gilid ng pinto ni Vicku at nag tataka kung ano sinasabi nya.
Tinuro ko ang sarili ko saka ako muling tumingin sa kanya.

"Ako?"

Ano namang gagawin ko dun?

"Kaya kong bayaran ang sahod mo ng ilang minuto lang."

Jusko! Anong gagawin nya? Napayakap ako sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. Lumapit sya sakin at pilit na hinihila ako mula sa kwelyo ng damit ko.

"Ayoko! Ayoko nga!"

Pinipilit nya akong hilahin papuntang pintuan na hanggang sa nag silabasan ang iba nyang kapatid dahil sa lakas ng sigaw ko.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon