~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CLINTONDATE HIGH SCHOOL
HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO YOU~
Yan ang mga naririnig ko sa paligid ko. Hindi ko alam kung anong meron, hindi ko alam kung sino ang may kaarawan ngayon. At kinakantahan nila. Pero bakit kailangan nandito ako? Anong kinalaman ko dito?
"HAPPY BIRTHDAY, KARA! surprise"
Anong ibig sabihin neto?
"Nagtataka ka ba kung bakit andito si Felicity sa harap mo, Kara? Well, let's see kung bakit nga ba." sabi nila habang dahan-dahang lumalapit sa akin.
Eto na naman ba sila? Ano na naman bang balak nilang gawin sa akin? Hindi pa ba sapat ang pinag-gagagawa nila saken simula last year? Kulang pa ba 'yun?
"Pakawalan niyo na 'ko, please lang." pakiusap ko sa kanila.
Pilit akong nagpupumiglas, pero ayaw nila akong pakawalan. Kung lalaban man ako ay hindi ko kakayanin. Masyado silang madami para labanan ng isang katulad ko. Hanggang sa tinulak nila ako para mapaluhod.
"Let the show begin." panimula ni Fiona.
Fiona: Step one, crack the eggs.
Sabi nila sabay bato ng itlog sa ulo 'ko. Hindi lang isa ang binato nila, kundi nakatanggap pa ako ng 2 itlog na sunod-sunod.
Chelsea: Step two, put some flour.
Hindi pa sila nakuntento at pinaliguan pa nila ako ng harina. Kung susuriin isa itong magandang klase ng harina.
Jusko, hindi ba sila nanghihinayang sa harinang 'to? Palibhasa kasi mga may kaya. Kaya okay lang sa kanila na mag-sayang ng mga ganitong klase ng pagkain.
Emily: Last step, it will not be complete without some sauce.
"Tada~ here's your finished cake, Kara!"
Kara: Sayang, walang kandila. Pero salamat bitchfriends. I do really appreciate your efforts.
Really? Nagawa pa nilang magsaya.
*Kriiing!~ Kringggggg!~* hudyat na 10 mins. na lang magsisimula na ang klase
"Come on, girls." umalis na sila.
Habang ako, nandito naiwang mag-isa. Minsan natatanong ko sa sarili ko? Ano bang nagawa ko sakanila at kailangan nila akong parusahan ng ganito? Pero wala na 'kong magagawa. Siguro may mga tao talagang kahit anong gawin mo hindi ka magugustuhan.
Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa banyo para lang masigurado na hindi na mabaho yung ulo ko. Pero kahit anong gawin ko, ang baho pa din e.
"Sht, ilang beses na 'kong nagbanlaw pero bakit ayaw pa din matanggal? " pasigaw kong sabi.
Ni hindi ko alam kung ano ang susuotin ko, hindi ko naman pwede nang suotin yung uniform ko dahil masyado nang madumi at mabaho dahil sa kung ano-anong pinaligo nila sa akin kanina. Pe uniform kaya? Kahit na nagda-dalawang isip ako, nauwi pa din ako sa pe uniform.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room, lahat sila nakatingin sa akin.
"Ang baho."
"Naaamoy niyo ba 'yun?"
"Anong klaseng amoy ba 'yun?"Hindi 'ko na lang sila nilingon. At dumiretso na sa upuan ko. Inilapag ko muna yung uniform ko sa sahig at umupo na.
"Masyado bang mabaho? Ilang beses kona siyang binanlawan pero ayaw pa din matanggal ng amoy e."
YOU ARE READING
Missing halves
Mystery / ThrillerBrent International School is the most prestigious schools in Manila. And Felicity is the most popular girl there. Meanwhile, her identical twin Serenity is living in orphanage and is being bullied at school. Then one day, Felicity mysteriously diss...