A Song For Him

153 5 4
                                    

Bago lang po ako dito pero sana magustuhan niyo

Wala po sanang mga bad comments~

Dahil dito kailangan kong maghanap nang mga old songs...

"If you can not forget some difficult things in your life, The least you can do about them is making sure you do not give your self time to remember them."

"FOLLOW YOUR HEART, LYNNE

IT'S THE ONLY ONE THING INSIDE

YOUR BODY THAT CAN MAKE

YOU HAPPY, NOTHING ELSE"

CHAPTER ONE (1)

There was a man, a lonely man,

Who lost his love through his indifference,

A heart that kept, that went unchecked

Until it died within his silence…

                      From the song “Solitaire”


'A BETTER WAY TO LIVE'

Pamagat ng librong nakita ni Lynne na nakapatong sa bakanteng upuan ni Lynne sa loob ng air-conditioned na bus.




Napatingin ang mata niya sa mga taong nasa loob ng bus pero mukha namang kampante ang lahat ng pasahero ng bus.






May nagbabasa ng diyaryo, may nagkukuwentuhan, at may nakatingin lang sa labas ng bintana. Na wala man lang umaasta na tila nawawalan ng gamit.






Curios man, ay hindi niya agad pinakialaman ang libro. Hinayaan lang niya itong nakapatong sa upuan na tabi niya.







Hinihintay niya na may lumapit at baka kunin ang libro. Baka kasi maabutan ng may-ari na kapag hawak niya ang libro ay isipin pa niyang may balak itong kunin.





Pero masasampal niya ito kung magkakataon lang. Dahil sa buong buhay niya wala pang nagsabi o nag-isip sa kanya nang ganun at kahit kalian hindi niya kayang angkinin ang isang bagay na hindi niiya pag-aari.






Mahaba-haba na rin ang tinakbo ng bus ay wala paring lumalapit sakanya  upang kkunin ang librong naiwan. Nagsimula nang magsidatingan ang iba pang pasahero at nagsimula naring mapuno ang bus.







Sa pangambang iba pa ang makakuha sa libro ay napagisip-isip rin niya na kunin na lamang ito. Lalong lalo na paborito niya ang writer na si Mary Jane Navarro na siyang sumulat sa librong yon.







Marami rin siyang kinolektang libro na ang writer din ay si Mary Jane Navarro. Puro inspirational kasi ang mga sinusulat nito.

Yong klase ng kwento na hahaplos at mag-aangat sayo kapag feel mo na bababa kana at magsisimulang bumulusok sa ilalim ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa.






Naisip niya na bakit nagbabasa ng ganito yong nakaiwan nito.




Siguradong malungkot ito at naghahanap ito ng maghahaplos at mag-aangat sa puso nito




May nakita siyang nakaipit na blue envelope.





Kinuha niya at nakita niya na sa labas ay may nakasulat na handwritten:




To: Sarah Rosales. Sigurado siyang may nakasulat sa loob nito pero hindi niya muna binasa.




Hindi kasi magandang magbasa ng sulat ng may sulat kahit hindi alam ng mga tao sa paligid niya.





A Song For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon