Pinch Me. I MUST BE DREAMING.

582 26 11
                                    

Hi. Ako si Ericka Lei. 

Meron akong crush. syempre. haha. 

halos araw-araw ko siyang inaabangan. gawi ko na ata ang pag-aabang sakanya eh.

Buti nalang hindi niya ako nahahalata kasi naman para akong buntot na laging sumusunod sakanya.

Siguro nga hindi nya naman tlaga nahahalata kasi naman hindi niya ako pinapansin.

"Steph,matagal ko na itong tinatago. Pakapalan na ng mukha pero noong grade 4 pa lang ako at grade 5 ka,crush na kita.Pero sa tingin ko ngayon,mahal na kita.Ewan ko ba.ha-ha. Masaya ako kapag nakikita kita palagi.Kaya naman kapag wala ka,hinahanap-hanap kita.Ako na ang baliw. Baliw na baliw sayo. Sorry talaga ha! Hindi ko na kasi kayang itago pa ang nararamdaman ko eh!sige! *sniff* "--- sabi ko then talikod sakanya at sabay takbo na umiiyak.

Tapos naramdaman ko na hinawakan niya ang kamap ko at iniharap sakanya.

Ewan ko ba. hindi ako makatingin sakanya ng diretso.

Siguro dahil na rin ito sa nahihiya na ako sa sarili ko lalong lalo na sakanya.

Hinawakan niya ang baba ko at iniharap niya ang mukha ko sakanya.

Edi eye to eye ang drama namin.

Pero shocks! grabe! ang bilis ng tibok ng puso ko. para bang may karera?

ang ganda talaga ng mga mata niya..ang pula pa ng labi niya..siya na talaga!siya na!

take note ha! nakahawak yung right hand niya sa left hand ko at yung left hand niya nakahawak sa face ko. 

feeling ko tuloy namumula na ako. ang init-init na kasi ng mukha ko eh.

tapos nagsalita na siya...

"Matagal na rin naman kitang mahal eh.Humahanap lang ako ng tamang panahon na sabihin sayo.Mahal na mahal ki-----"

*BLAG!*

"ATEEEEE! late ka na po! look oh! 7 am na!" sabi ng bunso kong kapatid.

Kainis naman! kala ko pa naman totoo na eh! panaginip lng pala! sasabihin na sana ni Stephen na mahal na mahal niya ako eh! 

Hmp! makapag-ayos na nga for school at baka hindi ko na maabutan ang flag ceremony at di makita si stephenmylabs.

Pagkatapos kong mag-ayos,bumaba na ako ang uminom nlng ng gatas and nagpaalam kila mommy and bunso kasi nasa work naman si dad.

Nasa school gate na ako ngayon. Buti nlng nagpipila palang ang mga studyante kaya tatakbo na ako papuntang room at iiwan ang bag dun.

Okay Ericka, 1 2 3 Takbooo!

Sa sobrang pagmamadali ko may nabangga akong lalaki.

OMYGAS!

may sugat siya.

ikaw ba naman magpagulong-gulong ng dahil sa nabangga ka ng isang nagkakarerang kabayo. de joke lng! haha.

HALA ! nakadapa pa siya.

Tinulungan ko na siya.

Tapos noong naiangat ko na siya....

O.O

OH NOOOO! STEPHENMYLABS!

"sorry po. sorry po talaga. di ko po sinasadyang banggain ka." sabi ko na natataranta na.

di naman siya umimik. 

mukhang nasaktan talaga siya kasi grabe yung impact nung pagbanggaan namin.

Buti nalang walang nakakita kasi halos lahat na ng students nasa may school grounds na.

Dinala ko na lang siya sa clinic.

Hindi na kami nakaattend ng flag ceremony. Pero okay lang atleast kasama ko siya.

Andito na kami sa isang room sa clinic. 

Binigyan ko siya ng cold compress kasi meron siyang mga pasa.

Huhuhu kawawa naman ang aking labs.

"Aw. wag mo naman masyadong diinan. masakit eh." sabi niya pero nakangiti yan ah!

edi nag-smile rin ako! hahaha

tapos....

"Wait. parang kilala kita eh. ikaw yung babaeng laging nakasunod sakin. diba?" tanong niya.

OMYGOSH! kilala niya ako! nahalata nya ako! okay! alam na!

namumula na ako. suuper talaga!

kinakabahan na ako ng grabe.

"aa-aa-a-ahh..o-oo.. eh" ayan tuluyan na akong nagblush >///<

"Sorry talaga ha. di na mauulit! promise!" sabay ko pa ng right hand ko at talagang nagpromise ako.

"Uhmm...sige pero sagutin mo muna tanong ko.." hala! ano kayang tanong niya?

"a-ano yu-uun?" nauutal kong sabi. phew! grabe pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba!

"Mahal mo ba ako?" 

o.O

O-kay? 

Pinch me. I must be dreaming!

natulala naman ako..

"aw!" kinurot niya ako.

Oo na. di na nga ito panaginip. huhu!

"Ahh.oo eh. Sa katunayan nga nyan crush na kita nung grade 4 pa lang ako. palagi nga kitang inaabangan eh. kala ko di mo ako napapansin. tapos naman ngayong highschool na tayo nag-iba na ang nararamdaman ko sayo. sa tingin ko mahal na kita. masaya ako kapag nakikita kita kahit na hindi mo ako pinapansin.Sorry ulit nabunggo kita. sorry po talaga. hindi na mauulit. pinapangako ko. sorry talaga. sige bye."

WAAAH! andami kong nasabi! wala na! naamin ko na!

tatayo na sana ako ng biglang hinawakan niya ang kamay ko at sinabing..

"Ericka, wait." edi tumigil ako. namumula nanaman ako eh!

ang lambot ng kamay niyaaaaa...ohemmm..

"Alam ko naman yun eh. nasabi yan saakin ng mga kabarkada ko kasi nahalata nilang palagi mo akong sinusundan mula elementary pa tayo. Crush din naman kita noon eh. kaya lang......mahal na kita ngayon.." sabi niya at unti-unti siyang lumapit sakin at..

yinakap niya ako... 

kyaaaaaaaaaaaaa!

"Mahal na mahal kita Ericka..kung alam mo lng.." bulong niya sa tenga ko....

ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko...

grabe kinikilig akong sobra!

"Mahal din naman kita Stephen.." sabi ko nalang..

At pagkatapos noon. Naging mag-kaIBIGAN na kami.

Grabe kung hindi lang pala sa pagiging ala-kabayo ko noong malelate na ako eh hindi pa yun mangyayari.

Buti nalang at nasugatan si Stephen noong nabunggo ko siya kundi hindi kami magkakausap sa clinic at kung hindi niya ako tinanong kung mahal ko siya..

Haay.. ngayon naniniwala na ako na Dreams May Come True..at FOLLOW YOUR DREAMS..

Grabe talaga ang mga pangyayari...parang kani-kanina lng sinusundan ko siya tapos ngayon KAMI na. kamusta naman kaya yun?

HAHA. Edi ako na masaya! I really love Stephen <3

-End.

***************************************************************************************

Sorry po kung pangit. wala lang kasing magawa eh. pagbigyan niyo na po ako. masaya lang ako kasi tapos na examinations namin. :DD

Read|Vote|Comment TY!:*

Pinch Me. I MUST BE DREAMING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon