TANSAN (One Shot Love Story)

2.9K 62 58
                                    


TANSAN Love Story

 

Love story? Love story ba ang hanap niyo? Meron akong love story pero ewan ko lang kung magugustuhan niyo. Bahala na. Flash back...


Lahat ay nagsimula sa isang tansan ng coke. Mainit ang ulo ko nung araw na 'yon, nasibak ako sa trabaho, eh mainit din kasi yung ulo nung boss ko 'nun kaya konting mali lang nung nagawa ko, isang iglap, bigla niyang sinabi, "You are fired!" Oh di ba kakabadtrip? Pagkatapos 'nun, dumiretso ako sa isang karenderya para kumain ng pananghalian. Umorder ako ng coke at binuksan nung ale sa harapan ko, at talagang sa harapan ko pa? Whattaaa! Umalis yung nag-serve, bigla kong kinuha yung tansan at dahil sa inis, naibato ko at aksidenteng natamaan ang isang babaeng kumakain din. Napa-ouch siya, tumayo at humarap sa akin, ang taas ng kilay pero hindi ko maitatanggi na napakaganda niya, kahawig ni Angel Locsin, magsosorry na sana ako kaso pinulot niya yung tansan at binato pabalik sa akin. O di ba ang bait!? Natamaan yung noo ko. Tumalikod yung babae at bumalik sa pagkakaupo. Pagkahawak ko sa noo ko, napasigaw ako, "DUGO!" Napatingin siya sa akin at lahat ay nagtinginan sa akin. Lumapit ako sa kanya, "Ikaw, ikaw ang may gawa nito!" Sumagot siya, "Eh ikaw naman ang nauna!"

 

Nagsagutan na kami.


"Ipagamot mo ako! Kailangan ko magpahospital, mamaya may sumabog na ugat!"

 

"OA! OA mo pre!"


"Aba-aba close? Pre na agad?"

 

"Wag ka ngang pilosopo at eksaherado, malayo yan sa bituka!"


"Idedemanda kita!"

 

"O siya siya, eto band aid."


"Ito lang?"

 

"Bakit anong hinihintay mo, pera???"


"Oo, ipapagamot ko 'to."

 

"Pwes wala akong pera. Ito pa..." binigay ang panyo niya.


"Anong gagawin ko dito?"

 

"Hulaan mo. Obvious ba, ipunas mo dyan!"

Pinunas ko sa madugong noo ko, OA lang ako. Binalik ko yung panyo.

 

"Duh, bakit mo binalik?"


"Eh, sayo 'to."

 

"Never mind. Diyan mo na yan. Tsaka tsupi, kakain na ako. Kumain ka na rin at wag ka nang mambabato para hindi sayo bumalik yung binato mo."


"Hindi ako aso."

"Bakit sinabi ko bang aso ka?"


"Oo, ngayon lang."


"TSUPI!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TANSAN (One Shot Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon