Dakilang Ina

210 1 0
                                    

"Puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan..." ~Sa Ugoy ng Duyan

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito. Sa totoo lang, natutulog na'ko nang bigla akong maalimpungatan at naalala kong Mother's Day pala ngayon. Hhhhmmmmm..... Anu kayang pwedeng isulat.... Di ko talaga alam eh nyahahaha!

Ikaw ba perpekto kang anak? Ako hinde! nyahaha! At 'wag ka nang magtangkang isagot ang "oo" dahil baka awardan kita ng medal at trophy at sabihan kita ng "plastik ka hui!" Aminin naman nating lahat na minsan ay nakakagawa tayo ng kasalanan at pagkakamali sa mga nanay natin. Kung meron mang pinaka-konting kasalanan sa'tin ay ako 'yun! Kasi mabait ako at humble pa nyahahahaha! Wag ka nang kumontra!!! Isako kita eh!

Dakila ang mga ina. Hindi kayang tumbasan ng kahit na ano o kahit na sino ang pagiging dakila nila kahit pagsama-samahin mo pa ang mga bayani ng lahat ng mga bansa. Well, mahirap gawin yun pagsama-samahin sila dude, nagpapaka-OA lang ako nyaha! Pero totoo naman diba?? Dakila ang pagiging isang ina.

Sa totoo lang, malaki na'ko ngayon. Literal na malaki dude, hirap kasi magapayat eh nyahahaha! Wag ka nga!!! Anyway, ayun na nga. Malaki na'ko at kaya ko na ang sarili ko. Kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa at mabuhay nang wala sa piling ng aking ina. Ganun na nga ang set-up namin ngayon kasi nga, nasa ibang bansa siya at malayo. Malayung-malayo. Hindi pwedeng i-jeep. Pero kahit na ganon ay dumarating ang mga pagkakataon sa buhay ko ngayon na tila ba isa akong bata na nangungulila sa pagkalinga ng isang ina. Hindi naman naging kulang ang mga bagay na 'yun. Lahat naman ay naibigay niya pero siguro nga, kung aaminin ko lang ay namimiss ko lang talaga siya.

Habang tumatanda ka ay nag-iiba ang mga bagay sa paligid mo. Kung dati nung bata ka pa ay wala kang problema kundi ang pag-iisp ng ipapabaon sa'yo sa school o di kaya naman ay battery ng laruan mo at kung anu-ano pang mababaw na bagay. Pero habang lumalaki ka ay palaki din nang palaki ang mga problemang dumadating sa'yo. Minsan iisipin mong 'di mo na kaya at tipong gugustuhin mo nalang ang bumalik sa pagkabata para kapag suko ka na at 'di mo na kaya, lalapit ka lang kay mama at tapos na ang problema mo. Ganun kabilis. Masayahin akong tao pero may mga problema din ako. At iilan lang ang napagsasabihan ko ng mga ito dahil iilan lang napagkakatiwalaan ko hehe. Minsan ay gumagana ang pagka-wirdo ng utak ko at naiisip ko na sana kahit malaki ka na ay pwedeng ipitik mo lang ang daliri mo kapag may mabigat kang dinadala tapos in an instant ay babalik ka sa pagkabata at tulad ng dati ay pupunta ka kay nanay, iiyak, pupunas ng sipon, mahihiga sa kanyang kandungan at ipaghehele ka niya hanggang sa unti-unti kang makatulog. Kasabay ng iyong pagkakahimbing ay ang pagkapawi ng bigat na nararamdaman mo at paggising mo ay handa ka na namang harapin ang buhay at muli na namang umiyak sa piling niya.

Sa araw ng mga ina, gunitain natin ang kanilang pagkadakila. Wala man tayong pwedeng gawin para matapatan ang lahat ng ginawa nila para sa'tin, kahit paano sana'y sa ating munti at sariling pamamaraan ay maipakita natin sa kanila ang kagustuhan nating suklian ang kanilang kadakilaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dakilang InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon